❣︎Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 8; Esᴄᴀᴘᴇᴅ❣︎

1 0 0
                                    

Vince Clark Montero on multimedia👆🏻--------------------
Third Person's POV

It's almost 2 days ng nawawala si Zan at hindi sumusuko ang mga kaibigan at pamilya niya na hanapin siya.

"May balita na ba kay Zan?" Nag aalalang tanong ni Jace simula nung araw na nawawala si Zan nakaramdam siya ng takot at pag aalala pero hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman ang mga yun.

"Wala pa ngang binabalita ang mga pulis eh." naiiyak na pahiwatig ni Steph.

"Bakit kasi hinayaan niyo siyang maglakad ng mag isa nung gabing yun edi sana hindi nawawala s-" naputol ang sinasabi ni Jace ng bigla siyang suntukin ni Ryle.

"Tarantado ka pala eh ikaw ang asawa responsibilidad mo ang kapatid ko!" Sigaw ni Ryle kay Jace.

"Wag na kayong mag away diyan wala na tayong magagawa nangyari na ang nangyari hindi kayo nakakatulong!" Sigaw ng ama ni Ryle.

"Mabuti pa mag si uwi muna kayo malalim na ang gabi mag pahinga nadin kayo mga iho at iha ikaw din Ryle." Pahiwatig ng ina ni Ryle kaya naman walang nagawa ang mga mag kakaibigan dahil alam nila sa sarili nila na pagod nadin sila, dahil dalawang araw ng nawawala si Zan at wala parin silang nakukuhang impormasyon kung asan ang kaibigan nila.

Zandria/Nicole's POV

Almost two days na akong nakakulong sa madilim na kwartong ito alam kong nag aalala na sila mommy, daddy at kuya pati narin yung mga kaibigan ko.

Ilang beses na akong nag tangkang tumakas pero hindi ako makaalis sa lugar na toh dahil bawat sulok ng abandonadong bahay na toh ay may nag babantay pero hindi ibig sabihin nun hindi ako gagawa ng paraan.

Nanghihina nadin ako dahil hindi nila ako pinapakain kahit painumin lang walang silang binibigay sa akin madami na din akong natamong sugat dahil sa pagtatangka kong tumakas may sugat din ako sa noo dahil hinampas ako ng baril nung mga walang hiyanh kumidnap sa akin.

Nag palinga-linga ako sa paligid baka sakaling may magamit akong matalim na bagay para sa pag kalag ng tali sa kamay at paa ko masakit nadin kasi masyadong mahigpit ang pag kakatali nila kaya hindi ko maigalaw ang kamay ko.

Habang sinusuri ko ang buong kwarto may nakita akong basag na salamin sa gilid ng lumang aparador kaya naman walang pag aalinlangan akong lumapit sa lumang aparador para kunin yung basag basag na salamin.

Malapit na ako sa aparador ng biglang may gumalaw sa loob kaya naman napatigil ako at bigla akong kinabahan hindi ko makita kung ano yun dahil maliit lang yung uwang kaya no choice ako kundi lapitan pero nung bubuksan ko na sana bigla akong napaatras sinilip ko kung ano yun ng biglang may tumakbong daga 'pesteng yawa bwisit kang daga ka ginulat mo pa ako.' napamura nalang ako sa isipan ko dahil may busal yung bunganga ko.

Kaya naman lumapit na ako sa salamin na basag pero hindi ko makuha dahil may tali nga ang kamay ko kaya naman tumalikod ako para kapag tinumba ko yung upuan mabilis ko nalang makuha.

Habang ginagawa ko yung plano ko may narinig akong mga yabag ng paa kaya naman bigla akong kinabahan pero narinig ko nalang yung mga yabag ng paa na papalayo.

Hindi ko na pinansin yun at tinumba ko na yung upuan pero sa kasamaang palad mali yung pagkakatumba ko kaya namilipit ako sa sakit dahil nadaganan ko yung kaliwang braso ko pero mas inuna ko padin na kalagan yung kamay at paa ko.

Malapit ko ng makalagan yung tali sa paa ko ng biglang may papalapit na mga yabag ng paa kaya naman binilisan kong kalagan yung tali sa paa ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

❦Tᴇᴀʀs Oғ Tʜᴇ Uɴᴡᴀɴᴛᴇᴅ Wɪғᴇ❦(ᴏɴ-ɢᴏɪɴɢ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon