03. Broken Promise : SB19 Josh

1.5K 26 16
                                    

Listen to the song attached above (Patawad by Moira Dela Torre) para mas dama yung sakit.

- Zy

——————————

"Ash, sorry hindi ako makakaabot sa dinner natin. Pinatawag kasi kami ni Sir Charles, may emergency meeting daw about sa new project namin."

I read the text that Josh sent me. I sighed before I leave the restaurant.

Lately, napapansin ko kay Josh na madalas siyang nakatutok sa phone niya. Kung dati ay computer ang kaharap niya, ngayon naman cellphone niya. He's been acting suspicious. And what's worst is madalas na siyang hindi umaabot sa mga dinner dates namin.

Napag-isipan kong pumunta sa company nila. Hindi ako magpapakita sa kaniya o sa kung sino mang ka-member niya. I have to ask Anne, she's the manager of Josh's group and she's also my friend. I will just ask if may schedule ba si Josh tonight.

"Hi Anne!" I greeted her as soon as makarating ako sa lobby ng company nila, nakipagbeso na din ako sa kaniya at ganun din ang ginawa niya.

"I'm just here to ask if may schedule ba si Josh ngayon."

"Wala na. Maaga pa nga silang natapos ng practice nila kanina. And as far as I remember, wala silang meeting dahil wala naman dito sina Sir Charles and Sir Robin." she said kaya bahagya naman akong natigilan pero agad din naman akong nakabawi.

"Ah ganun ba? Sige, thank you." matamlay kong sabi sa kaniya.

"And by the way, pwedeng wag mong sabihin sa kaniya na pumunta ako dito ngayon?" pakiusap ko kay Anne. She just nod as an answer kaya nagpaalam ako na aalis na.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Galit ako, galit ako dahil nagsinungaling siya sakin at malungkot dahil hindi natuloy yung dinner namin. Ngayon nalang sana kami lalabas, hindi pa natuloy.

Dumiretso na ako sa condo naming dalawa ni Josh. It's past 9 in the evening. I decided to take a shower first before I go to sleep. Pakalabas ko ng banyo habang suot ang bathrobe para kumuha ng damit pantulog ay sakto namang dating ni Josh. Lumapit agad siya sakin para humalik sana sa pisngi ko pero umiwas kaagad ako.

"What's wrong? May problema ba?" he asked. Tsk, nagtanong pa talaga siya. Hindi ko nalang siya pinansin at kumuha na ng damit sa cabinet at pumasok ulit sa banyo para magbihis.

"What's your problem? Ba't hindi mo ko pinapansin?" he asked. "Dahil ba 'to sa hindi natin natuloy na dinner? Diba sinabi ko na sayo na may emer-" hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na ako.

"Emergency meeting? Is that the real reason kung bakit di ka nakadating kanina sa dinner natin?" I asked Josh.

"Oo nga! Tinext pa nga kita diba?!" he said, I can sense that he's now angry, pinipigilan niya lang. At ang kapal niya naman, siya pa ang may ganang magalit!

"Enough with your lies Josh! Pumunta ako sa company niyo kanina, I asked Anne kung may schedule ka ba ngayon or practice. She said na wala, maaga pa nga kayong natapos eh. And take note! Wala dito sina Sir Charles sa Pilipinas kaya wag mong gawing excuse na may emergency meeting kayo with him!" I shouted at him.

Hindi ko na mapigilan ang galit ko.

"But-" I cutted him off again.

"Ano? Another excuse? Wag na, magsasayang ka lang ng laway. I saw you with Coreen on a Korean Restaurant na malapit sa company niyo. Ang saya-saya niyo pa nga eh! Hawak-hawak mo pa yung kamay niya!" I still shouted but this time, with my tears flowing down on my cheeks.

Nagulat siya sa sinabi ko, hindi niya inaasahan na malalaman ko 'yon.

"S-sorry Ash" sambit niya at umiwas ng tingin.

"Alam mo Josh, never pumasok sa isip ko na lolokohin mo ko." I said. "Kasi nangako ka sakin diba? You promised me na hindi mo ko sasaktan. Hindi ka nga sumuko sa panliligaw mo sakin ng almost 2 years kahit na paulit-ulit kong sinabi sayo na hindi pa ako ready. Hindi pa ako ready kasi nahihirapan akong magtiwala. But you are so persistent in pursuing me that time kaya sinagot kita. Unti-unti ko noon na tinanggap na hindi ka katulad nila, hindi ka katulad ni Papa, ng naging ex-boyfriend ko na manloloko. Pero masyado ata akong naging kampante, hindi ko inisip na aabot tayo sa puntong 'to." I said kahit na umiiyak ako.

"Sorry"

"Puro sorry nalang ba Josh?" I asked him.

Hindi siya nagsalita at nakayuko lang.

"Pwes, sorry din. Ayoko nang maulit 'to." I said. Pilit kong pinapatatag ang boses ko.

"W-what do you mean?" he asked, nakatingin na siya sakin ngayon.

"Let's break up. Ayoko nang maulit 'to, hindi ko na kakayanin. Sa ginawa mo, pinatunayan mong kagaya ka rin nila. Manloloko." I said before I turn my back at him.

Akmang bubuksan ko na ang pinto nang magsalita siya.

"Where are you going?" he asked.

"Somewhere far away from you. Yung hindi kita makikita." I said bago.

Wala na akong pakialam kung pantulog man ang suot ko ngayon basta makalayo lang sa kaniya.

Sa condo nalang muna ni Anne ako magpapalipas ng gabi. Ipapasuyo ko nalang bukas sakaniya na kunin ang mga gamit ko bukas sa condo ni Josh. Yes, condo nalang ni Josh dahil hindi na ako nakatira don at hindi na ako babalik pa. Hindi na ako babalik pa sa lugar na yon at mas lalo na sa kaniya. I'm done with him.

Nangako siya pero sinira niya naman kahit alam niya kung ano ang magiging epekto no'n sakin. Walang kwenta.

SB19 Oneshot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon