Pagkagising ni Xyrus ay nasa kwarto na siya. Siguro'y dinala siya dito ni Caleb. Tinignan niya kung nandito pa si Caleb at Reevo ngunit di niya maigalaw ang katawan dahil sa sobrang sakit ng kanyang ulo. Ang naalala niya kagabe ay inaya niya ang dalawang kaibigan na mag inuman dahil sa sama ng loob. Ang ending naman ay nakatulugan na niya ang dalawang kaibigan kaya naman napagpasyahan niyang tawagan si Caleb. Kinapa niya sa bedside table ang kanyang cellphone at saka tinawagan ang kaibigan. Ring lang ito ng ring kaya naman sinubukan niyang tawagan si Reevo. Tatlong ring lang ay sinagot na nito ang tawag.
"Yo bro. Salamat nga pala sa pulutan, nag enjoy ako." Bungad ni Reevo sakanya.
"Kasama mo ba si Caleb?" Bored na sagot ni Xyrus sa kabilang linya.
"Hindi siya pumasok bro. Papasok ka pa ba?" Tanong ni Reevo.
"Hindi na. Bye Ree."
"Teka, sanda-" Pahabol pang saad ni Reevo ngunit pinatay na ni Xyrus ang tawag.
Napagpasyahan niya nalang na magpahinga dahil di rin naman niya maigalaw ang katawan niya ngayon at makalipas lang ang ilang minuto ay ginupo na siya ng kadiliman.
Sa kabilang banda naman, ay nasa eskwelahan parin si Reevo. Hinahanap ng kanyang mga mata si Seira ngunit wala parin ito sa loob ng room kaya naman napagpasyahan niyang pumunta ng cafeteria at doon nakita ang dalaga na masayang nakikipagkwentuhan sa iba nilang kaklase.
"Mabuti nalang, wala yung asungot na Gray na yon." Bulong ni Reevo sa sarili habang palapit sa pwesto nila Seira.
Natahimik naman bigla ang mga kaklase nila pagkadating niya sa pwesto ng dalaga.
"Hi Sei. Can I talk to you in private?" Reevo said directly.
"Close kayo? Ba't may private ka pang nalalaman?" Sabat ng isa nilang kaklase.
"Di ikaw yung kausap ko kaya manahimik ka." Ganting saad ng binata dito.
"What do you need with me?" Tanong ng dalagang si Seira.
"Just go with me, let's go." At hinawakan ni Reevo sa kamay si Seira.
"Sandali, saan ba tayo pupunta?" Tanong muli ng dalaga kay Reevo habang akay akay ito.
"You'll see." Tipid namang sagot ng binata.
Wala ng nagawa si Seira kundi ang magpatianod kay Reevo. Somehow, she felt that Reevo can be trusted too. Magkapareho lang sila ng ugali ni Gray.
"Get in." Saad ni Reevo ng makarating sila ng kanyang sasakyan at pinagbuksan ito ng pintuan.
"Paano ang klase?"
"Don't mind it, nag excuse nako kanina bago kita pinuntahan." Nahihiyang saad ng binata sakanya habang nagkakamot ito sa ulo.
"Okay." At sumakay na siya sa passenger seat ng sasakyan.
"Yes! Di naman pala siya mahirap kausap eh." Bulong ni Reevo at nagtungo na sa driver's seat.
Pinasibad agad ni Reevo ang sasakyan at nagtatanong parin ang dalaga kung saan niya ito dadalhin ngunit ngiti lamang ang isinagot niya dito kaya nagsawa rin ito sa katatanong. Pero bago ang kanyang plano ay dumaan muna sila sa isang fastfood chain. Nagdrive thru nalang sila.
"Good afternoon ma'am/sir, what's your order?" Saad ng isang crew gamit ang intercom.
Napaigtad naman si Seira sa crew na biglang nagsalita. Napansin naman ni Reevo ang reaksyon ng babae kaya medyo napapatawa siya dito.
"Ma'am/Sir? May I take your order?"
"2 boxes of pizza, 3 lasagna supreme, 3 double cheeseburger, 3 large fries and 3 large coke." Magiliw na saad ni Reevo sa intercom at tinignan si Seira.
"What are you staring at?"
YOU ARE READING
Project: The Programmed Mannequin
Teen Fiction"Why him? Why not me? Why is that you can easily choose him over me? I can even accept the whole you. I can be anything you want. Just please, be with me kitty." -Xyrus Yuan Lee Corpuz Meet Xyrus Yuan Lee Corpuz. He's a certified panty dropper casan...