Anne Joy Del Mundo
Hindi ko akalaing matapos ang dalawang linggo ay hindi ko pa rin nakikita ang pagmumukha ni Doc Rodriguez. Akala ko ay patuloy niya akong pepestehin. Natatakot ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin at the same time I was thrilled that he was giving me attention kahit pa sa kakaibang paraan.
Oo, nasaktan ako sa ginawa ni Doc. Rodriguez. I have all the rights na ipakulong at ipaaresto siya, pero wala akong ebidensiya. Isa pa, kailangan ko siya para mahanap ang nawawala kong kakambal kahit pa kaakibat niyon ay ang pagkawala ng dangal ko. But this was all my reason.
Call me stupid, an idiot, or a masochist, but I will sacrifice myself para mahanap ang kapatid ko. Dahil kahit gaano pa kahayop si Doc Rodriguez, I still like him. In fact, I am slowly accepting the truth, that I like it when Doc Rodriguez hurt me.
The hunting was awesome and thrilling. Sa una lang nakakatakot at dahil akala ko baka patayin ako ni Doc Rodriguez, pero habang nasa ospital ako at nagpapagaling ay unti-unting natatanggap iyon ng sarili ko.
"Hey, Annie. Are you ready to go home?"
Ngumiti ako nang makita ang aking ama na nakasilip sa pinto. Off-duty ito dahil nagprisinta siyang ihatid ako sa condominium na tinutuluyan ko kahit malaki ang pagtututol nila ni Mama. Pero hindi ako pumayag na hindi ako ihatid sa sarili kong condo dahil gusto kong mapag-isa.
"Yes, dad. Where's mom?" Bumaba ako sa hospital bed saka inilagay sa suot na sling bag ang hawak na cellphone.
"She went out to do something. She'll meet us at the car. So, let's go? Alam kong naririndi ka na sa kama na 'yan," pagbibiro ni Daddy. Tinuro niya pa ang hospital bed saka kinuha ang maliit na bag na nilalagyan ng mga gamit ko saka siya na ang nagbitbit.
Isang matamis na ngiti ang iginanti ko saka humawak sa braso ni daddy at nagpatiakay palabas.
My bruises are gone and my skin is back to how it used to be. But my emotions were now swayed by Doc Rodriguez. Minsan takot na takot akong makita o kahit isipin man lang siya. Pero minsan ay namamahay sa puso ko na gustong-gusto ko siyang makasama na kahit saktan niya ako ay ayos lang sa akin.
"Okay, sige po. Tayo na." Bumaba ako sa kama matapos ayain si daddy.
We were silent while we were on our way to the carpark. May iilang bumati kay daddy at tinanguan niya lang ito pero ako ay nanatiling tahimik hanggang makasakay kami sa kotse. Naghihintay na roon si mommy.
"How's my baby?" Nilingon ako ni mommy na siyang nagmamaneho. Ngiting-ngiti ito na tila may magandang nangyari.
Patamad akong sumandal sa backseat at ipinikit ang mata. Balak ko sanang matulog pero kapag ganitong mukhang masaya ang mood ni mommy at naiintriga ako.
"I'm good. Bakit mukhang masaya yata kayo 'mom? May nangyari ba na nagbigay galak sa inyo? You were not like that kasi nakalabas na ako ng hospital, am I right?" Minulat ko ang aking mata at itinaas ang kilay habang sinalubong ang mata ni mommy sa rearview mirror.
"Of course not, sweetie. I have a good news for you!" Ngiting-ngiti ito saka ibinalik ang atensyon sa daan.
Bumalik ako sa pagkakasandal sa backseat at akmang pipikit nang muling magsalita si mommy.
"We got the culprit, 'nak. He's now in jail at siguradong mabubulok siya sa bilangguan."
Napamulagat ako sa narinig at napatuwid ng upo. Numabog nang malakas ang dibdib ko at yinanong ko si papa kung tama ang narinig ko.
"Y-you got him? Paano?" Kaya ba siya hindi nagpapakita sa ospital?! Nakakulong si Doc Rodriguez? Pero paano?
Hindi ako makapaniwala. Pero bakit ganito ang reaksyon ng magulang ko? Akala ko ba gustong-gusto nila si Doc Rodriguez?
BINABASA MO ANG
In Love With A Psycho (Wild Men Series #23)
General FictionA psycho killer who wanted nothing but to kill to satisfy his cravings. After a wild night ay nais muling makaniig ni Ciaran ang babaeng nakilala niya sa bar dahil sa galing nitong magpaligaya sa kanya at hinanap-hanap ng katawan niya ang init na du...