CHAPTER 3.1: HIS DREAM

19 5 6
                                    

It was Saturday morning. Inaayos na ni Xyrus ang kanyang gamit dahil tumawag kagabi si Caleb para ipaalam sakanila na pupunta sila sa resort nila. Treat niya daw sakanya para mawala na yung kaweirduhan niya. Nababakla na yata ang kaibigan niya sakanya. But knowing Caleb, he's just concern of his welfare.

Ang Ricaforte's Haven ay isang Hotel and Resorts na pagmamay ari ng parents ni Caleb. One of the famous hotel and resorts around Asia and Europe. Ang sabi ni Caleb ay dalawang araw daw silang mananatili doon.

Nang makatapos sa paghahanda ay muli niyang tinawagan ang kaibigan.

"Cai tara na. Gusto ko ng maghanap ng magagandang dilag sa resort niyo." Bungad na untag ni Xyrus sa kaibigan.

"Akala ko kaweirdohan lang ang tumutubo sayo Xy, hindi ako naabisohan na pati pagkamakata sumapi na din sayo. Anong sunod niyan ha?" Ngiwi ni Cai sabay tawa ng malakas.

"Gago, pumunta ka na dito at ng masapak kita!" Inis na sagot ni Xyrus kay Caleb.

"Teka lang bro," at muli itong tumawa. "Chill."

"Anong chill? Padugoin ko kaya yang ilong mo?" Si Xyrus na kulang nalang di umusok ang ilong sa inis sa kaibigan.

"Kung di lang talaga kita matagal na kilala Xy, iisipin kong kelangan mo ng magpacheck sa psychiatrist bro. Paiba iba ka ng mood eh, daig mo pa may PMS." At humagalpak na ng tawa itong si Caleb.

"Dami mong daldal. Putak ka ng putak. Pupunta ka ba dito o plano mo maging babae?" Naiiritang tugon ni Xyrus kay Caleb.

"Tangina Xy, gawin mo pakong bading sa gwapo kong 'to?" Sagot ni Caleb sa kabilang linya.

Akala ni Caleb ay wala na siyang kausap kaya tinignan niya kung nasa linya pa si Xyrus at nakumpirma niyang andon parin ito kaya naman sumagot muli siya.

"Oo na, pupunta nako dyan Xy. Andyan na ba si Reevo?" Tanong ni Caleb kay Xyrus.

"Wala pa. Isa pa 'yon." Inis na tugon niya dito.

"Hah! Baka nagliliwaliw din yun sa isang magandang dilag tulad ng gusto -". At di na nito natapos ang sasabihin ng biglang magsalita si Xyrus.

"Fuck you Cai! Kanina pako naghihintay dito. Tangina! May balak ka pa bang umalis dyan?!" Galit na bulyaw ni Xyrus sa kaibigan tsaka ito binabaan ng tawag.

Makalipas ang ilang minuto ay muling tumawag si Caleb sakanya ngunit hindi na niya ito sinagot.

Masasapak niya talaga ito pagdating niya.

Nang mag ring muli ang kanyang Cellphone ay inakala ni Xy na si Caleb ang caller kaya hinayaan niya nalang ito. Subalit, hindi ito tumigil. His phone kept ring and it's irritating the hell out of him. So, without looking at caller id, he accepted the call.

"Fuck Caleb! Pumunta ka nalang dito!" Sigaw ni Xyrus sa kabilang linya.

Pagkalipas ng ilang sandali ay sumagot narin ang nasa kabilang linya.

"Bro, bro chill ka lang. Para ka namang mangangain ng tao niyan eh. Si Reevo ako." Mahinahong sagot ni Reevo kay Xyrus.

"Isa ka pang gago ka! Nasaan ka na ba ha?" Iritableng sagot ni Xyrus.

"Papunta nako dyan Xy. Relax ka lang. Mamaya sa resort hahanapan kita ng pinakasexy-ng babae para mawala na yang beast mode mo." Patawa tawang sagot ni Reevo sa kaibigan.

"Pumunta ka nalang dito, pag uumpugin ko kayo ni Caleb. Binabadtrip niyo kong dalawa." Inis paring tugon ni Xyrus kay Reevo at saka pinatayan ito ng tawag.

Dahil sa inis ay napagpasyahan niya nalang munang humiga. Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog si Xyrus.

"Master..."

