06. Hanggang sa Huli : SB19 Sejun

1.2K 22 10
                                    

Company - Event - Bahay - Hospital

Diyan sa apat na lugar na yan umiikot ang buhay ko the past month. Sa Company kapag may training or practice at meeting kami. Event kapag may mga mallshows, guestings at concert kami ng grupo ko. Sa bahay kapag kailangan ko na talaga ng pahinga. At sa Hospital naman kapag binibisita ko si Iza.

Iza's my girlfriend, we're together for 4 years now. And if you're wondering bakit siya nasa hospital, well, she has Leukemia. Malala na ang sakit niya dahil hindi naagapan. And what's worst is that any moment by now ay pwede na siyang mawala, maiiwan na niya kami.

Nagalit ako nung una, nung saka pa lang niya sinabi sa amin na malala na ang sakit niya. Pero isinantabi ko muna iyon dahil iniisip ko siya. What she needs is our love and care for her. Araw-araw namin sa kaniya pinaparamdam iyon.

Nandito ako sa hospital ngayon, binabantayan ko siya. Wala sila Tita dito, ang Mama niya dahil may binibili na kailangan dito.

Habang tinitingnan ko siya na natutulog, nakahiga lang at nanghihinang katawan ay hindi ko mapigilang maiyak. Natatakot ako sa kung anong susunod na mangyayari, kung gigising pa ba siya o..... hindi na.

"Sej"

Nabalik lang ako sa reyalidad nang tinawag niya ako in her weak voice, nagising na pala siya. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at lumapit sa kaniya.

"Yes Babe, do you need anything?" I asked her. Umupo ako sa monoblock chair na nasa tabi ng hospital bed kung nasan siya nakahiga at hinawakan ang kamay niya.

Umiling lang siya bilang sagot sakin tsaka ngumiti. It's a sad smile at tumulo na rin ang mga luha niya.

"Hey, Babe. Bakit? May masakit ba sa'yo? Tatawag ako ng Doctor." I said pero bago pa man ako makatayo ay nahawakan niya ang kamay ko. She signaled me na maupo lang kaya kahit nalilito ako ay umupo nalang din ako.

I held her hands and play with her hair hanggang sa siya ang unang nagsalita.

"I love you Sej" she said kaya napangiti ako.

"I love you so much more" I replied. Kahit hindi naman namin sabihin 'yon sa isa't isa ay ramdam naman namin iyon.

"Can you promise me some things?" she asked while tears flowing down in her cheeks. I tried to wipe her tears but it just won't stop kaya pati ako ay naiiyak na ulit.

I just nodded as a response to her.

"I know you're a great artist and the best leader but can you promise me na mas lalo mo pang pag-igihan ang passion mo? I know mas higit pa ang kaya mong gawin at gusto ko, kahit na pag nawala na ako ay magawa mo na 'yon. I've been a burden to you, to all of you. Kung hindi lang dahil sakin ay sana mas nafofocus ka sa pangarap mo. Can you promise that one for me?" she asked.

"I'll promise you that one but how many times do I, we, have to tell you that you're not a burden. In fact, you're our inspiration to keep moving forward. Ikaw ang inspirasyon namin." I said.

Paulit-ulit niyang sinasabi na pasakit at pabigat lang siya samin pero ilang beses din namin na inuulit-ulit sabihin sa kaniya na hindi siya ganon.

"I'm sorry" she said at umiwas ng tingin sakin.

I held her face which made her face me.

"Ano pa yung iba na sasabihin mo?" I asked, anything for her, gagawin ko.

"Promise me when I'm gone, magmamahal ka ulit. Ayaw kong pigilan mo ang nararamdaman mo dahil lang sakin, kung iniisip mo ko. Gusto ko mahanap mo yung babaeng para sa'yo, yung makakasama mo habang buhay. Kase ako, alam naman natin na hindi ako 'yon." she said at mas lalo pa siyang napaiyak.

Pinapatahan ko siya at pinupunasan ang mga luha niya.

I was hesitant at first na sagutin ang sinabi niya dahil mahirap 'yon pero napagpasyahan kong sagutin nalang iyon, para sa kaniya.

"I promise." I said firmly. "But it'll take time. Matagal kung maghilom ang sugat Iza, but I promise you na hindi ko sisirain 'tong promise na 'to. I promise to you, magmamahal ulit ako. We know that the right time will come for that to happen. But let me love you for now." I said, crying.

She nodded, smiling. "Thank you" she said.

"Anything for you, my love" I said.

I hold her hands and caressed her hair again.

"I love you babe, always remember that." she said.

"I love you too and you know that."

"Is it okay if I rest?" she asked.

I immediately nodded dahil alam kong kailangan niya 'yon. But I got froze at what she asked next.

"For good? Can I rest forever?" she asked.

Nang matauhan ako ay tinanong ko siya.

"Are you really that tired now?" I asked her.

She nodded so I closed my eyes for a while.

"Okay, rest now my love. I love you." I said tsaka hinalikan siya sa noo. Alam kong masakit at mahirap para sakin, sa amin pero ayaw ko nang mahirapan siya.

Unti-unti naman na siyang pumikit at narinig ko pa ang sinabi niyang I love you too Babe, hanggang sa huli. For the last time, I held her hand and caressed her hair.

Nang marinig ko na ang tunong na galing sa machine, nung nakita kong straight line na ang heartbeat niya at hindi na siya humihinga pa ay wala na akong ibang nagawa kundi umiyak.

Sa huling pagkakataon, kami ang magkasama at nasabi ulit namin kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

I promise Babe, tutuparin ko ang mga hiniling mo.

SB19 Oneshot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon