Natapos na ang klase namin ngayon kaya naman naglalakad ako papuntang grocery store para sa kakainin naming magpipinsan para sa isang buong linggo. Malapit lang din ang grocery store sa school kaya nakadating ako ka agad.
"Magandang hapon po Ma'am " sabi nung Guard pagkatapos akong pagbuksan ng pinto. Ngumiti naman ako bilang paggalang.
Habang nagtutulak naman ako ng cart napansin ko na merong mga tao na nakatingin sa akin tapos tumatawa pa yung iba.
Hinawakan ko naman ang aking mukha pero wala namang dumi doon, kaya pinagsawalahang bahala ko nalamang yung mga tao.
"Wow nice andaming chuckie" nakangiti kong sambit, paborito ko kasi yun kaya kumuha ka agad ako ng lima.
Matapos ang halos kalahating oras ay natapos na ako sa pamimili at magbabayad nalang. Pero kada lakad ko ay may mga taong kundi nagtatawanan ay nagbubulungan namn.
"Ay kalabaw!" ani ko dahil may biglang yumaka sa akin mula sa likuran.
"What the umalis ka nga dyan!"
"Why would I? Huh?" bigla namang nanlaki yung mata ko nung marealize ko na si Sky pala yung yumakap sakin.
"Eh bakit ka ba nakayakap? Nantsatsansing ka noh?! Umalis ka nga" medyo nagpupumiglas na ako pero hindi pa din sya umaalis.
Nung tinignan ko naman yung mga nakapaligid samin nagiilingan naman sila ,yung iba naman tumatawa. Meron ding matatanda na mukhang hindi nasisiyahan sa nakikita nila... ako man din.
"Umalis ka na nga! Andaming nakatingin oh!" inis na bulong ko sa kanya.
"Manhid kaba? What do you think is the reason why those people are laughing huh?"
"Ewan! Atsaka paki ko namn sa kanila!" Tama sya tawa nga ng tawa yung mga tao pero hindi ko naman sila pinapansin.
Bumitaw na sya sa pagkakayakap sakin, pagkatapos nakita kong nakatali sa bewang ko yung jacket nya. Hindi ko naramdaman na itinali nya sa bewang ko yon.
"Para saan naman ito? Hindi naman ako magsasayaw ah"
Bigla naman syang lumapit sa akin na halos maduling na ako sabay bulong nyang... "You have red spot on your skirt... don't you know that?"
Nanlaki naman yung mata ko sa gulat sabay tingin dun sa skirt ko at tama nga sya merong red spot dun!
"Omaygaaad! Excuse me!" nagpapanic na sabi ko sabay takbo. "Nakakahiya!"
Nung nakalabas na ako sa store nagabang ka agad ako ng tricycle sakto namang merong nakaparada doon kaya nakasakay agad ako. "Manong sa may Blueberry nga po"
Agad naman akong nakauwi ng bahay dahil malapit lang namn yon , nakapagbayad na din ako ng pamasahe sabay takbo papasok ng bahay.
"Bwiseeet! Nakakahiya jusmeee!" nagsisigaw kong sabi habang paakyat ng kwarto.
"Hoy ayos ka lang ba?!" Tanong ni Eun.
"Hindi! Arghhh bwiseeeet! Worst day ever!"
Nakailang minuto ako sa paglilinis ng katawan sa banyo bago naisipang lumabas. Paglabas ko bumugad sa akin ang mga pinsan ko na nakahiga sa kama mukhang hinihintay talaga ako.
"Cam nagpagupit ka pala? Alam mo bagay sayo yang short hair" ani ni Gwy.
"Ay nako ako ang naggupit ng buhok nyan! May bruha kasing nagbuhol ng buhok nya!" sagot ni Chin.
YOU ARE READING
Chasing Dreams (Domery Series #1) (On-Going)
Roman pour AdolescentsElyris Camerin Domery is a 16 year old girl. She's living with her cousins and have a supportive family. But after that accident, she wants to fulfill someone's dream just to end the guilt she's bearing for many years. But what if she needs to choo...