CHAPTER 8: SANCTUARY

7 2 0
                                    

Nang makauwi si Xyrus ay agad niyang hinubad ang suot na uniform at nagpalit ng puting t-shirt, di na niya pinalitan ang pang ibabang suot na jeans saka dere deretsong nagtungo sa basement ng kanilang bahay. Ang tinatawag niyang "Sanctuary". Sa loob nito ay isang high end bar na lagi niyang pinupuntahan kapag may iniisip siya. May iba't ibang klase ng alak ang nasa loob, mga mamahaling sofa at isang malaking flat screen TV. Habang hinihintay ang dalawang kaibigan ay kumuha siya ng isang bacardi at isinalin ito sa baso. Nagrereplay parin sa utak niya ang nasaksihan kanina kaya naman naubos niya ang laman ng baso at muli itong sinalinan. Naabutan naman siya ng dalawang kaibigan na umiinom na sa pangalawang bote ng bacardi.

"Xy, ano bang nangyayare sayo?" Bungad na saad ni Caleb sakanya saka ito niyugyog.

"Cai, bro halika ubusin natin lahat ng alak dito." Tumatawang sagot ni Xyrus at inabot sakanya ang bote ng iniinom nito.

"Tinamaan ka na ba ni kupido bro kaya ka nagkakaganyan?" Sabat ni Reevo.

Tumawa naman si Xyrus sakanyang narinig sa kaibigan.

"Ako tatamaan ni kupido? Nagpapatawa ka ba? I can bed any woman I want Ree." Magaspang na saad ni Xyrus dito.

"Wag kami lokohin mo Xy. Style mo bulok na, alam ko na yan. Kung gusto mong magpakasasa sa babae edi sana di kami yung pinapunta mo dito." Si Reevo saka kumuha ng dalawang baso at nagsalin ng alak. "Oh bro." Alok niya kay Caleb.

Kinuha naman ni Caleb ang baso saka inisang lagok ito. Nag aalala siya para sa kaibigan dahil kilalang kilala na niya ito. Hinihintay lang niyang magsabi si Xyrus sakanila ng problema nito. Pero sa ikinikilos nito ngayon ay alam na niyang ang kaklase nilang si Seira ang nasa isip nito. Di naman kasi ito biglang mag aaya sa Sanctuary kung hindi malalim ang problema nito.

"Ngayon ko lang naramdaman ang pagkatalo." Biglang saad ni Xyrus.

"Ganon nalang yon bro? Sumusuko ka na agad? Ako nga sinampal na at di nagwapuhan sakin si Maria pero di dahilan yon para sukuan ko siya." Seryosong saad ni Reevo.

"You like that tahong girl bro?" Pang aasar ni Caleb sakanya.

"Who wouldn't? Gusto ko nga yon eh, palaban saka sexy." Si Reevo.

"Gago! Kung katawan lang habol mo don, wag mo ng ligawan." At binatukan siya ni Xyrus.

Nagkamot naman ng batok si Reevo bago sumagot. "I'm serious about her bro. Yes, she has the perfect curves but I really like her." At muli itong nagsalin ng alak at ininom ito.

"Ree, sinasabi ko na sayo mahihirapan ka sakanya at saka may crush yon sakin." Pang asar ni Xyrus sakanya.

"Crush lang yon. Sakin parin ang bagsak niya sa huli Xy." Mayabang na sagot ni Reevo.

"Bro naramdaman mo ba ang lakas ng hangin? Mukhang magkakaron ng malakas na bagyo." Sabat ni Caleb at ng makuha ito ni Xyrus ay sabay silang humalakhak.

"Sige lang, tawanan niyo lang ako. Isusumpa kong di magiging kayo ni Seira pag di kami nagkatuluyan ni sweet." Si Reevo.

"Ang baduy naman ng tawag mo sakanya bro. Ano yan asukal?" Patuloy na asar sakanya ni Xyrus.

"Walang basagan ng trip. Ikaw nga, may kitty kapang nalalaman eh di naman siya pusa." Padaskol na sagot ni Reevo sakanya.

Tumawa naman si Caleb sa narinig na sagot ni Reevo. Natigil lang ang tawa niya ng tignan siya ng matalim ni Xyrus.

"Xy, bakit nga ba kitty ang tawag mo kay Seira?" Tanong ni Caleb sakanya.

"What's wrong with kitty?" Kunot noong saad ni Xyrus.

Project: The Programmed MannequinWhere stories live. Discover now