Halos apat na oras ang naging biyahe namin patungo sa Vallasea.
Sa main gate pa lang ng realm ay marami ng mga taga-bantay ang naroon. Lahat sila ay armado na tila handa na sa pakikipaglaban. I can feel the tensions between them even when I'm inside this car.
Si Amell na ang bumaba sa sasakyan namin at kinausap ang mga taga-bantay ng gate ng Vallasea. Umabot ng ilang minuto ang pakikipag-usap nito sa kanila at noong makabalik ito sa kotse ay marahas itong bumuntong hininga.
"Vallasea is the eastern realm of Azinbar, right?" basag ko sa katahimikan noong muling umandar ang sinasakyan namin. "Anong mayroon sa realm na ito maliban sa mga malawak na karagatang nakapalibot dito?" I asked them while looking outside the car. I wanted to break the ice between us. Looks like na mas malala ang sitwasyon sa realm na ito kaysa sa inaasahan namin. We need to calm our nerves or else, we'll fail.
"The people of Vallasea uses water as their primary source of magic. They can manipulate the water so well and one of the ability they also have, they can manipulate the weather," sagot ni Zahra sa tanong.
"How about the people in Northend?" I asked again. Ilang araw na akong nasa Northend at ni hindi ko man lang natanong ito noon! Ang Tyrants lang kasi ang palagi kong nakakasama. At base sa naging obserbasyon ko noong nasa boundary kami ng Northend at Hilienne, healer lang ang namataan kong gumamit ng magic.
"Most of the people in Northend are healers," ani Jaycee na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Kaya nga mas nakakalamang tayo sa ibang realm. And our Northend Knights have their own special abilities. We can use and enhance our own senses."
"Really?" manghang tanong ko.
"Yes, Captain Mary. And, guess who discovered this abilities?" nakangising tanong ni Jaycee sa akin.
Nagpataas ang isang kilay dito. Kailangan ko pa bang hulaan kung sino? Of course, the owner of this body! Captain Mary!
"We're here," natigilan ako noong magsalita si Amell. Mabilis akong napatingin sa kabilang bahagi ng sasakyan at napaawang na lamang ang mga labi noong tumambad sa akin ang ganda ng palasyon ng Vallasea.
"This is the royal palace of this realm," ani Alessia. Napabaling ako sa kanya noong kumilos ito at inayos ang suot na damit. Today, we're not wearing our armor suits. We're here as a guest kaya naman ang normal na kasuotan ang suot namin ngayon.
Napangiwi na lamang ako noong maalala ang pagtutol nila kanina sa suot ko. But hell no, they can't stop me! I'm not wearing those ball gowns and all just to see someone. Mas komportable ako sa ganitong suot. Below the knees naman ang haba nitong suot ko! Anong prinoproblema nila dito?
"Let's go," yaya sa amin ni Amell at nauna nang lumabas sa sasakyan!
Tahimik kaming sumunod dito. Pagkababa pa lang namin ng sasakyan ay agad akong naalarma sa kakaibang kapangyarihang naramdam sa paligid. Nagsimula nang maglakad ang Tyrants ngunit nanatili ako sa kinatatayuan ko. Kunot-noo kong inilibot ang paningin at maingat na nagmasid.
I can feel it. The strong strange magic.
Mayamaya lang ay napatingin ako sa kinatatayuan ko at marahang iniluhod ang isang tuhod at hinawakan ang konkretong daan patungo sa palasyo ng Vallasea.
"Captain Mary?" It was Zahra.
Ramdam ko ang titig ng Tyrants sa akin ngunti hindi ko na sila binigyan pansin pa. Mas itinuon ko ang buong atensiyon sa kakaibang enerhiyang nararamdaman ngayon sa palad ko.
What is this?
"What's wrong, Captain?" Tanong ni Alessia at tinabihan ako. Lumuhod din ito at ginaya ang ginagawa ko. Inilapat nito ang palad sa semento at binalingan ako.
BINABASA MO ANG
Realm of the North
FantasyREALM SERIES #1 // COMPLETED Rhianna Dione Ferrer always wanted her freedom from her own family. She's the sole heir of their company's empire and when she ran away, a group of men tried to get her. And again, she ran away from them. Everything was...