Chapter 23: Decision

2.1K 149 6
                                    

"Can I really return to my own world?" Halos walang tinig kong tanong sa hari. Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ito.

"We can always try," sambit ng hari at humugot ng isang malalim na hininga. "I was the one who chose you. Ako ang nagdala sa'yo sa mundong ito at natitiyak kong ako rin ang magbabalik sa'yo sa mundong pinanggalingan mo."

"You never did this before, right? Sa mga nagdaang Captain Mary, you never propose this to them." Wala akong nabasang ganito sa journal ng mga nagdaang Captain Mary. Kahit ang ability ng hari na maglakbay sa mga dimensyon ay hindi nila nabanggit doon. Kaya naman, bakit niya sasabihin ito sa akin ngayon? Ganoon na lamang ba ang kagustuhan nitong iligtas ang mundong ito?

"You're the only hope of this world, Captain Mary. To defeat Rupert and his allies, you need to have the power of the Phoenix." The King stated while looking directly to my eyes.

"Phoenix," mahinang sambit ko habang tinatansya ang magiging desisyon. "I need to know more about this creature first, Your Majesty."

"That's the Great Guardian of this world. Ito rin ang dahilan kung bakit nabuo ang organisasyong pinamumunuan ngayon ng kapatid ko. With the help of the Great Guardian, our ancestors created an alliance to make this world a peaceful one. Isa si Captain Mary sa bumuo ng organisasyon, at ito na lang din ang natatanging buhay pa sa panahong ito."

Natigilan ako sa kinatatayuan noong biglang may nakita akong mga imahe sa isipan ko. Tulad ng mga naunang imaheng ipinakita sa akin ni Captain Mary, inilahad nito lahat ng nais kung malaman. Lahat ng impormasyong dapat malaman ko tungkol sa tinutukoy nilang Great Guardian Phoenix ay nakita ko sa isipan. Every small details, I have it now. Maging kung paano ko malalapitan ang Phoenix ay nalaman ko na rin.

Bahagya akong nahilo kaya naman ay mabilis akong napaayos nang pagkakatayo. Napahawak ako sa ulo ko at natigilan noong marinig ang boses ni Captain Mary.

"I gave you the information you want but please, pag-isipan mong mabuti ang inilahad na kondisyon ng hari sa'yo. The future of Northend and the whole Azinbar are now in your hands, Rhianna Dione."

Napamulat ako ng mga mata at wala sa sariling napatingin sa hari. Captain Mary and her loyalty to the royal family. Lahat talaga gagawin nito para sa Northend. Napakuyom ako ng kamao at tahimik na pinakiramdaman ang susunod na gagawin ng hari. Seconds passed, hindi ito umiik at nakatingin lang ito sa akin. Napatango na lamang ako at noong muling umubo ito ng dugo, dinaluhan kong muli ang hari. Damn! Lalong lumalala ang kondisyon nito!

The future of Northend.

King Louis IV is the current king of the realm at kung mawawala ito, tiyak kong babagsak ang realm na ito.

Siya ang tinutukoy ni Captain Mary. King Louis IV, the future of Northend.

"Gagawin ko ang nais mong mangyari, Your Majesty," matamang sambit ko noong matapos kong mag-cast muli ng healing spell sa kanya. "Ngunit pag-iisipan ko pa ang tungkol sa tinuran mo kanina. Hindi ko alam kung tama bang tanggapin ko ang inalok mong pagbalik sa akin sa mundo ko."

"Captain Mary..."

"Rest, Your Majesty. Huwag kang aalis dito sa palasyo hangga't hindi ko natatapos ang gulong mayroon ang mundong ito." Sambit ko at umatras ng isang beses palayo sa kanya. Yumukod ako at nagpaalam na sa kanya. Dere-deretso akong naglakad hanggang sa makalabas ako sa silid at noong mamataan ko ang Tyrants at si Aviana, mabilis ko silang niyaya sa headquarters namin.

"Maliban sa labanang magaganap sa hinaharap, ano pa ang nakita mo, Aviana? Tell me everything you saw in your precognition." Seryosong utos ko dito at naupo sa upuang nakatalaga sa akin.

Realm of the NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon