Mataman akong nakatingin sa madilim na kalangitan at dinadama ang malamig na simoy ng hangin.
Kanina pa ako dito sa hardin ng palasyo. Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ng hari ay dito ako dinala ng mga paa ko. Tahimik lang akong naupo at dito na nagpalipas ng oras.
I'm so stressed right now! I'm worried sick and my mind is in chaos!
"If this is not my mission, then, what could it be?" mahinang tanong kong muli sa sarili.
"Something's bothering you, Captain?"
Mabilis akong napatingin sa likuran ko at namataan si Alessia. Tahimik itong lumapit sa akin at naupo sa bakanteng puwesto sa tabi ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga at muling tumingala at binusog ang mga mata sa magandang kalangitang puno ng mga bituin.
"Matagal mo na bang nakasama si Captain Mary, Alessia?" Tanong ko dito habang nasa itaas pa rin ang paninigin ko.
"You're the third Captain Mary I've met and work with, Rhianna Dione," sagot ni Alessia na siyang ikinatango ko.
"Am I doing it right? Protecting this realm using this body? This power?"
"Of course," mahinang tugon ni Alessia sa akin. "Iba't-iba ang katangian ng mga nakasalamuha kong Captain Mary. But all of them have the same reason why they were fighting. To protect this realm and its people. At isa ka na roon, Rhianna Dione. You're protecting us."
"Iyon pa rin ba ang misyong mayroon ako?" Naiiling na tanong ko at binalingan si Alessia. "Pakiramdam ko kasi iba ang misyong nakatalaga sa akin sa mundong ito. Iba sa mga nagdaang Captain Mary. This war..." I sighed. "Bakit ako? Bakit sa panahong ako ang Captain Mary?"
"Napag-usapan na natin ito noon, Rhianna Dione. We're not talking about this topic again."
"But I need to know. I need to understand everything! Even the king asked me if this is reason why I'm here. Naguguluhan na ako!"
Hindi nakapagsalita si Alessia kaya naman ay napatayo ako mula sa kinatatayuan ko. Napahawak ako sa sintido ko at mariing ipinikit ang mga mata.
"Umalis ako sa puder ng mga magulang ko para sa kalayaang matagal ko nang hinahangad. Ang buong akala ko ay magiging masaya ako sa oras na umalis ako sa puder nila. I did horrible things to achieve my goals and when I was finally free, someone tried to kidnap me. At ang ending, naaksidente ako. Nahulog sa bangin. Namatay at napunta sa lugar na ito," sambit ko at binalingan si Alessia. "Do I deserve this? Dapat ba ako ang nasa loob ng katawan ito?"
"Rhianna Dione, ikaw ang pinili ng katawang iyan, of course, you deserved it!"
"Bakit ako?" Nanghihinang tanong ko kay Alessia.
"Bakit hindi ikaw?" Tanong pabalik nito sa akin. "Stop overthinking things, Rhianna Dione. You'll overcome all of this. Walang bagay na hindi kayang gawin ni Captain Mary. You are Captain Mary and you can do this."
Muli akong napabuntong-hininga at napatingalang muli.
Sana nga ay kayanin ko ang lahat ng ito. Cause just the mere thought of facing the man who look exactly like my father gives me too much chill! Too much stress and fear! Ano pa kaya kong makaharap ko na ito?
Kinabukasan, maaga akong naghanda para sa pagsama papuntang headquarters ng Phoenix. Pagkalabas ko ng silid ko ay natigilan ako noong mamataan ang Tyrants. Mabilis na umayos ang mga ito sa pagkakatayo noong makita ako at bahagyang yumukod sa harapan ko. Binalingan ko si Alessia at marahang tinanguhan ito. Alam na nito kung anong gagawin. We've already talked about this and about our plan. Sana nga lang ay walang maging problema sa gagawin namin.
BINABASA MO ANG
Realm of the North
FantasyREALM SERIES #1 // COMPLETED Rhianna Dione Ferrer always wanted her freedom from her own family. She's the sole heir of their company's empire and when she ran away, a group of men tried to get her. And again, she ran away from them. Everything was...