/LDR-17/

51 51 24
                                    

THIRD PERSON

Pagkatapos nang sagutan at pag-aayos ng magkapatid ay hindi muna sila nagkibuan ng ilang oras. Tahimik at malalim ang iniisip ni Max habang nakaupo sa kaniyang kama.

Kanina, napagpasyahan ni Theresa na tuluyang i-secure ang kaniyang buong kwarto para hindi na tuluyang makapasok ni Max. Sa kagustuhang magkasundo sila ng kapatid ay walang nagawa si Max kundi sumang-ayon sa gusto nito.

Pinalitan ni Theresa ang password sa secret chamber ng kwarto niya at ni-lock pa nito ang pintuan kaya imposible talagang makakapasok pa roon si Max.

Lingid sa kaalaman ni Theresa ay marunong mag-hack si Max kaya marami siyang kaalaman pagdating sa mga ganoong bagay. Ngunit nagdadalawang-isip si Max kung papasukin niya ang kwarto ng kapatid gayong kakasundo lang nila.

Nais ulit ni Max na bumalik sa nakaraan para pormal na makapagpaalam sa kaniyang mga magulang at humingi ng tawad sa kaniyang kapatid (Idris) sa lahat ng nagawa nita rito.

Pagkatapos no'n ay nangangako siya na hinding-hindi na niya gagalawin ang machine. Sana lang ay hindi siya mahuli ng kapatid kundi paniguradong mag-aaway na naman sila.

Tumayo na siya at malalim na humugot ng hininga bago tuluyang naglakad papunta sa kwarto ni Theresa.

Gamit ang kaalaman ay madali niyang nabuksan ang pintuan sa pamamagitan ng pick-lock na sisiw lang sa kaniya.

Sunod ay ginalaw niya ang frame na nakasabit sa dingding katulad ng lagi niyang ginagawa at dahil doon, bumungad ang isa pang pinto na maghahatid sa kaniya patungo sa laboratoryo.

"Shit, there's a passcode." sambit niya sa sarili pagkatapos mag-error ang unlock detector ng pipihitin na sana niya ang doorknob.

Napangisi na lang siya nang may maisip. Kung hindi niya mabubuksan ang pintuan na may passcode ay may iba pang paraan para roon.

Nagmamadali siyang bumalik sa loob ng kaniyang kwarto at hinablot ang nakalapag niyang laptop sa kama at 'saka siya bumalik sa loob ng kwarto ng kapatid.

Kinuha niya ang connector at kinabit ito sa kaniyang laptop samantalang ang kabilang dulo ay kinonek niya sa loob ng passcode detector device.

Nagsimula siyang magtipa ng kung ano-ano mula sa kaniyang laptop. Lumabas doon ang sari-saring mga numero at letra na halos hindi niya mabasa dahil sa bilis mapalitan.

Pero kahit gano'n ay himalang naiintindihan niya ang nagaganap sa screen ng kaniyang laptop ay mamaya-maya ay may lumabas na series ng iba't-ibang number at nagsimula itong mag-shuffle.

Nakalagay dito ang salitang "passcode processing" habang pasalit-salit ang pagpalit ng mga letra at numero.

Nang matapos ay lumabas ang numerong "814690" na sa tingin niya ay 'yun na ang passcode kaya mabilis na bumukas ang pintuan matapos ma-access ang code mula sa kaniyang laptop.

Tuwang-tuwa siyang pumasok sa loob bitbit ang laptop at 'saka naglakad sa mahabang corridor. Sa bawat pagdaan niya ay unti-unti ring nagbubukas ang mga ilaw sa kaniyang paligid na mistulang sinusundan siya.

Nang nasa harapan na niyang muli ang pinakahiling pintuan ay napapikit na lang siya. Nagtatalo kasi ang isip niya kung gagawin niya ba talaga ito o hindi.

Pero naisip niya na huli naman niya ito kaya bakit hindi pa siya tutuloy? At isa pa, nandito na siya sa harapan at wala nang atrasan kaya sa huli ay muli niyang hinarap ang pintuan.

Katulad ng inaasahan niya ay hindi kusang nagbukas ang pintuan dahil mayroon na naman itong passcode na mas mahirap buksan at i-hack.

Sinubukan niyang magtipa ng random number sa passcode set pero hindi pa rin ito nagbubukas. Sinubukan niya na rin ang birthday ng kapatid, ang araw kung kailan siya pinanganak at ang araw kung kailan siya grumaduate ay wala pa ring nangyayari.

Live. Die. Repeat.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon