IDRIS
Nagising ako habang habol-habol ko ang aking hininga. Napatingin ako sa paligid at nalaman kong nasa kwarto pa rin ako.
Akala ko kasi totoo 'yong napanaginipan ko na na-holdap kami ni Naya at parehas kaming namatay.
Napahawak ako sa noo ko dahil parang bahagya itong kumirot. Hinilot-hilot ko ito para mawala pero nagtaka ako nang makapa ko ito. Mainit ang parte ng noo ko at parang may nakaukit na bilog doon.
Tumayo ako at nagtungo sa salamin para tingnan ang sarili ko. Napatingin ako sa noo ko at may nakita ako roong bilog na bakat na hindi ko alam kung saan nanggaling.
Hinimas ko pa ito para mawala pero narinig ko na lang ang malakas na katok mula sa aking pintuan kasabay ng pagsigaw ni Naya.
"Idris! Gumising ka na, aba! Tulog mantika ka talaga kahit kailan!"
Napakunot-noo ako dahil sa narinig. Bakit parang narinig ko na ang salitang 'yan?
Napailing-iling na lang ako dahil sa naisip. Siguro dahil lang 'to sa napanaginipan ko kaya parang naapektuhan ang utak ko.
Pumunta ako sa pintuan para buksan ito dahil baka tuluyang sirain ni Naya ang pinto kung sakali.
Bumungad sa akin ang nakapameywang at nakabusangot na mukha ni Naya. "Buti naman at gising ka na," sabi nito 'saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
Okay? I have a strange feeling today but I can't explain it.
"Ang unfair mo talaga. Bakit kahit ang gulo-gulo ng buhok mo at may laway ka pa sa labi, ang ganda mo pa rin?" tanong nito habang nakanguso at niyugyog niya pa ang balikat ko. Sa halip na pansinin ang sinabi niya ay kunot-noo ko lang siyang tinignan.
"Hoy, anong nangyari sa'yo? Natulala ka riyan?" tanong niya habang pinipitik pa ang daliri niya sa harap ko.
Pinilig ko na lang ang ulo ko at huminga ng malalim.
"Okay lang ako." sagot ko pero mukhang hindi pa ako sure ro'n. Ang weird lang kasi, parang nakaranas ako ng deja vu. It's like I've experienced this before, hindi ko lang alam kung kailan.
"By the way, kailangan mo nang magbihis dahil aayusin pa natin 'yung booth natin." paalala niya.
Oo nga pala, ngayon kami magde-design para sa aming booth. Malapit na kasi ang intrams namin at kailangan matapos na namin 'yon agad para wala na kaming poproblemahin sa susunod na araw.
Wait, did I say this words before or it's just me?
Aaah, I'm being weird.
"Right, mauna ka at susunod na lang ako." wala sa sariling sagot ko sa kaniya. Hanggang ngayon pa rin kasi ay naguguluhan pa ako sa nangyayari.
Am I being crazy? Kulang ba ako sa tulog kaya kung ano-ano ng naiisip ko?
"O, sige. Dalian mo lang ha? Alam kong mabilis kang kumilos kaya siguraduhin mo na nandun ka na in 10 minutes." wika niya pero tinitigan ko lang siya ng nagtataka kaya sinapo niya ang mukha ko at tiningnan ako ng mariin.
"You're acting weird, Idris. Tell me, naka-drugs ka ba? Ba't parang tulala ka?" nag-aalalang tanong nito.
Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot. "I'm fine. Kinulang lang siguro ako ng tulog kaya ganito." Walang kasiguraduhang sagot ko.
Mukhang hindi naman siya nakumbinsi sa sagot ko kaya humalukipkip siya.
"Are you sure you're alright? Pwede ka namang hindi pumunta kung masama pakiramdam mo." dugtong niya pa.
BINABASA MO ANG
Live. Die. Repeat.
Science FictionWhat would you do if you're reliving the same day over and over again? What if you woke up one day only to find you we're stuck in a time loop? The day starts and ends the same and in the morning you weren't even excited for a new day, knowing it wo...