Majbritt
AGAD kong sinundan si Russel matapos niya akong batuhin ng bulaklak at lagpasan. Ang hindi ko makuha ay bakit kailangan niya pa akong saktan? He even bumped on me na para siyang bata!
Hindi pa ba sapat iyong sinabi ko? There's nothing going on between me and Nikkolai. Paulit-ulit na lamang siya. Pakiramdam ko, pinipilit niya na lamang ang mga hinala niya para magka'ron kami ng pag tatalunan. I don't even find this as a big deal! Nag usap lamang kami at kumain ng sabay! Anong mali 'ron? Kung nag loloko ako, nakita sana nila kaming nag hahalikan o nag haharutan habang magkasama—but fuck? Hindi naman, 'di ba?
"Russel!" I called him pero nag tuloy-tuloy lamang siya sa pag lalakad ng mabilis na halata mo pa ring galit. Nang maabutan ko siya ay agad kong hinablot ang kanyang braso at hinila upang mapa lingon sa'kin.
I saw his burning eyes, he is breathing heavily as well.
"Let's talk..." pakiusap ko.
"We have nothing to talk about, Maj."
"Please? Hear me out this time." I don't beg like this. Putangina naman.
He sarcastically laughed. "Kitang-kita ng dalawa kong mata kung gaano kayo kasaya, Majbritt. Pwede ba? 'Wag ka nang mag sinungaling dahil nakakahiya ka!"
Nagulat ako sa sinabi niyang iyon, malakas na dumapo ang palad ko sa kanyang pisngi dahilan para mag ligid ng luha niya. Umigting ang bagang niya at humawak rito. Sa lakas ng pag sampal ko ay nasugatan ko ang kanyang labi, hindi man lamang ako nakunsensya ng makitang may dugo rito.
Naramdaman ko ang mga butil ng luha na pumapatak na sa aking pisngi. Agad ko itong pinunasan dahil ayokong nakikita niya akong umiiyak, o kahit makita niyang nasasaktan. Kahit na sino, ayokong makita nila akong mahina.
"A-ako pa ngayon 'yung nakakahiya?" mabilis na kumunot ang noo ko. "Tignan mo nga 'yang sarili mo, Russel! Sa sobrang taas mo, hindi na kita maabot. I don't even know you anymore. Hindi ka naman ganiyan dati."
Matalim niya akong tinignan. "Anong ibig mong sabihin? Na mayabang ako—"
"Oo." diretso kong sabi. "Na sa sobrang kayabangan mo, kahit na ikaw yung mali, ang tingin mo pa rin sa sarili mo, tama."
"M-maj!"
"Ano bang mali sa ginawa ko, ha? I was just talking to him as a friend! Pero para sa'yo, nakikipag landian na ako kaagad? Tangina pala, ano, Russel?" I pointed his chest and even push it a little. "Aren't you embarrassed of yourself? You started a fight with Nikkolai because of this nonsense!"
"Wala lang ba para sa'yo 'to?" He seriously asked. Natigilan ako sa kanyang tanong. "I was trying to secure our relationship, Maj. At kung para sa'yo wala lang 'to, why do I even bothered, huh? Bakit ko pa sinusubukan? Bakit pa ako nag aaksaya ng oras?!"
"Secure our relationship?" Mahina pa akong natawa. "Anong katangahan 'yan, Russel? After you went to college, hindi na kita maramdaman. Pakiramdam ko, umiikot na lang 'yang mundo mo sa putangina mong course at sa mga taong naka paligid sa'yo. Naisip mo man lang ba 'yung mga pag kakataon na halos itaboy mo ako? Na kulang na lang i-deny mo na girlfriend mo ako? Tapos ngayon sasabihin mo sa'king pino-protektahan mo lang ang relasyong 'to? You are shameless, Russel."
YOU ARE READING
Over you (Rules Breaker Series 2)
RomanceContains Matured scenes, beware (lol) There's this deal that changes almost everything about them. Deinielle Majbritt Reyes was an only child, always left alone, always caught in the dark. Her friends tried their best to change her at least. And sh...
