Chapter 3: Tyrants

6.2K 304 27
                                    

Tahimik kong pinagmasdan ang nagkakagulong paligid.

Napalunok ako noong may namataan akong mga sugatang Knights ng Northend. I firmly close my fist when I saw their bloods all over their body. Kaliwa't-kanan ang mga nahihirapan dahil sa mga sugat na natamo nila dahil sa labanan. Ang iba naman ay halos hindi na makakilos sa higaang kinalalagyan nila.

Mabilis namang kumilos ang mga kasama ko. Kanya-kanyang lapit ang mga ito para tulungan ang mga sugatang mandirigma.

Jaycee, he's the healer of the group. Kagaya nang pagpapakilala nila sa akin kanina, he's the one aiding the wounded Knights. May iilan din akong nakikitang ginagawa rin ang kung anong ginagawa ni Jaycee ngayon. Healers. The one who uses special magics and spells to heal someone wounds and illness but not that good at combat battle. They're here for that purpose. To heal and save lives.

Mabilis naman akong napatingin sa gawing kanan ko at namataan ko si Owen at Zahra. Tinutulungan nila ang iba pang mga sugatan. Napataas naman ang kilay ko noong makita walang kahirap-hirap na nabuhat ni Owen ang dalawang halos hindi na kayang maglakad pa. He's that strong? Amazing!

Hindi ko inalis ang paningin kay Owen at noong mamataan ko ang pagkilos ni Zahra, natigilan ako sa kinatatayuan ako. Napaawang na lamang ang labi ko noong makita ang ginagawa ngayon ni Zahra. She's casting something and seconds passed, lumutang sa ere ang mga katawan ng mga sugatang nasa harapan niya. Mataman kong pinagmasdan ang ginagawa niya at napakunot na lamang ang noo noong makita ang iilang petals na nakapalibot sa mga katawan ng Knights. She's using her magic. She's controlling them with her ability to control plants! Earth magic! Iyon ang sinabi ni Alessia sa akin kanina tungkol kay Zahra! Oh God! This is insane! Talagang gumagamit nga ng mga mahika ang mga taong narito sa mundong ito!

"Let's go, Captain Mary. Let's help the front line defense of Northend." Natigilan ako noong marinig ang boses ni Alessia. May inabot ito sa akin at halos mapaatras ako noong tanggapin ko ang espadang hawak nito. Too heavy! Damn it! Lahat na lang ba ng bagay na pag mamay-ari ni Captain Mary ay ganito kabigat?

"You okay?" she asked and ready her own sword. "You don't need any weapon but since you're new with this, might as well use your sword skills. I'm dying to witness that again."

"Sword skills? Don't make me laugh, Alessia. Alam mo namang-"

Hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin noong biglang ikinumpas ni Alessia ang espada niya patungo sa akin. Agad namang kumilos ang katawan ko at sinangga ang atake nito sa akin.

"I wanted to teach you about your abilities but we don't have time for that, Captain Mary. Just like what I've said earlier, be natural. Alam ng katawan mo ang dapat mong gawin."

Napaawang ang labi ko sa sinabi nito at napailing na lamang noong talikuran niya ako.

God! Ano ba itong pinasok ko?

Akmang hahakbang na ako para sundan si Alessia noong biglang nakarinig ako nang malakas na pagsabog. Mabilis akong natigilan at napabaling sa nagkakagulong mga tauhan ng Northend. Mayamaya lang ay nasa tabi ko na ang iba pang miyembro ng Tyrants at halos sabay-sabay kaming napatingin sa himpapawid.

"The hell," mahinang sambit ko noong mamataan ko ang iilang airships doon. Napakunot ang noo ko lalo noong may nakita akong inihulog mula sa sasakyang panghimpapawid na ngayon ay umiikot sa kampo ng mga taga-Northend.

"They really used their trump card now, huh," rinig kong sambit ni Amell sa tabi ko at inihanda ang pana nito at tinarget ang mga hinulog ng kalaban namin. "Bombs," dagdag pa nito at sinumulan na ang pagtira ng pana patungo sa kalaban namin.

"Alessia!" sigaw naman ni Zahra sa tabi ko kaya naman ay napatingin ako kay Alessia na ngayon ay nakatayo rin 'di kalayuan sa pwesto namin.

"Got it!" mabilis sambit ni Alessia at agad na itinaas ang kamay nito. Napatingin muli ako sa himpapawid at napaawang na lamang ang mga labi noong makakita ako ng barrier. Now, the whole place was protected by Alessia's special barrier. Tanging mga pana lamang ni Amell ang lumulusot dito at kapag tumatama ito sa target niya ay kusang sumasabog ito!

Wow! This is really insane! I can't believe I'm seeing this right now! Sa mga hollywood movies ko lang ito napapanuod noon!

