Chapter 7

4 0 0
                                    

It's now Saturday in the afternoon, nasa sala ako ngayon kasama ang aking mga pinsan na hanggang ngayon ay mga tulog pa din except kay Ery na nanonood na ngayon ng tv.

"Guys anong oras na?" humihikab na tanong ni Gwy.

"Ala una na girl, wala pa din tayong pagkain" inaantok kong sagot. Halos kakagising ko lang din kasi katulad nya.

Bigla namang nag suggests si Ery na umorder nalang daw kami ng pagkain o kaya naman ay kumain sa karinderya, sa may Cranberry.

Tumango naman ako. "Agree, tinatamad din akong magluto"

Kagabi kasi ay halos madaling araw na kaming nakatulog dahil pagkatapos ng ANP ay nagkwentuhan muna kami at nanood.

  

   Every Friday night, we're doing that sometimes with our Lola but right now we can't have a Friday bonding with her dahil wala sya sa Blueberry ngayon and because of that we agreed that we will still watch movies without her.


Ginising na namin sina Chin at Eun, ang dalawang tulog mantika. Silang dalawa yung pinaka mahirap gisingin sa aming lima, yung tipong nakaka sampung tawag ka na ay hindi pa din sila gising .... ayaw nilang gumaya sakin siyam na tawag lang gisingin na duh!

   Ilang minuto pa ang lumipas ay nasa karinderya na kaming lima at namimili na ng ulam. Sa totoo lang itong karinderya na ito ay hindi kalakihan pero madami pa ding tao ang kumakain dito, lalo na ang mga studyante. Mas tipid dito dahil madaming kanin at ulam tapos mura lang din ang pagkain.

  Nakatapos na kami sa pagpili ng ulam at nakapwesto na kami sa may gilid kung saan malapit ang electric fan. Katabi ko si Ery, samantalang yung tatlo naman ay nasa harapan namin.

  Mabilis naman naming natapos ang pagkain dahil kanina pa talaga kami gutom. Sa totoo lang ay naka panjama pa kaming lima ngayon at hindi pa naliligo dahil sabi nila ayos lang naman daw yon, konting pabango lang at suklay ay maganda na daw kami.

  "Guys kelangan na siguro natin umuwi, hindi pa tayo naliligo oh tapos ang baho na natin" sabi ni Ery.

   Tumango naman si Chin. "I agree... kelangan ko na din gumayak guys dahil may pupuntahan pa ako."

   "Saan ka namn pupunta Chin? Hindi ka ba napapagod? Ang pahinga lang natin ay yung itinulog natin" humihikab na sabi ni Eun. Probably inaantok pa din.

 
  Nagpatuloy pa ang usapan ng aking mga pinsan, sumali din si Gwy sa usapan nung tatlo. Samantalang ako kinuha ko nalang ang cellphone ko at nag Facebook.

   Habang nag iiscroll ako sa newsfeed nakita ko yung litrato nung limang magkakaibigan, sila Sky. They are all look so dashing like a prince. Aakalain mo talagang mga model sila sa ganda nilang pumostura. Kung magiging models silang limang nakatitiyak akong mag babackout ang ibang model dahil sa mala prinsipeng tindig ng magkakaibigan.

  I also read some comments at halos puro mga kababaihan ang nag comment. They said the boys are so handsome, they all look like a prince which is I agreed and some of the comments are so funny.

   "Guys malapit na mag 2:30 , hindi pa ba tayo uuwi? Baka nakakalimutan nyo hindi pa din tayo naliligo" pagsingit ko sa kanilang usapan.

  Nakalimutan yata nilang mga naka pantulog pa kami at hindi kaaya aya ang amoy namin.

   Nanlaki naman bigla yung mata ni Chin sabay tayo, nagpapanic.

"Chin kalma lang ano ba nangyayare sayo? Madaling madali ka"  ani ni Gwy.

Chasing Dreams (Domery Series #1) (On-Going)Where stories live. Discover now