Majbritt
I IMMEDIATELY took a photo of them bago muling tumanaw sa kanila. Nikkolai was still singing at mukhang matatapos na ang kanta nito. I was painfully looking at my boy friend with another girl. Worst, they are kissing.I bit my lips at ilang beses pang napa kurap. Sa isip ko ay pinapatay ko na sa mga salita ang babaeng kasama niya. Nag iwas na ako ng tingin pa dahil para na akong sinasakal nito.
May mas masakit pa ba rito, Russel?
Sa ilang libong pag kakataon, tinanong ko ang sarili ko kung bakit ba ako patuloy na nananatili sa relasyong ito. My life are all mess. I am an only child and I never felt loved by my own parents. I found happiness in my friends, I found love in Russel. Pero bakit ganito? He is slowly getting too far from me.
"R-russel, please stop." himihikbi kong bulong. I placed my hand unto my chest, giving it a light pat.
Tumalikod ako sa mga tao sa takot na makita ako ng mag ito. Ikinatatakot ko rin ang magiging reaksyon ni Nikkolai kapag nakita niya akong umiiyak. Pero mas ikinatakot ko ang sakit na nararadaman ko. Maari ako nitong ibalik sa dating ako, ang nakaraang kahit ako'y ayaw ng bumalik pa.
Tumakbo ako palayo sa lugar na iyon. Ibang daan ang dinaan ko upang hindi mapansin ni Russel. Kahit na ayokong umasang mapapansin niya ako dahil masyado siyang abala sa iba. Hindi naman ako iyong tipo ng babaeng sumusugod at gumagawa ng eksena. Iyon ang pinaka ayaw ko sa lahat. People knew me for being kind, mahinhin, the educated Majbritt Reyes. But I was way too far from that description. Hindi ako iyong Maj na nakikita ng mga tao. It was my self duplication where I hide.
Naupo ako sa isang bakanteng sahig sa parking lot. Gabi na rin at dumarami na ang tao sa lugar na iyon. I was leaning to my arms habang umiiyak. Bumukas ang aking cellphone at lumabas roon ang imahe ni Russel at nang kanyang kahalikan.
"P-putangina."
Para akong tanga roong kumakausap sa kawalan. Umiiyak habang ang puso ko ay walang laman kung hindi ang matinding sakit na dulot ng nakita.
"Nag mahal lang naman ako, ah? B-bakit naman ganito?"
I kept on asking the wind, but I heard response from no one. I wanted to call a friend, pero natatakot akong husgahan lamang nila ako. Natatakot akong sa oras na hilingin kong sana, sana narito sila ay mabigo ako dahil ang totoo'y wala akong aasahan kung hindi ang sarili ko lamang.
I was so stupid to hope that I could really gain friends the moment I changed my self.
Ilang beses akong nag mura. Sobrang sakit. At may mas sasakit pa ba sa isiping may ibang hinahalikan ang aking nobyo? Na imbes ibuhos niya ang mga bakanteng oras niya upang maka bawi sa akin ay inabala niya ang sarili sa ibang bagay? Sa ibang babae?
"T-tangina, kailan mo pa 'ko niloloko?" Hindi ko maiwasang maitanong sa aking sarili. Ilang beses na ba akong nag papaloko?
"Maj!" Bigla na lamang sumulpot si Nikkolai sa aking harapan habang hinihingal dala ang kanyang gitara.
Padabog kong pinunasan ang aking luha. "What are you doing here? May gig ka pa, 'di ba?"
He seriously looked at me. "Bakit ka umalis?"
"Wala lang." tipid kong sagot, umiiwas pa sa mga tingin niya.
"Bakit ka umiiyak? Huwag mong sabihing wala lang, Maj, pakiusap. Huwag mo naman akong gawing tanga." Napatakip ako sa aking bibig.
Tinignan ko siya at na'ron ang mga mata kong puno ng sakit. I hate people seeing me cry, but this one's different. Hindi ko kayang maging matapang sa harap niya. Humihikbi ko siyang nilapitan, he was just looking at me. Hindi ko na napigilang yumakap sa kanya ng napaka higpit, isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dib-dib at duon umiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/245819269-288-k630335.jpg)
YOU ARE READING
Over you (Rules Breaker Series 2)
RomanceContains Matured scenes, beware (lol) There's this deal that changes almost everything about them. Deinielle Majbritt Reyes was an only child, always left alone, always caught in the dark. Her friends tried their best to change her at least. And sh...