"Let's go," muli akong napatingin kay Alessia noong lumapit na ito sa amin. Napabaling naman ako sa mga katabi ko. The Tyrants are ready to fight now. Maging si Jaycee na abala kanina sa pagtulong ng mga sugatan ay nasa tabi na rin namin ngayon.

Amell, Jaycee, Owen, Alessia and Zahra. This is the Tyrants ruled by Captain Mary. And this time, I am her. I am the captain of this team.

Can I lead them and protect their land?

"I'm excited to show Captain Mary my new spells!" ani Jaycee na handa na rin makipaglaban. He's going to fight? Even if he's a healer?

"Just don't overdo it, Jaycee," ngisi ni Owen at ngayon ay lumulutang na ito sa ere.

Wait... silang lima na pala ang lumulutang na ngayon sa ere! The hell!

"Come on, Captain. Let's destroy those airships!" ani ni Zahra at ikinumpas ang kamay sa gawi ko.

"Paanong... Sht!" bulalas ko noong biglang lumutang na rin ang katawan ko.

"You can fly without Zahra's magic, Captain. But since you don't know how to use your magic well, use her magic for the meantime," ani Alessia at mabilis na kumilos. Napatanga ako sa lima habang mabilis silang lumipad papalapit sa airships na ngayon ay hindi tumitigil sa pagpapaulan ng mga bomba sa kampo ng Northend.

"This is bad," ani ko at sumunod na rin sa lima. Napaawang ang labi ko sa pagkamangha noong tumagos ang katawan ko sa barrier na ginawa ni Alessia. This is really amazing! Ilang oras pa lang ako sa lugar na ito ay marami na akong nasasaksihang kakaiba!

Bigla naman akong naging seryoso noong sunod-sunod na sumasabog ang mga bombang tinatarget ng Tyrants. Pinagmasdan ko silang mabuti at lalong namangha sa taglay nilang galing sa pagtarget ng mga bombang pinapakawalan ng mga kalaban.

"Captain! Owen! Target the ships!" sigaw naman ni Amell at muling nagpakawala ng mga pana niya. "Alessia's barrier won't hold that long. We can't let a single bomb touches the ground."

Nagkatinginan kami ni Owen at mabilis ko itong tinanguhan.

Kusang kumilos ang katawan ko at ngayon ay mas mabilis na akong lumilipad kasabay ni Owen. Inihanda ko ang espadang hawak-hawak at noong may isang bombang nakaharang sa nililiparan ko, mabilis ko itong hinati sa dalawa.

I mentally cursed when I heard the loud explosion around me. I ignored it and continue to fly higher until I reached one of the airship.

"Woah!" bulalas ko noong isang kumpas lang ng espadang hawak ko ay nahati sa dalawa ang isang malaking airship. Napaawang ang labi ko at nakangising napatingin kay Owen. Tumango lang ito sa akin at lumipad papalapit sa isa pang airship.

Sampung airships ang nasira namin. Puno ng usok ang himpapawid kaya naman ay halos wala rin akong makita. Zahra and Alessia used their magics to clear the atmosphere. At noong nawala na himpapawid ang mga nasirang airships, napatingin ako sa kabuuan ng boundary. 'Di kalayuan ay kita ko ang hukbo ng mga kalaban ng Northend. That must be the people of Hilienne, iyong kalabang realm ng Northend. At kagaya nang sinabi ng hari sa amin kanina, someone's controlling those people. At kung tama ang sinabi nito, tiyak kong napipilitan ang mga itong lumaban laban sa Northend.

They knew that the Tyrants is protecting this land. Base pa lang sa mga nakita ko ngayon, malakas ang grupong ito. If they have the guts to attacked this land, for sure someone's behind them that shares the same magic power that equaled the abilities of the Tyrants. Someone's powerful enough and dared to go war against them.

Mayamaya lang ay napahigpit ang hawak ko sa espada ko noong mamataan ang panibagong grupo ng airships na ngayon ay papalapit na sa gawi namin. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at inihanda ang sarili.

Hindi ko pa alam kung anong totoong nangyari sa akin. Kung bakit ako napunta ako sa mundong ito. Kung bakit nasa katawan ako ni Captain Mary. At kung totoo man ang mga sinabi nila sa akin kanina, then I'll deal with my own mishaps later. Right now, I can't let them fight alone. This body is the leader of this troop. And without her, Captain Mary, for sure, it will bring a big loss to them.

"Let's go. We'll destroy them before reaching us," mariing sambit ko at inihanda ang sarili. Naramdam ko ang presensya ng Tyrants sa likuran ko kaya naman ay binalingan ko ang mga ito.

"You sound like our Captain," ani Jaycee at nginisihan ako.

"I am the captain. Captain Mary of Tyrants," matamang wika ko at mabilis na kumilos na. And without even thinking, lumipad ako nang mabilis at sinalubong na ang airships ng mga kalaban ng Northend.

Realm of the NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon