Chapter 8

7 0 0
                                    

Majbritt

I WASN'T ABLE to attend my training class today. Ilang message na rin ang natanggap ko sa aking mga teacher lalo na sa mga handler namin sa journalism asking if I could make it at least this afternoon, pero hindi ako nag abalang mag reply.

I was preoccupied the past twenty four hours. Halos dalawang oras lang ang tulog ko dahil naging abala ang isip ko. It's ten o'clock in the morning, pero hindi ako kumikilos para pumasok.

Alam ng Diyos kung gaano ko ninais na takasan ang katotohanang iyon nang oras na ito'y aking malaman. Dahil alam kong hindi lamang mga kaibigan ang mawawala sa akin, kung hindi ang sarili ko mismo.

Mamaya ay mayroon kaming field trip at naka-oo na 'ko 'ron. Nakapag bayad na din ako at hindi naman maaring i-refund. Kahit na gusto ko ay madidismaya naman ang mga kaibigan ko kung hindi ako sasama.

Napalingon ako kaagad ng kumatok si ate Sandra.

"Pasok." walang gana kong sabi.

Sumilip muna siya bago tuluyang pumasok. "Naihanda ko na ang mga dadal'hin mo mamaya. Kung ako saiyo ay kumilos na ako."

I sighed. "I'll handle my self." tumango na lamang siya at saka tuluyan ng lumabas.

I received a message from Miles and Nicole, kanina pa raw nila ako hinihintay. Naiiling akong kumilos na at nag handa patungo sa school para sumama sa field trip na iyon. I saw Austine with Gelo, isa sa mga kaklase namin at masasabi kong pinaka malapit sa kanya.

"You didn't attend the training?" salubong ko rito. Umiling siya kaagad.

"I told Ms. Facundo, how 'bout you?"

Natatawa akong umiling. "She'll be with the students, wala rin naman siya sa training kaya okay lang naman siguro iyon."

"You should at least make them aware. Cancel na ang training ngayong araw."

"Talaga? That's good!"

Nag kibit-balikat siya na nag patawa sa'kin saka umalis na para sumakay sa service nila. Nakita ko namang nag uusap si Miles at Nicole at mukhang parehong nag da-drama dahil hindi kasama ang mga boy friend nila.

"Break na ba kayo ni Russel?" salubong ni Nicole.

"Oo." walang emosyong kong sabi kahit na hindi naman talaga. Gusto ko lamang isipin nila na wala na kami, dahil anumang oras ay malalaman din naman nila ang naging problema ko kay Russel.

"Eh? Ayos ah." kumento ni Aljanna mula sa likuran ng sasakyan. "Tara na, ang init-init rito."

"Arte-arte nito." Miles mocked her.

Pagka pasok namin sa loob ng van ay agad ko nang nakita si Lyssa kasama ng kanyang nobyo; Harold. Hindi niya ako binati, ganoon din ako at mukhang wala namang naka pansin sa bagay na iyon. Buong byahe akong tahimik, buong araw akong kumikibo lamang kapag tinatanong.

Sumapit ang hapon at napili nilang kumain muna saglit. Ako ang pinaka unang natapos. Nag paalam saglit si Lyssa na may kukunin raw siya saglit sa sasakyan. Ginamit ko iyong pag kakataon para makausap siya. Naabutan ko siyang nag re-retouched sa loob ng sasakyan habang malaking naka bukas ang pinto ng sasakyan. She glared at me.

"Pwede ba kitang maka-usap?" Agad na sabi ko. Nangunot ang noo niya.

"About what?" maangas niyang tugon.

"Ly, alam kong alam mo na. Don't act as if ikaw lang 'yung nahihirapan dito."

"I don't know what you're talking about, Maj." matigas na aniya. Ibinalik niya ang mga gamit niya sa loob ng kanyang bag at tahimik na bumaba sa sasakyan. Nanatili ako 'ron, nag hihintay ng sasabihin niya.

Over you (Rules Breaker Series 2)Where stories live. Discover now