10.Juliet

222 7 1
                                    

Anne Joy

Nang muli akong magkamalay ay puting kapaligiran na ang bumungad sa akin. Hindi na lumang dingding na kawayan. Ang hinihigaan ko ay malambot na kama at at amoy gamot ang paligid. Alam ko na agad na nasa ospital ako. But who brought me here?

Mahapdi ang mata ko pero kahit papaano ay hindi na malabo ang paningin ko. Inikot ko iyon at natagpuan ang pigura ng isang lalaki na nakatalungko sa kama na hinihigaan ko. He may be burying his face in the bed, but I can still figure out who it was.

Marahan kong inangat ang braso ko na may nakalagay na suwero upang haplusin ang buhok ng lalaki. "Dad..." Nanunuyo ang lalamunan na sambit ko.

Dry tears welled up in my eyes as I called my dad in a whispering tone. The man slowly woke up.

Nag-angat ng tingin ang aking ama at labis na tuwa ang bumakas sa kanyang mukha nang makitang nagkaroon na ako ng malay.

"Annie, salamat at ligtas ka na." Tumayo ang aking ama at niyakap ako nang marahan. Paniguradong alam niya ang kundisyon ng katawan ko kaya buong ingat ang paghawak niya sa akin. Pero hindi maikakaila sa kanyang matatalim na mata kung gaano kalalim ang galit na nararamdaman niya para sa taong gumawa nito sa akin.

"Dad..." mahina ang boses na tawag ko. I stopped the urge to cry but I couldn't. Tahimik akong lumuha.

Kumalas mula sa pagkakayakap sa akin si daddy at marahang pinunasan ang aking luha gamit ang likod ng palad nito.

"Shh... Tahan na, anak. Everything will be alright. Sino ang gumawa nito sa 'yo?"

Natahimik ako sa tanong ni daddy. Hindi ko kilala kung sino ang nang-alipusta sa akin. At isa pa, natatakot akong may mangyaring masama sa magulang ko kapag kalabanin nila ang lalaki. Alam kong makapangyarihan ang lalaking kumidnap sa akin at gusto ko ring bigyan ng hustisya ang ginawa niya sa akin pero binabalot ng takot ang puso ko.

Umiling ako. I will put the matter in my hands without telling my parents. Baka mapaano lang sila.

"Sino po ang nagdala sa akin dito?" pag-iiba ko ng usapan.

Sa pagkakataong ito, ang daddy ko naman ang umiling. "We had no idea, anak. Tumawag sa amin ang hospital kung saan ka unang na-admit. Before that, we reported your disappearance to the police and hospitals to contact us in case they have news about you. Tatlong araw kang nawawala, anak."

Namutla ang dati ko nang maputlang mukha. Three days akong nawawala? How long did I pass out after that guy strangled me?

"Tinanong niyo po ba ang hospital kung sino ang nagdala sa akin dito?" Kumilos ako upang sumandal sa headboard ng hospital bed.

"Nothing. Walang nakarehistro and even when we checked the CCTVs, we couldn't find out who. A small hospital in Laguna has notified us about you. We just transferred you here, in Fortis Mondragon Medical, yesterday. You've been passed out for two days. And..."

Napatingin ako sa aking ama nang hindi nito maidiretso ang sasabihin. My dad looked hesitant and even avoided eye contact. Bigla akong kinabahan.

"Why..."

"A-annie... They found traces of drugs in you. And you have lacerations..."

Napayuko ako. Ang kabog ng dibdib ko ay nanatiling malakas. Tumingala si daddy pero hindi ako makatingin sa kanya nang diretso.

"Mom and I talked about it already and settled the matter with the police to avoid public scandal. Pero hindi kami papayag na hindi mahanap ang gumawa sa 'yo nito. Napalampas ka man sa imbestigasyon pero kami mismo ng mama mo ang bahalang umaresto sa taong gumawa sa 'yo nito!"

In Love With A Psycho (Wild Men Series #23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon