Chapter 27: Refuse

2K 166 17
                                    

"Captain! They're here!"

"Aerial ships!"

Walang emosyon akong napatingala at tiningnan ang iilang aerial ships na ngayon ay nasa himpapawid na ng Northend. I was expecting them. Noong unang araw ko dito sa Northend ay sila agad ang bumungad sa akin. At mukhang masa marami sila ngayon kaysa noong nakaraang pag-atake nila sa amin.

Rupert! Damn it!

"They're about to attack," mahinang sambit ni Aviana sa tabi ko at segundo lang mula noong sambitin niya ito ay nagpaulan na ang mga ito ng bomba. Here we go.

"Double the barrier," sambit ko na siyang sinunod naman nila Alessia, Amell at Winter.

"A massive group of Knights from Hilienne are coming. Be ready," wika ni Atlas at mabilis na tinakbo ang distansya patungo sa main defense group ng Northend. Napabaling ako sa may gawing kanan ko at namataan ang sinasabi nitong Knights mula sa Hilienne. Napakunot ang noo ko habang ginagamit ang enhance eyesight ability na ngayon ay mayroon na rin ang katawan ni Captain Mary.

"Claiming my power will give you all the special abilities, Captain Mary. You can use all the magic spells that exists in this world." Maingat na sambit sa akin ng Great Guardian Phoenix habang naglalakad papalapit sa akin. "Your enemy is a high rank dark spell user. He already mastered the highest level of it so you better keep an eye on him. A blink can cause a thousand of casualties, Captain."

"Blink," bulong ko at isa-isang sumabog ang mga aerial ships ng Hilienne.

"What the..." mahinang bulong ni Aviana sa tabi ko.

"Amell!" Tawag ko dito at mabilis na ipinalutang ang sarili. Hawak-hawak ang isang espada ko, mabilis akong lumipad palabas ng barrier at agad na inatake ang natitirang aerial ships na hindi naapektuhan ng spell na ginawa ko. Explosion. Iyon ang spell na ginamit ko kanina para pasabugin ang mga aerial ships. Natitiyak kong may ilang high level magic user sa ibang aerial ships kaya naman ay nakaligtas ito sa naging atake ko sa kanila.

"Captain!" It was Amell who called me then started to attack the enemy's ship. "Ako na ang bahala dito sa itaas." Aniya at itinuro ang grupo ng mga Knights na ngayon ay inaatake na rin ang barrier na ginawa nila kanina. "Ikaw na ang bahala sa kanila. Stop them."

"Got it," mabilis na sambit ko at lumipad patungo sa mga Knights ng Hilienne kung saan ilang metro na lamang ang layo nila sa barrier.

"Dispel the barrier!" rinig kong sigaw ng isang Knight na siyang sinunod naman ng mga nasa unahan nila. Napangisi ako at mas binilisan ang paglipad. Bago pa man nila mairelease ang spell sa barrier namin ay naitapak ko na ang mga paa ko sa lupa.

"Cancel," mahinang sambit ko at ikinumpas ang kanang kamay patungo sa kanila.

"Your body already took too much dark spells, Captain Mary. Magiging mapanganib sa'yo kong kukunin mo na naman ang kahit anong dark spell ng kalaban mo."

Natigilan ako at tiningnan ang mga kamay ko. 

"Kung ganoon, anong gagawin ko, Great Guardian?" Maingat na tanong ko dito. If I can't consume any dark spell, how can I deal with Rupert? With his overflowing dark spell, I doubt if I can stop myself from consuming his power. Iyon lang ang tanging nasa isip kong paraan para tumagal ako sa maaring laban naming dalawa.

"Captain Mary was a great magic manipulator, Rhianna Dione. Dapat ay alam mo na ang bagay na ito." wika nito na siyang nagpatigil sa akin. "She can turned catastrophe into triumph. Sadness into joy and darkness into a brilliant light."

"Paano ko magagawang gawin ang mga iyan? Bago lang ako sa katawang ito? Paano ko gagawin ang mga bagay na kayang gawin ni Captain Mary?"

"Believe and trust yourself, Rhianna Dione. Remember your purpose. The reason why you are here in this world."

Realm of the NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon