19. Option : SB19 Stell

542 21 6
                                    

ALLEN's POV

"You have to be treated, Allen. Hindi pwedeng hayaan mo nalang yang—"

"Wala po akong pera, Doc. Wala po kaming pera. At kung meron man po, mas pipiliin ko naman pong gastusin 'yon sa Nanay ko na mas kailangan 'yon ngayon." pagpuputol ko sa Doktor na kausap ko ngayon.

"Pero ang sabi mo gusto mong gumaling..." sambit niya dahilan para matahimik ako.

Oo, ginusto kong gumaling... Ginusto. Pero sa nangyayari ba naman ngayon, mas pipiliin kong mawala nalang para mawala na rin yung sakit.

"Hija... Try asking for help from your relatives or from someone who has the means to help you. You're such a good and kind person, I'm sure may mga tutulong sa'yo. Eto tulong ko na rin sa'yo, diba? Free ka sakin every consultation mo. Try seeking for help from the others. Kung ako meron lang, tutulungan din kita. Napalapit ka na sakin eh."

Ngumiti ako ng pilit kay Doktora.

Malapit na nga rin ako sakaniya, di ko naman itatanggi 'yon. Napakabait niyang Doktor. Kinakausap niya ako sa paraan na hindi masyadong mabigat.

"Susubukan ko po. Pero sa ngayon si Nanay po muna yung iintindihin ko, siya po ang mahalaga." sabi ko nalang.

Tumitig sakin si Doktora tsaka bumuntong-hininga at tumango.

Nagpacheck-up ako sakaniya dahil lagi nanamang sumasama ang pakiramdam ko. Araw-araw na. Ang hirap pala kapag mahina ang puso... Pero pinipilit kong maging malakas para kay Nanay, at para na rin pala kay Stell. Nabubuhay nalang ako para sakanila...

Dapat nga nasa hospital na ako ngayon, naka-confine, pero ayoko. Pilit na pilit nalang ang lakas kong pinapakita sa mga taong nasa paligid ko.

Hindi ako malihim na tao pero nang dahil dito sa sitwasyon ko, nagawa ko 'yon. Nilihim ko sa Nanay ko, pati na kay Stell na boyfriend ko itong sakit ko sa puso. Isang taon na ako sakanilang naglilihim. Mahirap, masakit. Pero ayokong dumagdag sa aalahanin nila, lalo na kay Nanay. Kaya ko naman eh, kaya ko pa, ata.

Pagkagaling ko sa ospital ay hindi na muna ako umuwi sa bahay. Kaya imbes na roon ay pumunta ako sa condo ni Stell. Malapit lang naman ang condo niya sa ospital kung saan ako galing kaya nilakad ko nalang. Magsasayang lang ako ng pera kapag sumakay pa ako.

Tirik na tirik ang araw pero hindi na ako umarte pa. Dire-diretso nalang akong naglakad hanggang sa makarating na ako. Papalapit na ako sa unit niya nang tumigil ako.

Dahan-dahan akong napaupo sa gilid habang hinahabol ang hininga ko. Peste talaga, ngayon pa talaga ako inatake nito. Napahawak din ako sa kaliwang dibdib ko kung nasaan banda yung puso nang maramdaman kong sumakit at parang nanikip iyon.

Ilang sandali kong hinabol ang hininga ko tsaka naghanap sa sling bag ko nang gamot. Alam ko may nalagay ako rito kanina. Nang makita ko na 'yon ay agad ko 'yong kinuha at ininom kasabay ng pag-inom ko ng tubig.

Naghintay pa ako ng ilang sandali hanggang sa maramdaman ko na hindi na masyadong naninikip ang dibdib ko. Nanatili pa rin akong nakaupo sa gilid habang habol ang hininga. Nang unti-unti na akong kumalma ay dahan-dahan na rin akong tumayo. Inayos ko ang sarili ko tsaka naglakad na papunta sa unit ni Stell.

Dire-diretso na akong pumasok. Alam kong nandito lang siya.

Walang tao sa sala kaya naman pumunta ako sa kwarto niya pero gulat at nagtaka naman ako nang makita kong bihis na bihis siya at may nakahandang maleta habang siya naman ay naglalagay ng mga gamit niya roon.

"M-Mahal, saan ka pupunta?" kinakabahan kong tanong tsaka dahan-dahang lumapit sakaniya.

"Aalis ako. Kailangan kong pumunta ngayon sa Korea."

SB19 Oneshot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon