CHAPTER 5.2: PUNISHMENT + JEALOUSY

7 3 1
                                    

That scene seemed like it happened before. Di niya lang maalala kung saan pero parang familiar ito sakanya. Pagkatapos niyang matulungan ang babae kanina ay agad itong tumakbo at di man lang nagpasalamat sakanya ngunit isinawalang bahala nalang niya yon.

"At dumating narin ang pabida ng taon." Bungad sakanya ni Wayne ng makarating siya ng gym.

Agad namang uminit ang kanyang ulo sa narinig kaya nasuntok niya ito. Pumutok agad ang labi nito pero nagawa parin nitong ngumisi sakanya.

"Tama na yan Xy." Pag awat ni Caleb sa kaibigan ng akmang susuntukin niya ulit si Wayne.

"Hayaan mo na yan bro. Ang mabuti pa, maglinis na tayo ng makaalis na agad tayo dito." Mahabang litanya ni Reevo sakanila.

"Alam mo, ikaw nalang ang maglilinis ngayon dahil ikaw rin naman ang may kasalanan kung bakit nandito tayo ngayon." Saad ni Gray at inismiran si Reevo.

“ Aba’t kumag ka, tol? Pinagsasabi mong ako ang may kasalanan? Edi sana ako lang na bigyan ng ganitong gawain at di ka damay diba? Mangpupunyeta ka nalang nga binobohan mo pa.” Mahabang litanya ni Reevo kay Gray.

"Dami mong putak para kang inahing manok na di nangingitlog." Ganting saad sakanya ni Gray habang nakapaskil parin ang ngisi sa labi nito.

“ Kung ako inahing manok anong tawag mo sa sarili mo pag lumupasay ka sa sahig ngayon? Biyak na itlog?” Matapang na saad nito kay Gray at ginantihan din ang pagngisi nito.

Humagalpak naman sa tawa ang dalawang kaibigan niya pati si Wayne ay nakitawa narin.

"Ba't nakikisali karin sa tawanan nila Wayne? Nauulol ka narin katulad nila?" Medyo inis na saad ni Gray kay Wayne.

"Loko, mas ulol kapa sakin. Di ka nga manalo nalo dyan sa bangayan niyo ni Reevo, gago." Saad naman ni Wayne sakanya.

"Kawawa ka naman Abo pati kaibigan mo tinatawanan narin katangahan mo." Sabat ni Reevo sakanilang usapan. "Galing galingan mo naman kasi sa pagsagot. Yung pang Miss U na sagutan ba." Dagdag pa nito.

“ I’m not in any pageant to answer your fucking stupid question.” Ganting saad nito kay Reevo.

"Di naman kita tinatanong ahh. Labo mo, patingin ka na sa EO." Patawa tawang saad ni Reevo kay Gray.

"Tangina Ree, okay na sana eh hinaluan mo pa ng kabaliwan mo." Sabat ni Xyrus at sinabayan naman sa pagtawa si Reevo. "Tsaka ba't napunta sa EO? Di naman malabo mata niya, gago." Dagdag pang saad nito.

"Ayy bobo." Bulong ni Gray na dinig naman nilang lahat.

"Ka." pagtutuloy ni Reevo.

"Rin." Ganting saad ni Gray.

“ Bat di nalang kayong dalawa? Mag isip bata. Sunod niyan nyenye na tapos ano ano. Tas pag hindi natuloy ang sasabihin ‘abangan kita sa gate’... tangina OG niyo mga tol!” singit ni Caleb bago kumuha ng walis at dustpan. Binigay nito ang walis kay Reevo at ang dustpan kay Gray.

“ Oh ayan, magpatayan na kayo.” Inis nitong saad sa dalawa.

Tumahimik naman ang dalawa at masamang nagkatitigan bago sabay pang tumalikod sa isa’t isa.

Napailing nalang ang tatlo sa inasta ng mga kaibigan nila at nagkatinginan muna bago kumuha ng sari sariling walis at dustpan.

"Hoy, ikaw." Saad ni Xyrus upang makuhaang atensyon ni Wayne.

"Oh, problema mo?" Mayabang na sagot nito sakanya.

"Yung trashcan nalang ang dalhin mo tutal mukha karing basurero." Walang prenong saad ni Xyrus na sinabayan pa ng pagtawa niya.

