/LDR-4/

133 110 88
                                    

IDRIS

Napabalikwas ako ng bangon at habol-habol ko ang hininga ko. Napahawak ako sa iba't-ibang parte ng katawan ko nang maalala kong naaksidente kami ni Naya mula sa sinasakyan naming kotse.

"Buhay ako... pero papaano?" Wala sa sariling sambit ko kaya bigla akong napatingin sa suot-suot kong damit at agad nanlaki ang mata ko nang ito ang suot ko noong nakaraang araw pa.

Napasabunot ako sa buhok ko at pabalik-balik akong naglalakad habang nasisimulang magsisulputan ang mga nangyari simula noong gabing una akong namatay.

Dapat patay na ako pagtapos no'n pero bakit buhay pa rin ako? What the hell is happening to me?!

"This is not happening..." Nagpalakad-lakad ako habang kagat-kagat ang kuko, hindi mapakali at lubos na naguguluhan kung anong nangyayari.

"Idris, bumangon ka na! Aba, tulog mantika ka talaga kahit kailan!" Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Naya.

That exact same words. Again. Napapikit ako ng mariin 'saka kinalma ang sarili bago tuluyang buksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang nakabusangot at nakapameywang na si Naya. "Buti naman at gising ka na," wika nito pero napakagat-labi lang ako dahil sa kaalamang lahat ng sasabihin niya ay alam ko na.

"Ang unfair mo talaga, bakit kahit ang gulo-gulo ng buhok mo at may laway ka pa sa labi, ang ganda-ganda mo pa rin?" Tanong niya sabay yugyog sa balikat ko.

Hindi ako umimik sa sinabi niya at sa halip ay hinawakan ko ang kamay niya 'saka siya tinitigan sa mga mata. Kailangan kong malaman ito mula sa kaniya. Baka kasi pinaglalaruan lang ako ng isip ko o bama nagkaroon lang ng glitch ang utak ko kaya nag-malfunction ito dahilan para hindi ako makapag-isip ng diretso.

"Stop talking." Pagpapatahimik ko rito.

Napabuka naman ang bibig niya na parang may sasabihin pero agad niya itong tinikom at tumango na lang.

"Sagutin mo ko ng maayos. Anong nangyari kagabi?" seryosong tanong ko.

"What?" nagtatakang tanong nito na ikinabuntong hininga ko. "Look, just answer me okay?" giit ko pa.

"Okay, chill. Pumunta tayo sa sa bahay nina Stella kagabi dahil birthday niya. 'Diba nandun pa yung ex mong si Atlas? Gusto pa nga niyang makipagbalikan sa'yo pero sinigaw-sigawan mo lang siya sa harap ng maraming tao kaya 'ayun, nag-walk out ang lolo mo. Teka nga, bakit mo ba tinatanong 'yan? Don't tell me, nagka-amnesia ka?" mahabang paliwanang nito.

Mas lalo naman akong naguluhan. Parang naalog ang utak ko sa sinabi niya. Pero hindi 'yun ang nangyari kagabi. It was supposed to happened two days from now. How is that even possible?

"Hindi. Noong isang araw pa 'yun nangyari," depensa ko dahilan para kunot-noo niya akong tinignan.

"Anong bang pinagsasabi mo? God, Idris. You're freaking me out." pahayag niya ng may pangamba sa kaniyang mukha.

"Oh, God. I think I'm going crazy..." bulalas ko.

Naipahid ko na lang ang kamay ko sa mukha ko dahil sa frustration at stress na nararamdaman.

If I told her what I was going through, she wouldn't understand it anyway. Baka isipin pa niyang nababaliw na ako at sabihing kung ano-ano ang pinagsasabi ko na wala namang katuturan.

"Hey, what happened to you really? Come on, tell me." nag-alalang sabi nito habang pilit niya akong pinapaharap sa kaniya.

"You wouldn't believe me if I told you." Nanghihinang tugon ko pero hinawakan niya lang ang kamay ko. "Sabihin mo sa'kin kung anong problema mo." pilit niya.

Live. Die. Repeat.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon