CHAPTER 5.1: CALEB'S MYSTERY GIRL

9 1 0
                                    

Saturday came and Xyrus already planned what he wants for today. Not until his friends pop out of nowhere asking for his presence. Annoyed due to lack of sleep, he groggily stood up from his bed and smacked the heads of his friends.

"What a good way of greeting us, Xy. Ganyan ka ba kasadista bro?" Natatawang saad ni Caleb sakanya.

Xyrus ignored Caleb rants about him.

"Langya naman bro, ang sakit non ahh." Segunda ni Reevo.

"Nagrereklamo kayong masakit yung ginawa kong pambabatok pero yung ginawa niyong pambubulabog sakin, hindi. Tss!" Inis na saad ni Xyrus sa dalawa.

"Aga aga bro, ang init ng ulo mo." Si Reevo habang nagkakamot ng ulo.

"Panong di iinit eh kasalanan mo 'to kung bakit tayo papasok ngayon." Singhal ni Xyrus dito.

"Langya, sorry na bro. Pahiga muna ahh, napagod ako sa babaeng yon eh." Saad nito at nahiga sakanyang kama.

Napailing nalang siya sa kaibigan. "Gago ang bastos ng bibig mo." Saad niya dito. 

"Hays. Bro, di naman kasi katulad ng nasa isip mo kaya ako napagod. Muntik ko na kasing mabangga kanina yung babaeng tahong na yon." Pag eexplain nito sakanya.

"Ayusin mo kasi. Batukan kita ulit eh." Si Xyrus.

"Ang mabuti pa, maligo ka na. Dito munako." Bored na saad ni Reevo.

Di na niya ito pinansin at binaling ang atensyon kay Caleb.

"Ikaw Cai baka gusto mo ring matulog?" Tanong niya kay Caleb.

"Ha? Ano yun Xy?" Tanong nito pabalik dahil busy ito sakanyang cellphone.

"Kelan ka pa naging bingi bro? At sino ba yang tinitignan mo sa cellphone mo?" Tanong nito at lumapit kay Caleb ngunit agad nitong binulsa ang kanyang cellphone.

"Wa-wala bro. Sige na, maligo ka na don para makapunta na tayo sa school." Utal na saad nito at di makatingin ng deretso sakanya.

Nagdududa parin si Xyrus ngunit hinayaan niya nalang muna si Caleb. Magsasabi naman ito kung may problema man ito.

"Ge, ligo nako." Saad niya sa kaibigan at tango lang ang isinagot nito sakanya at dumiretso na siya sa cr.

Nang makapasok ay hinayaan niya muna na nakabukas ang shower at doon siya'y pumirmi. Hinayaan niya ang bawat agos ng tubig sakanyang katawan at biglang pumasok sakanyang isipan ang imahen ni Seira na kamukhang kamukha ng mannequin na nakita niya sa mall. Ngunit ang pinagtataka niya ay ang sinabi ng mayabang na si Wayne sakanya tungkol kay Seira.

Ano bang katotohanan ang dapat kong malaman?, bulong niya sakanyang isipan. Tila napakamisteryoso sakanya ang mga binanggit ni Wayne.

"Kahit ano pang katotohanan yan, di niya ko mapipigilan sa pag angkin ko sa babaeng yon. She has to be mine. Not with that assh*le." He's breathing harshly while whispering these words to himself.

"Bro, di ka pa ba tapos dyan?" Pagkatok bigla ni Reevo sa cr.

Di naman siya sumagot at hinayaan lang ang kaibigan.

"Bro! Ano ba?! Patay ka na ba? Bro! Bro!" Paghihysterical nito bigla at kinatok ng kinatok ang pintuan.

"Tangina naman Ree ba't ka ba katok ng katok? Natatae ka ba?" Si Xyrus na hindi maipinta ang mukha pagkabukas niya ng pinto.

Nakatapis lang ito ng tuwalya sa baywang habang tumutulo parin ang tubig sakanyang buhok.

"Pasensya na bro. Akala ko patay ka na eh, di ka kasi sumasagot." Si Reevo habang nagkakamot sakanyang ulo.

"Gago!" Si Xyrus at binatukan si Reevo. "Di lang ako sumagot, patay na agad?!" Pagpapatuloy pa nito.

