Anne Joy Del MundoHindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla na lang akong sumugod sa kampo ng mga leon. Pilit kong tinatago ang takot pero napaghahalataan pa rin ako kaya sinamantala iyon ng kaharap ko. I felt disappointed when Ciaran left me. Ang buong akala ko ay hindi siya aalis. Bakit bumahag ang buntot niya at iniwan ako?
"Bakit nagpakita ka pa, Mariposa? Ano'ng kailangan mo?" Itinutok muli ng lalaking sumampal sa akin ang hawak niyang baril.
Napahawak ako sa aking pisngi dahil ramdam ko ang sakit niyon. I tried my best to stop my tears from streaming and when I talked, my voice cracked. "H-hindi ako si Mariposa. A-ako si Anne, ang kakambal niya."
Nagkasalubong ang tingin namin ng lalaki. Punong-puno ng galit ang mga mata nito.
"Tama na ang kasinungalingan mo, Mariposa. Sana nagtago ka na lang habambuhay at hindi na nagpakita pa. Dahil ngayong gabi, ipapadama ko sa 'yo ang gabing hinding-hindi mo malilimutan!" Tumalikod ito at hinarap ang kasama.
Gusto kong lumabas. Gusto kong tumakbo at takasan ang mga lalaking ito pero nanaig sa akin ang kagustuhang makita ang kapatid ko.
"Sandali!" pigil ko. Mahigpit na nakakuyom ang kamao ko upang doon humugot ng lakas ng loob. Para akong tood na nanatili sa kinatatayuan ko. Nagsitigil ang mga kalalakihan na nais lumapit sa akin. "H-hindi ako si Mariposa. Maniwala kayo sa 'kin. N-narito ako para tanungin kung nasaan ang kapatid ko."
"Kapatid?!" Lumapit sa akin ang matabang lalaki at tinutukan muli ako ng baril. Nanindig ang balahibo ko sa takot at hindi ako makapagsalita. "Ilang beses mo na kaming niloko ng mga alibi mo, Mariposa. Sa tingin mo maniniwala pa kami sa 'yo!?" Idiniin nito ang pagkakatutok ng baril sa sentido ko.
Nakagat ko ang aking ibabang labi habang nag-iisip kung ano ang gagawin para paniwalaan ako ng lalaki. Ramdam ko ang malalim na galit nito para sa kakambal ko. Did my sister suffer a lot at their hands? What did she do para kamuhian ng ganito?
"Wala akong alam sa sinasabi mo. Hindi ako si Mariposa," tanggi ko ulit. Hindi ako nagpatinag sa matalim na tingin ng matabang lalaki.
Naghalakhakan ang ibang kalalakihang naroon, kahit ang nag-iisang babae na ngayon ay lumapit sa akin. Habang ang kalalakihan ay abala sa pag-inuman at sa barahang nakalatag sa mesa, ang babae ay kumuha ng putol na tubo sa isang tabi.
Nakasunod ang tingin ko sa bawat kilos niya hanggang sa huminto ito sa harapan ko.
"Kapatid naman ang drama mo ngayon, Mariposa? Pagkatapos mo kaming traidurin babalik ka na parang walang nangyari!?"
Hindi ako nakahuma nang walang ano-anong hinampas ng babae ang putol na tubo sa tagiliran ko. Napaigik ako at napaluhod sa sahig habang sapo-sapo ang nananakit na tagiliran. Nangilid ang luha ko na tiningala ang mga ito. I am really an idiot for coming here! Doc Rodriguez even left knowing the danger.
"Nagmamakaawa ako, hindi ako si Mariposa. Nagsasabi ako ng totoo. Gusto ko lang makita ang kapatid ko..." Tinangka kong tumayo pero inilagay ng babae ang paa sa balikat ko at inangat ang luhaan kong pisngi gamit ang tubo na hawak nito.
Ngumisi ito. "Heh! Ang mukhang ito ang ginamit mo sa panloloko sa amin. Nararapat lang na sirain 'to." Nilingon niya ang matabang lalaki. "Ano sa tingin mo, Boss?"
"Gawin mo kung ano ang gusto mo!" Tumalikod ang matabang lalaki, na siyang Boss pala ng mga ito, at hinayaan ang babae na humarap sa akin.
Nakagat ko ang labi ko at impit na napaiyak. I remembered Ciaran. Kung hindi sana ako nakipagmatigasan at sinunod ang bilin niya ay hindi ako hahantong sa ganito. Pero bakit niya ako iniwan?
BINABASA MO ANG
In Love With A Psycho (Wild Men Series #23)
General FictionA psycho killer who wanted nothing but to kill to satisfy his cravings. After a wild night ay nais muling makaniig ni Ciaran ang babaeng nakilala niya sa bar dahil sa galing nitong magpaligaya sa kanya at hinanap-hanap ng katawan niya ang init na du...