/LDR-20 part 2/

39 30 7
                                    

A/N: This chapter is partly confusing. It will be happening between the past and the future. Sa madaling salita, papalit-palit ang mga senaryo. Sana na-gets niyo. Don't worry, li-label-an ko naman. Enjoy reading!

-----


THIRD PERSON

"Ipaupo mo siya rito. Dahan-dahan lang." utos ni Sebastian kay Gavin.

Kasalukyang buhat-buhat ng lalaki ang nanghihinang katawan ni Max.

Bagaman ay nanghihina at nanlalabo ang paningin ni Max ay alam pa rin naman niya ang nangyayari sa paligid niya. Mas pinili na lang niyang huwag magsalita dahil napapagod siya.

"Ate Idris..." mahinang tawag nito sa pangalan ng kapatid. Nang marinig ito ng babae ay kaagad siyang tumabi sa kapatid at hinawakan ang kamay nitong nanlalamig niya.

Hindi maiwasang mapaluha ni Idris dahil sa sitwasyon ng kapatid. Namumutla na ito na parang wala ng dugo sa katawan, nanghihina at malamig ang katawan.

"Gavin, prepare the cap. Hurry!" aligagang saad ng matanda. Nagkakagulo na ang mag-ama ngunit hindi nito inalintana ang natitirang oras para sa magkapatid.

"Hey...I'm here, Max. Masaya ka ba? Look, makakauwi ka na. 'Wag kang matakot, nandito lang ako, okay?" Tumulo ang luha ni Idris sa kamay ni Max.

Pilit inabot ni Max ang mukha ni Idris at siya na ang nagpunas ng luha nito.

"Don't cry, Ate. Please, I can't leave knowing that you're hurt. Be happy for me too. Magkikita pa naman tayo sa future."

Dahil sa sinabi ni Max ay hindi na nakasagot si Idris at napayuko na lang. Niyakap niya lang ang kapatid na parang ayaw niya muna itong umalis.

Sa sandaling panahon lang sila nagkita ngunit ayaw na nilang mawalay sa isa't-isa.

"Dad, we don't have much time. Kailangan na nating magmadali." paalala ni Gavin.

May hawak-hawak itong isang metal hat na maraming nakakabit na wires. Hindi na inabalang alamin ito ni Idris dahil ang nasa isip niya ay ang maaring mangyari kay Max.

"Makinig ka. Magiging okay ka lang. Makakauwi ka. Tandaan mo, mahal na mahal kita, Max." Hinalikan niya ang noo ng kapagid at ipinagdikit ang ulo nila.

"I love you too, Ate. Please, don't forget me..."

"I won't, Max. Never.

"Move, Idris. Isasagawa na namin ang proseso,"

Hindi pa sana muna gagalaw si Idris kung hindi lang siya hinila ni Gavin sa isang tabi.

"Isuot mo na, Gavin."

Hawak ang metal cap, dahan-dahang inilagay ni Gavin ang bagay sa ulo ni Max.

Kunot-noo namang pinapanood ni Idris ang ginagawa ng mag-ama sa kaniyang kapatid. Ano ang bagay na iyon? Para saan ito ay bakit ito suot-suot ng kapatid?

"Sandali, ano ho ang bagay na 'yan? Ligtas ho ba 'yan para kay Max?" kinakabahang tanong ni Idris. Lumapit pa siya kung saan nakaupo si Max para tingnan ito ng malapitan.

Live. Die. Repeat.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon