Kabanata 9

10 3 0
                                    

Kabanata 9

Pagkatapos ng maramdaming tagpo sa eroplano, nakangiting nagpaalam ang ginang kay Finn kasama ang asawa nito. Wala sa sariling bumitiw sa kamay ni Finn na noon ay preparado na ring lumabas. Ang dalawang mag-asawa ay nakisabay sa mga pasaherong naglalakad sa pasilyo ng eroplano. Si Finn ay naiwang nakatayo sa puwesto habang sukbit ang kanyang bag. Hindi na niya maramdaman ang pangamba at takot dahil nakalapag na ang sinasakyang eroplano sa malawak na palirapan. May hile-hilerang eroplano sa tabi.

Bumuntonghininga si Finn saka umalis sa lugar nang matantong siya na lamang ang natitira sa upuan ng economy class. Nang palabas na siya sa eroplano ay binati siya ng magiliw na ngiti ng flight attendant. Nagpasalamat sa pagtangkilik sa kanilang airline. Walang hinto-hintong bumaba si Finn sa hagdanan habang sinasalubong ang malamig at masarap na hangin. Magkakasunod na lumapag sa magaspang na semento ang kanyang sapatos na suot at malalim na huminga. Sa wakas, pagkaraan ng walong tagsibol, dumating na rin siya sa Old Vanity.

Nagpatuloy si Finn. Hinayaan ang sarili na makisabay sa mga taong papasok sa terminal ng Evolver McShain Airport. Isa-isa silang kinapkapan ng guwardiya. Dampi lamang sa bag tapos pasok sa terminal. Hindi naman kasi ganoon kastrikto ang tagabantay ng nasabing paliparan.

Nang tuluyang makapasok si Finn sa loob, tumabi muna siya sa baranda para magpalamig. Inilabas niya rin mula sa bag na sukbit ang dalawang bigkis ng bagong perang papel at siniperan ang bag. Lumakad siya papunta sa money exchange stall para papalitan ang kanyang pera. Mabilis lamang ang sistema ng pagproseso sa pagpapalit kaya hindi na nakapaghintay ng matagal pa si Finn sa labas ng stall. Umalis siyang dolyar na ang dalang pera saka inideposito sa kanyang bag.

Mayroon pang tatlong oras na hihintayin si Finn para sa pagbubukang-liwayway. Huminto muna siya sa lugar-hintayan at umupo sa isa sa mga silya kasama ang iba't ibang lahi. Magpapahinga muna siya. Halos labingdalawang oras ang lipad nila, damangdama niya ang jet lag. Para siyang lumilipad. Kailangan niyang matulog para makaiwas sa nasabing panimdim. Pumikit siyang nakasandal ang ulo sa pader, kanlong ang bag at inilunod ang sarili sa panaginip.

Pagsikat ng araw, eksaktong alas nueve, nagising si Finn. Napahimbing ang kanyang tulog dahil sa pagod dala ng mahabang paglipad sa eroplanong sinakyan sa papawirin. Lalong napadilat at bahagyang nagulat nang siya lamang ang natitirang nakaupo. Sa kaliwa at kanang bahagi niya, bakante ang mga upuan. Ang mga banyaga ay nakapila sa may terminal at mayroon ding nasa money exchange booth at sa mga mini shop na nasa loob ng paliparan.

Sasayangin ba ni Finn ang oras? Hindi. Hindi na ngayon. Wala na siyang oras na sasayangin lalo at nandito na siya sa estado ng Old Vanity.

Pinunasan ng likod ng kamay niya ang magkabilang gilid ng mga labi saka tumayo at isinukbit ang bag, tumakbo kaagad. Nakahabol siya sa pila ng mga taong papalabas sa terminal ng paliparan bago maagawan ng isang matangkad na lalaking karga ang napakalaking bagahe, tila galing sa pagsasanay ng mga sundalo, nagtitipa sa keypad na selpon kaya hindi niya rin napansin si Finn.

Eksaktong paglabas ng dalaga, naparaan ang isang dilaw na taksi. Pinara niya ito at pumasok, ikinalampag ang pinto. Sinabi sa drayber na dalhin siya sa Morose county. Isang iglap lamang ay ipinalipad ng drayber ang sasakyan.

Habang nasa gitna ng byahe, nakamasid si Finn sa tanawin sa labas ng durungawan ng taksi. Nakaupo siya sa kanang bahagi kaya abot-tanaw niya ang hilera ng mga Date Palm na naghahati sa kahabaan ng kalsada at sa mga linya ng makukulay na sasakyang nakakiling sa parkehang nasa harapan ng gusaling bughaw na ang taas ay humigit-kumulang isang daang palapag, at lapad na limampung metro.

"Turista ka ba, Ma'am?"

Napabaling si Finn sa harapan nang marinig ang biglaang tanong ng drayber. Iniikot-ikot ng maugat na namamarak na kamay ang manibelang may nakapatong na manipis na tuwalyang puti sa gitna. Suot ang puting polo. Maanggulo ang kanyang maliit na mukha, may puting headband ang manipis na buhok nyang hanggang batok.

"O dating residente rito sa Old Vanity?"

Walang naisagot si Finn sa drayber na ipinagpalagay niyang nasa hustong dalawampung taon ang edad. Puwedeng tawaging turista si Finn dahil pumunta siya rito para may makita at maaari din siyang tawaging residente ng Old Vanity— noon nga lang. Simula nang umalis sila sa nasabing estado, nawala na rin ang bisa ng pagiging residente nila sa bansa.

"Turista ka, Ma'am, 'no?" Ang kulit ng drayber, sinilip pa si Finn sa rearview mirror.

Umiwas ng tingin ang dalaga at idinirekta sa labas.

"Anong titingnan mo rito sa Old Vanity, Ma'am?" usisa pa niya. "Wala ngang tourist attraction. I mean, napakaabandonado ng lugar na 'to para pagbakasyunan. Imbes na gusto mong sumaya, yayakapin ka lang ng kalungkutan dahil sa lonely climate. Secluded ang Old Vanity. Deserted pa lalo na noong mga nakaraang taon."

Mabigat na napahinga si Finn pagkabanggit ng makulit at madaldal na drayber sa mga salitang nakaraang taon. Sumagi na naman sa isipan niya ang alaala nila ng kababatang si Sebastian. Pinapaalalahanan niya ang kanyang sarili ng kaunting oras na lamang at makakasama na niyang muli ang kaibigan. Magtiis lamang siya ng ilang minuto. Maaabot, mayayakap at makakausap na niya si Sebastian. Sabik na sabik na si Finn lalo na ang kanyang puso.

"Bakit ang tahimik mo, Ma'am?"

Hindi rin maintindihan ni Finn kung bakit sobrang tahimik niya. Gayon pa man, sinubukan niyang maging maingay sa loob ng isang araw pero hindi talaga kaya. May pagkakataon pa rin talagang uupo siya sa gilid at hindi kikibo. Panonoorin na lang ang mga tao sa paligid o hahayaang maglakbay ang utak kung saan-saan.

Sabi pa nila, sa sobrang pagkatahimik niya, mahirap daw siyang lapitan. Dumagdag pa raw ang kanyang blangkong mga titig.

Pero pinatunayan ng drayber ng taksi na sinasakyan ni Finn na hindi siya mahirap lapitan. Na si Finn ay tahimik lang pero hindi suplada o nakakaintimida.  "I love silence."

Nasorpresa ang drayber sa tatlong salita ni Finn. "Woah! First-time kong marinig ang boses mo, Ma'am. Ang lamig pa." pabiro niyang sabi. Natawa pa ito. "Baka mag-snow na rito sa Old Vanity kahit spring pa lang, a."

The Lonesome TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon