Ciaran Rodriguez
Bago sumikat ang araw ay nakarating na ako sa Tiaong Quezon, ang lugar na kinatitirikan ng hacienda ko. Walang tigil ang pagmamaneho ko mula Rizal upang mabilis kong marating ang aking destinasyon kaya nakadama ako nang labis na pagod. Natutulog pa rin si Mariposa dahil tinurukan ko siya kanina ng sedatives, na nakatambak sa aking kotse, nang ipasok ko siya. Siguradong mamaya pa ang gising niya. Ito ay upang hindi siya maghestirikal habang nasa biyahe at iwas aksidente na rin.
Naghihintay sa amin si Desmond sa harap ng mansion na agad akong sinalubong nang huminto ang kotseng minamaneho ko.
"Kumusta ang biyahe, iho?" salubong na tanong ni Desmond nang makababa ako ng driver's seat matapos niya akong pagbuksan ng pinto. Magaling na itong managalog na ikinatuwa ko dahil hirap na hirap ito noong nagsisimula pa lang kami sa Pilipinas.
Tumikwas ang sulok ng aking labi saka siya niyakap nang mahigpit. Matagal na rin simula nang magkita kami dahil sa pagiging abala ko sa Foedus. Tanging sa cellphone lang kami nag-uusap. "Ayos lang po at hindi ma-traffic. Did you prepare what I needed?" excited na tanong ko nang bumitaw sa pagkakayakap.
"Yes. All ready. Hai davvero bisogno di farlo?"
Nawala ang ngisi ko at tinalikuran si Desmond upang iwasan ang tanong niya saka binuksan ang pinto ng backseat. Nakahilata pa rin si Mariposa at wala pa ring malay. Malalim ang paghinga nito tanda na hindi pa ito magigising anumang sandali.
"I will go straight to the forest. Nasaan ang mga sandata?" tanong ko habang karga-karga si Mariposa na parang isang sako ng bigas.
"Second barn. Naroon lahat ng kakailanganin na sinabi mo sa tawag." Sumunod sa akin si Desmond nang mag-umpisa akong maglakad. Simple lang itong manamit dahil ayaw konnaman siyang pagsuutin ng uniporme. Pamilya na ang turing ko sa kanya, hindi lang basta katiwala. Tulad ko, wala rin itong ibang pamilya kaya itinuring niya akong parang kanyang anak.
"Hindi mo na kailangang sumunod. Kaya ko na 'to. Go back to the mansion and sleep." I continued walking towards the dense forest at the back of my mansion while still lifting Mariposa on my shoulder.
Malawak ang lupain na nasasakop ng aking hacienda. Ipinamana ito sa akin ng aking yumaong ina, ayon sa aking demonyong tiyuhin. Nagpapasalamat na lang ako at walang interes dito ang gagong iyon at hindi ko na kailangang makipagkompitensiya para makuha ang pagmamay-ari sa hacienda. Nag-iisang anak lang kasi ang aking ina na nagmula sa mayayamang angkan dito sa Tiaong, Quezon.
Samantalang ang aking tiyuhin na nagpalaki sa akin ay nag-iisa ring kapatid ng aking ama ngunit dahil hindi ito nag-asawa ay tanging ako ang natitirang tagapagmana ng kanilang mga ari-arian.
Nasa kabilang parte ang farm kung saan naroroon ang mga kabayo at ibang hayop na siyang pinamumunuan ni Desmond kasama ang ibang trabahante sa hacienda. Ngunit dahil kakailanganin ko ang hunting ground ngayon ay pinauwi sila ni Desmond sa kani-kanilang lugar kanina upang hindi mapahamak sakaling madawit sa gagawin ko.
"What triggered your sickness, Ciaran? Siya ba?" Naglakad si Desmond sa harapan ko dahilan upang huminto ako sa paglalakad na ikinasingkit ng mata ko. Hindi ko siya maintindihan. Ano ang ginagawa niya at bakit ngayon pa niya ako pinipigilan?
"Siya ba ang dahilan, iho?" segunda pa niya at itinuro si Mariposa.
"Desmond, stop! Sinabi ko na sa 'yo na bumalik ka na sa mansion. Huwag mo akong pigilan at baka madamay ka sa gagawin ko!" Pagkasabi nu'n ay tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paglalakad sa masukal na kagubatan.
The hunting ground was set up a few years ago so it was equipped with CCTV all around. Lights were everywhere, so it always felt like daytime. At dahil nga naabisuhan ko na kanina pa si Desmond, he had already prepared the entire place. All I need to do is play.
BINABASA MO ANG
In Love With A Psycho (Wild Men Series #23)
General FictionA psycho killer who wanted nothing but to kill to satisfy his cravings. After a wild night ay nais muling makaniig ni Ciaran ang babaeng nakilala niya sa bar dahil sa galing nitong magpaligaya sa kanya at hinanap-hanap ng katawan niya ang init na du...