/LDR-10/

103 87 66
                                    

IDRIS

I woke up again. Same day. Same place. Same time. What should I expect? I'm no longer surprised anymore that everytime I die in the end of the day, I'm still alive and it sucks.

It's like I'm already dead inside but I have to keep living because that's what I have to do. I still have to find out how to escape in this fucking time loop.

I feel dizzy and at the same time parang bumigat ang ulo ko. Napahawak ako roon pero nagulat na lang ako ng makapa ko ito. Dali-dali akong nagtungo sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili.

"What the fuck?" naibulong ko pagkatapos makita ang buhok ko na tayo-tayo na parang hinangin ito ng malakas. Para itong nasunog at nakuryente dahil sa itsura.

Doon ko lang naalala na kidlat nga pala ang dahilan ng pagkamatay ko kagabi kaya siguro ganito ang itsura ko.

Sinubukan ko pang ibaba ang buhok ko pero sabog pa rin ito kahit nakababa na kaya dali-dali kong kinuha ang plantsa para sa buhok pero muntik ko na itong mabitawan dahil sa sigaw ni Naya.

Right, how could I forget her screaming each day every day I wake up? Dapat hindi na ako magulat kapag gano'n.

"Idris, gumising ka na! Aba, tulog mantika ka talaga kahit kailan!"

Napairap na lang ako sa dahil sa araw-araw ba naman na 'yan ang bubungad sa'kin tuwing umaga.

Dahil tinatamad ako, mentally, physically, spiritually at iba pang salita na may ally sa huli, magpapanggap na lang siguro muna ako na masama ang pakiramdam.

Peke akong napaubo at sinadya ko pa itong nilakasan para marinig niya mula sa kabila.

"Naya... hindi muna ako papasok. Masama... pakiramdam ko." nauubo-ubong sabi ko 'saka nagkunwaring umungot para malaman niya na may sakit talaga ako.

"Huh? Ganun ba? O, sige. 'Wag ka munang pumasok. Kami na lang ang bahala sa booth. Magpahinga ka na lang diyan, okay?" nag-aalalang tugon niya dahilan para mapangiti ako ng malawak.

Hindi ko alam na uto-uto rin pala 'tong si Naya. Napatawa ako dahil nasabi sa isip.

Ngayon ko lang naman gagawin 'to eh dahil hindi ko talaga feel ang lumabas ngayon at magliwaliw. Gusto ko munang manatili sa kwarto ng buong araw ng tahimik.

"Salamat, Naya... ingat ka na lang doon!" saad ko pabalik at kunwaring umubo ulit.

"Sige, mag-iiwan na lang ako ng umagahan mo roon sa baba 'saka ng gamot mo. Paalis na rin ako mamaya." Napangiti naman ako dahil doon.

Hays, kahit madaldal at mabunganga si Naya masasabi kong isa siyang tunay na kaibigan.

"Okay."

Nang masiguro kong nakaalis na siya ay saka ko pinagpatuloy ang ginagawa.

Plinantsa ko muna ang gulo-gulo kong buhok at pagkatapos ay nag-ayos 'saka bumaba para kumain.

Hinugasan ko na rin ang pinagkainan at bumalik sa kwarto at doon nagpahinga.

Bigla ko naman naisip ang bata na nakita ko no'ng isang gabi. Iyon kasi ang pangalawang beses na nakita ko siya at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no'n.

Nagtataka rin ako kung para saan ang mga portal na pinapasukan at nilalabasan niya sa tuwing naabutan ko siya. Saan naman siya galing at saan siya nagpupunta 'pag nawawala siya?

Naalala ko rin na humingi pa siya ng tawad sa'kin noong nasa black room kami. Sinabi niya rin na wala na siyang oras nung gabing 'yon at parang nagmamadali siya base sa kinikilos niya.

Live. Die. Repeat.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon