Appreciation note: Thank you, forestchee, for the votes and reads. I highly appreciated them. 💗
***
Kabanata 10
Huminto ang taksi sa gitna nang makita ang yellow warning triangle na nasa unahan. May road reconstruction na nagaganap. Naghuhukay ang isang kahel at lumang bako sa gitna. Nasa harapan naman ng ito ang mga local highway authority na suot ang kahel na safety helmets at coveralls upang hindi gaanong mamantsahan ang kanilang damit. Naokupado ang lahat dahil sa kanilang trabaho. Nakatalikod sa direksiyon nina Finn at ng drayber.
Hanggang ang isa sa mga awtoridad na nakahawak sa kanyang baywang ay napalingon sa likuran. Naniningkit ang mga mata marahil inaaninag ang bagay na nakita, wala sa sariling iniikot ang katawan upang maharap ito. “Doon sa kabila.” Pumailanlang ang sigaw ng awtoridad dahilan upang maagaw ang atensuyon ng mga kasama, maliban sa backhoe driver.
Hindi lubhang nadinig nina Finn at drayber ang isinigaw ng lalaki dahil na rin sa makapal na windshield at malayong distansya. Inilabas ng drayber ang ulo sa bintana habang humahangin kaya mahinahong sumayaw ang buhok niya, nakapatong sa bintana ang brasong maputi. Ipinulandit ng drayber dahil iyon lamang ang paraan upang mas maintindihan niya lalo ang sinasabi ng lalaki.
“Doon kayo dumaan sa kabila.” sigaw muli ng lalaki saka ipinorma sa ekis ang mga kamay sa harapan. “Bawal.”
Dahil sa senyas ay nakuha ng drayber ang sinabi ng awtoridad. Ngunit nag-aalanganin din siyang umalis dahil puwede pa namang dumaan sa gilid at higit sa lahat, nahihiya siya sa maliit na kamaliang ito kaya hindi siya makagalaw. Una pa lang, alam na niyang hindi puwedeng dumaan sa Torny Road buhat nang lumindol na nagkaroon ng matinding pinsala sa nasabing lansangan. Ngunit ano ang ginawa niya? Kahit bawal, nilusong pa rin.
Mayamaya ay lumapit sa gawi nila ang lalaki.
“Good morning, Sir.” bati ng drayber.
Hindi napansin ng lalaki ang sambit ng drayber, una dahil wala naman siyang pakialam at ikalawa, naiinis siya nang kaunti dahil sa pagkabungol ng drayber. “Pasensya na, bata, hindi kayo puwedeng dumaan dito. Lipat na lang kayo sa Stead Boulevard o kung gusto niyo naman— teka, sa’n ba ang destinasyon ninyo?” Kanina nang nagsasalita ang lalaki, ngayon lamang niya naisipang itanong ang bagay na iyon.
“Sa Morose county po, Sir.” sagot ng drayber.
“A, sa Morose,” marahang napatango na sabi ng awtoridad. “Kung gano’n pala, short cut na lang kayo sa highway ng Contipose. Prohibited talaga ang daan dito, e.”
Akala pa naman ng drayber, ipapatuloy na sila. Ayaw niya kasing umatras, bumalik, pumaliko o mag-iba ng direksiyon dahil mas sanay siya sa diretso lang. Doon siya mas komportable. Kaya naaasiwa siyang magbukas ng bibig.
“Okay lang ba ’yon, bata, ha?” Napansin ng lalaki na nababalisa ang drayber kaya naitanong iyon. Napawi ang inis niya sa new adult na drayber saka dalawang beses na tinapik pa ang itaas na braso nito at inihawak muli ang kamay sa baywang katulad ng kabila. “Huwag masyadong mag-isip, bata, ha. Hindi tayo puwedeng magtuloy-tuloy. Marami pang daan. Saka baka naiinip na ang pasahero mo.”
Hindi malingon ng drayber si Finn na kanina nang tahimik at patay-malisya sa puwesto, nakatitig sa antigong baldadong malawak na lupain. Nagkunyaring walang narinig o nakita si Finn dahil gusto niyang maging komportable ang drayber, isa rin siya sa mga nakapansin sa pagkabalisa ng drayber.
Ang drayber naman, sa kabilang banda, nahihirapang lunukin ang kanyang kapalaluan pero kailangan. “A, sige po, Sir.”
“Sige,” nakangiting sambit ng lalaki. “Thank you.”
BINABASA MO ANG
The Lonesome Traveler
AdventureHanggang ngayon ay nakakulong pa rin sa puso at alaala ni Finn ang mapait na kahapon at alitan nila ng kanyang best friend na si Sebastian- isa sa mga dahilan upang hindi niya maramdaman ang tunay na saya kahit pa nakamit na niya ang tagumpay na kan...