Chapter 1

34 15 5
                                    

"Mga hijaaaa! Adjo bumangon na kayo!" sigaw ni Lola.


"Lola maaga pa po ahhh" sagot nung isa kong pinsan na si Chin.

"Adjo alas nuwebe na! Isang oras na kayong late sa unang klase nyo!" Sigaw ulit ni Lola.

  Alas nuwebe lang naman pala maaga pa... ha anooo? Alas nuwebe?


"Wahhh! La bakit ngayon mo lang kami ginising?" sabi ko habang nagmamadaling bumangon ganun na din ang apat ko pang pinsan.

"Haynako mga bata kayo ano puyat pa sige! Kitang may pasok alas dos ang tulog tignan nyo nangyare sa inyo". sermon samin ni Lola


"Lola sorry na napasarap sa pag nenetflix  eh hehehe" sagot namn ni Gwy.


Pasaway talaga tong babaeng toh nilaglag ba naman ginawa namin kagabi ay jusme naman oh!

"Gwyyyy! Ang daldal mo talaga bwiset ka!"
"Bakit mo naman tayo binuking!"
"Lukaaa ka bakit mo sinabi?!"

Halos sabay sabay namin na reklamo sa kanya habang pinagbabato namin sya ng unan.

"Mga luka talaga kayong lima ano? Gumayak na kayo dyan! Mga kabataan nga naman oh! Sumasakit ulo ko sa inyo". Umiiling na sabi  ni Lola samin.

   At dahil nga ayaw namin syang mastress nagsimula na kaming gumayak.

Matapos ang isang oras na gayakan ay nasa hapag kainan na kami at napag alaman namin na 5:30 lang pala nung ginsing kami ... naisahan kami ni Lola don.


"Lola magandang umaga po ... hmm ang bango tara kain na tayong lahat" sabi sa amin ni Ery.

Sa amin lahat sya talaga yung pinaka sweet and caring ... gusto nyo bang maranasan yon? Sige paalaga kayo sa kanya , charr bawal yon bunso namin yan eh.

"Bilisan nyo ng kumain baka tuluyan na tayong malate nyan e ". Utos samin ni Eun pinaka matanda samin na mahilig magutos palibhasa tamad.

"Mga apo pumasok na kayo , galingan nyo mga pangit sa unang klase ha ... " sabi sa amin ni Lola habang nakangiti.

Napailing naman ako sa sabi ni Lola "Lola grabe ka naman ganda ganda ng lahi natin tas pangit tawag mo samin?" sabi ko habang naka ngiwi.

  Si Lola lang ang taong harap harapan kaming sinabihan ng pangit at hindi ko matatanggap yon.

"Cam pangit ka daw kasi HAHAHA" sabi ni Ery. Binatukan ko tuloy pangit pala ah.

"Mahiya ka nga Ery ako pinaka maganda sating lima ah" sagot ko.

   Aba syempre dapat wag tayo papatalo. Buhat ng bangko ganon HAHAHHA charr no need maganda naman talaga ako.

    "Tara na pasok na tayo" sabi ni Shin na agad naman naming sinangayunan na apat. Mahirap ng malate unang araw pa naman sa klase.

"Byee po!" sabi naming lima kila Lola.

Siguro maghahanap nanaman sila ng gwapings sa school kaya excited pumasok ...take note sila lang yun , ako pinaka mabait samin kaya no need maghanap.


"Taraleeets na I'm so excited!" sabi ni Eun na pinaka maharot sa amin.

Excited na din ako sa new journey ko sa pagiging grade 10 student syempre with my four ugly cousins. Ako lang maganda guys pasensya na , Godbless.

Ferellin National High School here we go!



   "Magkakaklase ba tayong lima?"  Tanong ko sa mga pinsan ko.

Chasing Dreams (Domery Series #1) (On-Going)Where stories live. Discover now