I try to move my head as I search to where the voice came from. My vision was blurry and I can't move my body.

Am I dreaming? I don't fucking know.

"Master..." It came from the same voice. More clearer than earlier. Naaninag ko ang mukha ng isang dalagang nakaduwang sa akin. Her features are familiar but I can't decipher who she is because of my poor vision.

My heart raced a bit by just hearing the voice of this woman. It's weird.

"Who are you? Your voice sounds familiar." I asked the woman who called me 'master'.

"We'll gonna meet soon." The woman sweetly answered back.

" Xy.."

Halos mag tayuan ang buhok niya sa buong katawan. He want to speak, to move, to see who she is clearly when he felt something... wet?

"XY!"

Napabalikwas siya ng bangon nang tumama sakanya ang malamig na tubig at tuluyan ng nagising.

"What the fuck?! Ano bang problema niyo?!" Inis na saad ni Xyrus pagkakita sa dalawa niyang kaibigan.

Nasa kwarto niya sina Caleb at Reevo at kanina pa siya ginigising ng dalawa.

"Oh ang aga aga highblood ka nanaman bro. Dinatnan ka nanaman?" Pang aasar ni Caleb kay Xyrus.

"Oo nga bro, parang ginigising ka lang kasi sabi mo maghahanap tayo ng chikababes natin sa resort." Segunda ni Reevo at inakbayan itong si Xyrus.

"Gago!" At binatukan niya itong si Reevo. "Ngayon kayo nambulabog kung kelan ang ganda ng panaginip ko. Bwiset!" Inis paring sagot ni Xyrus sa dalawa.

Napakamot nalang sa batok si Reevo sa ginawa sakanya ni Xyrus. Si Caleb naman ay nacurious sa panaginip ng kaibigan kaya nilapitan niya ito sa kama.

"Bro, sino naman ang malas na babae sa panaginip mo?" Muli nitong pang aasar sa kaibigan.

"Lumayas ka dito Caleb." Si Xyrus na asar na sa kaibigan sabay turo sa pintuan.

"You can't do that Xy. Aalis tayo ngayon remember? Ulyanin ka na yata." Sabay halakhak nito at nakisali narin sa Reevo sa pagtawa.

"Tangina niyo! Magsilayas kayo dito!" Si Xyrus na kulang nalang ay di umusok ang ilong sa sobrang inis sa dalawang kaibigan.

"Bago mo kami palayasin, pakainin mo muna kami Xy." Si Reevo na napapatawa parin sakanyang pwesto.

"Langya! Pumunta ka dito ng di pa kumakain Ree? At nakuha mo pang gumala gala kaninang gago ka." Naiinis paring sagot ni Xyrus.

"Syempre bro, mas masarap ang breakfast kapag yung pearly shell ang sinisisid." Si Reevo sabay ngisi nito.

"Tangina mo, kadiri ka! Mangilabot ka nga Ree." Si Xyrus na di na alam kung anong gagawin sa dalawang may saltik na kaibigan.

"Grabe ka naman bro. Nakatikim ka narin naman non. Siya nga pala, mauna nako sa kusina baka masuntok nako ng isa dito. Hehehe." Si Reevo na kumaripas na ng takbo palabas ng kanyang kwarto.

"Kakain narin munako Xy. Di ka pa ba sasabay dyan?" Painosenteng tanong ni Caleb sa kaibigan.

" Pakainin kaya kita ng kamao ko. Dakdak ka ng dakdak." Si Xyrus na tinitimpi ang inis sa kaibigan.

"Sabi ko nga kakain nalang ako eh." Si Caleb na napakamot nalang sakanyang ulo at iniwan na sa kwarto si Xyrus.

Ba't ko ba naging kaibigan ang dalawang asungot na yon? At sino ba yung babaeng nasa panaginip ko?

Pinipilit ni Xyrus na alalahanin ang kanyang panaginip ngunit di niya talaga mamukhaan kung sino ang babae na nasa kanyang panaginip kanina. Sa inis ay ginulo nalang niya ang kanyang buhok kaya lalo siyang nagmukhang bad boy sakanyang magulong buhok.

A/N: Pasensya na mabagal ang update natin. Pawang kagaguhan lang naman ito. Anyways, nawa'y nag enjoy kayo sa part 1. :)

Project: The Programmed MannequinWhere stories live. Discover now