CHAPTER 2: HIS BAD SIDE

15 4 3
                                    

Two weeks had passed and Xyrus came back to his old self again. Flirting with the beautiful girls and sometimes when he's bored, maghahanap siya ng pwedeng paglaruan like bullying someone.

Right now, they're on their way to the school canteen with his friends Caleb and Reevo, then he bumped into someone, it's a nerd guy wearing big eyeglasses at natapon sakanya ang dala dala nitong coke at spaghetti na nasa tray.

Nabigla naman ang ibang mga estudyante sa kanilang nasaksihan.

"Fuck! Ba't di ka tumitingin sa dinadaanan mo! Look what you did to my uniform, you ruined it?!" Bulyaw bigla ni Xyrus sa nerd guy.

Di naman makasagot itong si nerd guy dahil sa takot kaya naman ang ginawa nito ay pinunasan ang kanyang uniform gamit ang panyo nito ngunit lalo lamang kumalat ang sauce ng spaghetti sa suot niya.

"Just what the fuck did you do, you disgusting piece of shit?!" Galit na sigaw niya dito tsaka kinuwelyuhan ito.

"I...I s-so-sorry K-king." Pautal utal nitong sagot sakanya.

"Anong magagawa ng sorry mo?! Nasira na yung damit ko, you dimwit!" Malakas niyang sigaw at tsaka sinuntok ito sa mukha.

Akala niya'y tatayo muli ito ngunit bigla itong lumuhod sa harapan niya tsaka muling nagsalita.

"G-gagawin k-ko l-la-lahat, pa-pat-ta-tawarin mo l-lang ako." Nauutal parin nitong saad.

Nagsisimula na siyang mairita sa pautal utal nitong sagot ngunit mas pinagtuunan nalang niya ng pansin ang sinabi nito at nag isip ng pwedeng ipagawa dito. He smirked on his plan.

"Gagawin mo lahat? Lahat lahat?" He said in a calm voice.

Bago pa makasagot si nerd guy ay bigla namang sumabat sa usapan nila si Caleb.

"Bro, mukhang may naisip ka ng magandang parusa. Knowing you Xy." Sabay tawa pa nito ng mahina.

"Mukhang nakakaenjoy yan bro." Segunda pa ni Reevo.

Xyrus grin wickedly at what he heard from his friends. Yes, they already know him. He's a troublemaker and a very manipulative king in LCU. That's why no one dares to become his enemy.

Ang mga estudyante naman ay tahimik lang na kumakain doon at nanonood lang dahil ayaw nilang madamay sa gulo. Ang ibang mga guro naman ay takot din sakanya dahil baka mapalayas sila sa eskwelahan.

"Hoy pangit na nerd, gagawin mo ba lahat lahat?" Ulit niya sa tanong kanina.

"O-opo." At tumango tango pa ito.

"Find the mannequin wearing sundress." He seriously said to the nerd guy.

Mukhang nabigla ang iba pang estudyante na naroon dahil sakanyang tinuran.

"Hey bro, hanggang ngayon ba naman di ka parin nakakamove on sa mannequin na yan. You're getting weirder Xy." Si Caleb na nagtataka na sa inaasal ng kaibigan.

"Bro pacheck up ka na kaya? Parang may sayad ka na sa utak eh." Si Reevo sabay tawa ng mahina.

"Gago!", at binatukan niya si Reevo. "Pinagsasabi mong may sayad, baka gusto mo ng sapak?" Inis niyang saad.

Akmang sasapakin na niya si Reevo ng biglang magsalita si nerd kaya napabaling ang kanyang atensyon dito. Nakaluhod parin ito hanggang ngayon.

"K-king a-ano po bang i-itsura nong ma-mannequin?" Utal na tanong ni nerd guy.

"Don't ask. Just fucking find it or else ipapatanggal kita sa eskwelahan na 'to." Inis niyang saad tsaka pinantayan ang pwesto nito. "Got it?" Xyrus whispered to the nerd guy.

Project: The Programmed MannequinWhere stories live. Discover now