"Sorry na agad." Si Reevo at umalis na sa harapan niya. "Nabatukan pako." Bulong pa nito na dinig niya naman.

"Magbihis ka na Xy. Sa labas ka na namin hihintayin." Si Caleb na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa cellphone nito habang naglalakad palabas ng kwarto niya. Mabuti nalang at di ito nabangga.

"Bro bilisan mo nalang, wag ka ng magpapogi malelate na tayo. Magalit pa yon si Miss tanda." Saad muli ni Reevo at dali daming lumabas ng kanyang kwarto.

"GAGO!" Pahabol na sigaw ni Xyrus kay Reevo. "Makapagbihis na nga."

Nang makapagbihis na siya ay tinignan niya muna ang sarili sa salamin at ng makita niyang okay na ang lahat ay lumabas na siya ng kanyang kwarto.

"Tara na Xy." Si Reevo at inakbayan si Xyrus.

Si Caleb naman ay busy parin sa pagtingin sakanyang cellphone.

"Cai." Pagtawag sa atensyon ni Xy kay Caleb.

"Ano yon bro?" Si Caleb.

"Kanina pa kita napapansin na nakatingin ka lang dyan sa cellphone mo, di ba Ree?" Tugon ni Xyrus.

"Oo nga bro. Sino ba yang tinitignan mo dyan?" Saad ni Reevo at agad na hinablot ang cellphone ni Caleb.

"Tangina Ree, ibalik mo ang cellphone ko!" Si Caleb habang hinahabol si Reevo.

Tinignan naman agad ni Reevo ang picture na nakapaskil sa cellphone ni Caleb at isa itong babae na hanggang balikat ang buhok. Ang babae ay nakaupo sa bandang gilid kaya kalahati lang ang makikita sa mukha nito. Ang litrato ay kuha sa isang fastfood chain na kinakainan nila tuwing nagigipit sila. Iniscroll pa ni Reevo ang iba pang pictures at iisang babae lang ang nakasave. Nang makalapit si Caleb sakanya ay agad nitong kinuha ang cellphone niya atsaka binulsa ito.

Si Reevo naman ay pangisi ngisi habang tinitignan si Caleb.

"Bro Xy, si Caleb binata na!" Sigaw ni Reevo.

"Oh, ano bang nakita mo sa cellphone niya? Porn?" Si Xyrus na medyo natatawa.

"Tsk! Tara na. Malelate na tayo!" Si Caleb na di na maipinta ang mukha at lumakad na palabas.

"Bro, pakilala mo naman kami sa chickababes mo. Ang ganda niya ahh." Si Reevo at sinabayan si Caleb palabas.

Sumunod na lamang si Xyrus sa dalawang kaibigan habang si Reevo ay kinukulit parin si Caleb tungkol don sa babae.

Napagpasyahan nalang niya na kotse na niya ang gagamitin dahil nakasakay na ang dalawa. Nalaman niyang naubusan ng gas ang sasakyan ni Reevo at si Caleb naman ay di parin umiimik. Habang binabaybay nila ang daan papuntang eskwelahan ay di parin natinag sa pangungulit niya si Reevo. Napapailing nalang siya dahil di sinasagot ni Caleb si Reevo. Pag ganitong tahimik si Caleb ay alam na niya na ayaw siyang kinukulit ng mga tanong kaya naman sinabihan na niya si Reevo na manahimik na at tango lamang ang isinagot nito.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarating din sila ng eskwelahan. Pagkababa nila ay medyo tahimik dahil nga iilan lamang ang may Saturday classes sa kanilang campus. Habang naglalakad sila papunta ng gym ay nahagip ng kanyang mga mata si Seira. Ngunit wala naman silang pasok kaya panong nandito ito? Baka namamalikmata lang siya dahil kulang siya sa tulog. Isinawalang bahala nalang niya ang nakita at nagpatuloy sa paglalakad, naiwan na pala siya ng dalawa ng di niya namamalayan. Nang papalapit na siya sa gym ay may nakabungguan siya. Isang babae. Nahulog ang dala dala nitong mga papel at libro kaya naman tinulungan na niya itong magpulot.


A/N: Sorry for the late updates. I'm super busy kasi. Heto muna ang sabaw kong update. May part 2 pa. Abangan.

Project: The Programmed MannequinWhere stories live. Discover now