"Ba't di ikaw? Ikaw rin naman ang nakaisip." He said while wearing his infamous smirk. "Ciao, bug." At tinalikuran na siya nito.

Akmang susuntukin ni Xyrus si Wayne ng pinigilan siya ni Caleb. Pagtingin ni Xyrus sa kaibigan ay umiiling ito, isang senyas na huwag na niyang patulan si Wayne. Binaba naman niya kaagad ang kamay at nagsimula ng maglinis ng gym. Ganon din ang ginawa ni Caleb.

Nang nasa kalagitnaan na sila ng paglilinis ay saka palang dumating si Ms. Saturnade na kanilang teacher. Sumaglit lamang ito dahil may emergency meeting pa sila. Binilin lamang nito na ibalik sa stock room ang mga ginamit nilang panlinis at umalis na ito.

Tinuloy lang nila ang paglilinis ng gym hanggang sa matapos sila.

"Hayy, kapagod." Basag sa katahimikan ni Reevo. "Pahinga muna tayo, bro."

"Langya, wala bang mineral water dito?!" Singhal ni Xyrus at umupo ito sa bench.

"Ako nalang bibili, Xy." Prisinta ni Caleb at lumakad na ito paalis.

Nang makabalik si Caleb ay di na maipinta ang mukha ni Xyrus. Nahagilap niya kasi ang isang babae na kausap ni Wayne. Nakilala niya agad ang babaeng si Seira.

"Sorry Axyl, ngayon lang ako. May pinasuyo kasi sa office eh." Saad ng babae kay Wayne at inabot ang face towel at bote ng mineral water. Ganon din ang ginawa niya kay Gray.

Halos magkatabi lang ang pwesto nila kay Xyrus kaya naman dinig na dinig niya ang sinabi ng babae.

"Sei, it's okay. I'm tired. I'll rest for awhile." Sagot naman ni Wayne sa babae.

"Okay. Just rest then." Simpleng saad ng babae at nagsimulang punasan ang noo ni Wayne.

Nakatayong sigaw naman bigla ni Xyrus. Nanlilisik ang mga mata nito.

Nabigla naman ang dalawa sa inasta ni Xyrus lalo na si Seira. Di agad nakapagsalita ang babae dahil sa gulat. Si Caleb naman ay inabot agad ang mineral water kay Xyrus, ganon din kay Reevo.

"Inom ka muna Xy, ikalma mo yang ulo mo." Saad ni Caleb kay Xyrus.

"Saang ulo? Taas o baba bro?" Sabat naman ni Reevo.

“ Tangina niyong dalawa.” sabi niya bago padabog nanaupo sa sahig,”Bro, bilhan mo ako ng tubig yung malamig.” utos ni Xy kay Caleb.

“Kala ko ba—“

“Pakidalhan mo na din daw siya ng ice. Maraming malamig na ice kasing lamig ng convo niyo.” singit ni Reevo.

“Ga—“

“TANGINA ANO? ANO? ANO?” bulyaw ni Xy.

Ngumiwi nalamang si Caleb sa kaibigan at napabuntong hininga.

“Tangina nating lahat.” Pagod na saad ni Caleb saka lumakad palabas ng gym.

Paglabas ni Caleb ay natahimik sila. Binasag naman ni Xyrus ang katahimikan.

"Sumama ka sakin." Si Xyrus saka hinablot si Seira palayo kay Wayne.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Saad ng babae sakanya.

"Sei, let's go home." Sabad naman ni Wayne.

"Tangina! Ano sakanya ka nanaman sasama?!" Galit na saad ni Xyrus.

"Don't act like a jealous boyfriend dahil wala namang tayo." Inis na saad ng dalaga kay Xyrus.

"Burned." Sabat naman ni Gray.

Tinignan naman siya ng masama ni Xyrus at siya'y napangiti nalang ng hilaw. Binalik niya naman agad ang tingin kay Seira at di parin nagbabago ang malamig na tingin nito sakanya. Ngunit sa kabila nito ay nanaig parin ang katigasan ng ulo ni Xyrus kaya naman binuhat niya na parang sako ang dalaga at kahit nagpoprotesta ito ay di parin nagpaawat si Xyrus.

A/N: How's this chapter so far?

Project: The Programmed MannequinWhere stories live. Discover now