Chapter 5

10 1 0
                                    

Majbritt

WALA akong ideya kung saan kami papunta ni Nikkolai ngunit hindi ako nag dalawang isip na sumama sa kanya. Naupo ako katabi niya at saka nag seat belt. Agad kaming umalis sa lugar na iyon. Nakaka pagtakang wala akong pag aalinlangan noon. Kahit na hindi ako sigurado kung saan kami patungo ay hindi ako nabahala. Kahit na ang alam kong hindi maganda iisipin ni Russel o ng mga kaibigan ko.

"Ba't ka nasa labas?" he asked. Napa tingin ako sa kanya at ganon rin siya sa'kin at mabilis ring nag tuon sa pag mamaneho.

"Nag papahangin lang." tugon ko.

"Wala bang hangin sa bahay n'yo?" seryosong tanong niya. Nginiwian ko siya at inirapan. Bigla siyang natawa. "Bakit? Hahahahaha!"

"Ewan ko sa'yo!" singhal ko rito. "Ikaw? Pa-saan ka?"

"Sa bar." seryosong aniya.

"Bar amp." hindi naniniwalang sabi ko.

"Totoo nga!" depensa naman niya.

"Ewan ko sa'yo, puro ka katarantaduhan." inirapan ko pa siya dahilan para matawa na naman siya at bahagyang umiling.

Hindi ko alam kung bakit ako napa lingon sa likurang bahagi ng sasakyan niya, basta nakita ko ang gitara niyang naka higa 'ron. Napa nguso ako dahil mukhang totoo ngang sa bar siya pupunta.

"Gig?" usisa ko.

"Oo." sagot niya saka tumawa dahil alam niyang napa hiya ako sa aking sarili.

Humalukip-kip ako at sumandal sa bintana. "Sama ako."

Bigla siyang naubo sa narinig. Napalingon tuloy ako dahil sa pag aalala. Nag d-drive pa man din ito. Mahirap na. Baka mamatay pa kaming dalawa.

"Ano kamo?!"

"Sama ako." pag uulit ko na ang tono ay nag tataka dahil pinapaulit niya pa na akala mo naman ay hindi niya narinig o naintindihan ang sinabi ko.

"Sigurado ka ba sa d'yan, Reyes? Gusto mong sumama sa'kin sa bar?"

"Oo. Masama ba 'yon? Papanoorin kita."

Natahimik siya bago mapaubo ng bahagya. Kinagat niya pa ang pag ibabang labi niya at saka napapa kurap habang nasa unahan ang atensyon. Napangiti tuloy ako sa naging reaksyon niya dahil mukhang apektadong-apektado siya noon. Manonood lamang naman ako ng gig niya, hindi ko naman siya ichi-cheer.

"Don't tell anyone about this, okay?" bilin niya pagka baba ko ng sasakyan. He actually opened the door for me.

"Bakit naman? Secret ba 'to?"

"First, mapapatay ako ng tatay ko kapag nalaman niya na gumigimik ako tuwing biyernes ng gabi sa bar. Second, hindi mo pwedeng ipag sabi ito kahit kanino dahil nahihiya ako." tuloy-tuloy lamang siya sa pag sasalita habang may kinukuha sa loob ng kanyang sasakyan.

Sinalo ko pa ang gitara niya dahil muntik pa itong malaglag ng sumabit sa kanyang bag.

"Give me your bag." sabi ko. Iniiwas niya pa sa'kin.

Over you (Rules Breaker Series 2)Where stories live. Discover now