/LDR-5/

125 107 108
                                    

IDRIS

Kasabay ng paggising ko ay inuubo akong bumangon. Napahawak ako sa lalamunan ko dahil feeling ko ay may nakabara pa rin doon.

Kailangan ko ng tubig. Pakiramdam ko natutuyo ang lalamunan ko at kinakapos ako ng hininga. Naghagilap ako ng tubig sa loob ng kwarto at saktong may nahanap ako na bote ng tubig sa mesa ko pero kakaunti na lang ang laman nito.

Kaagad akong nagtungo roon at hinablot ang tubig 'saka dali-daling uminom pero hindi pa ito nakakasagad sa lalamunan ko ay naubos na. Tinaktak ko pa ang natitirang tulo papunta sa bibig ko pero wala na talagang laman.

"Idris, bumangon ka na! Aba, tulog mantika ka talaga kahit kailan!" Saktong sigaw ni Naya mula sa kabila at doon ko napagtanto na nagising na naman ako sa parehas na araw.

You've got to be kidding me.

Nagtungo ako sa pinto 'saka ito binuksan. Pinapahid ko ang lalamunan ko dahil sa matinding uhaw na nararamdaman. Nagtataka naman akong tiningnan ni Naya na parang hindi mawari kung anong ginagawa ko.

"Tu... big..." utal na saad ko at laking pasalamat ko ng makuha niya ito agad at dali-daling bumaba. Pagbalik niya ay may dala-dala na itong isang basong tubig na kaagad kong nilagok hanggang maubos.

Hinihingal akong napatingin sa kaniya at ilang beses na napalunok. Nakaramdam ako ng ginhawa pagkatapos.

"I'm fine." saad ko rito bago pa man ito makapagtanong.

"Nanaginip kasi akong may sumasakal sa akin kaya nanghingi ako ng tubig." dugtong ko pa dahil mukhang iyon ang itatanong niya.

Natutop naman niya ang bibig 'saka tumango-tango sa sinabi ko.

Agad rin akong napasapo ng noo dahil sa napagtanto. Same place and same fucking day. I am so done with this. I'm so done waking up in the same day over and over again.

Damn it!

Napakuyom ako sa kamao dahil sa inis na unti-unting gumagapang mula paa hanggang sa ulo ko. Why can't I just live my life happily? Why is this happening to me? And why of all people, why me? I cried in my head in frustration.

"What the hell happened to you? You look miserable." kunot-noong taong ni Naya.

Well, I was! Since I was killed by those dipshits, my life becomes hell! And I don't even know how to stop it! Argh!

"Yeah, I am." matamlay na sagot ko.

Eh kung gano'n naman pala eh, dapat bawat araw sinusulit ko tutal pare-parehas lang naman ang patutunguhan ng lahat ng 'to.

Bago pa makapagsalita si Naya ay inunahan ko na siya. "Yes, I am going and wait for me there, oki?" agad kong tugon.

Nagtataka naman ako nitong tiningnan at napapikit-pikit. "How did you---" hindi ko pinatapos ang sasabihin niya ng isinarado ko na ang pinto.

Huminga muna ako ng malalim at kinalma ang sarili. Alright, I'm gonna do this. It's now or never.

Pagkalabas ko ng kwarto ay lahat ng tao ay nakatingin sa'kin or should I say sa suot ko.

Pagkalabas ko ng kwarto ay lahat ng tao ay nakatingin sa'kin or should I say sa suot ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Live. Die. Repeat.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon