Chloe Stanford on multimedia👆🏻
--------------------
Zandria's POVTatlong araw na simula nung nagkasakit ako at sa tatlong araw na yun nagtataka padin ako kung bakit ako inalagaan ng mokong na yun.
Naglalakad na ako sa hallway ng school namin papuntang College Building ang school kasi namin ay may Elementary and High School Building .
Malapit na ako sa College Building ng may mahagip ang mata ko na tao sa puno naka all black siya ewan ko pero kinakabahan ako sa prisensiya niya, biglang tumayo yung balahibo ko nung bigla siyang ngimisi sa akin or baka namamalikmata lang ako, tinignan ko ang likuran ko walang namang tao binalik ko yung tingin ko sa puno pero wala na siya dun, dahil nga sa curious ako kung sino yun pinuntahan ko kung saan siya nakatayo kanina ng biglang may kumalabit sa akin dahil sa gulat ko nasampal ko yung kumalabit sa akin.
"Aray naman Nic" ay hala patay si Xion pala yung kumalabit sa akin.
"Bakit ka kasi nangangalabit bigla!" sigaw ko sa kanya dahil nagulat talaga ako dun.
"Pano naman kasi kanina pa kita tinatawag hindi mo ako pinapansin, kaya kinalabit nalang kita tapos ikaw patong mananampal, at sino ba yung hinahanap mo para kang tanga diyan eh" ay ang haba ng sinabi.
"Edi sorry naman, may nakita kasi akong tao dito kanina naka all black siya nakatingin siya sa akin tapos nginisian niya ako tapos bigla siyang nawala kaya pumunta ako dito." paliwanag ko sa kanya sino ba kasi yung taong yun ang creepy niya ha naka all black siya idol niya ba and mga Grim Reaper bigla namang tumayo yung mga balahibo ko hindi kaya!!!
"Xion baka sinusundo na ako ni kamatayan pano na yan gusto ko pang mag kaanak gusto ko pang pumunta ng Korea para makapunta sa Concert ng WEi at tiaka pupunta pa ako sa fan meet-" hindi pa ako natatapos mag salita ng bigla akong batukan ni Xion.
"HOY! MASAKIT YUN AH GUSTO MO BATUKAN DIN KITA HA!" sigaw ko sa kanya habang himas himas ko yung parte na binatukan niya.
"Pano naman kasi apaka OA mo!" sigaw niya din sa akin 'aba! baka gusto mong umuwi ng may pasa sa mata' pero sa isip ko lang yan hahaha.
"Aish bahala ka nga diy-" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nung may sumigaw sa likod namin.
"HOY! ALEXANDER XION MONTEFALCO! MAY KASALANAN KA PA SA AMIN!" sigaw nung lalaki bat niya kilala si Xion ah baka kaibigan niya napansin ko naman yung lalaking nasa likod nila na naka headset psshh si Jace lang naman pala wait si JACE hala patay!
"Ahhh Xion punta na ako sa room ha bye" aalis na sana ako ng mag salita si Jace wala na akong kawala dito kasi naman nung nakaraang araw nasukahan ko siya sa damit ayun nakakahiya.
"Zan-" hindi ko ma siya pinatapos at kumaripas na ako ng takbo pero putchapa nadapa ako huhuhu ansakit ng tuhod ko, tatayo na sana ako ng matumba ako ulit dahil kumirot yung ankle ko huhuhu ansakit talaga, tatayo na ulit sana ako ng may nag buhat sa akin ng pang bridal style shet na malagket bakit si Jace pa (;'༎ຶٹ༎ຶ').
Nakarating kami sa clinic pero hala baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko ang pa pa naman ng mga yun, ayaw ko ng mangyari yung noon kasi naman andun lang naman ako sa likod ng school building ng college nun dahil nag papahangin ako, hindi ata nila ako nahanap kaya tinawagan nila sila Mommy eh isa ding OA si mommy ayun tumawag ng pulis hahaha ang OA nila.
"Ahm pano yan absent ako sa class namin" hindi mapakaling sambit ko sa kanila.
"Pinag paalam na kita kila Clark at Vincent" sagot ni Xion ahhh kaya pala dadalawa silang andito.
"Ahh salamat" at bigla nalang akong humikab wahhh inaantok ako puyat ako kagabi kakanood ng K-Drama ang ganda kasi nung Scarlet Heart Ryeo nakakaiyak.
"Pwedeng matulog muna ako puyat ako eh paki gising nalang ako kung uwian na ha." tinanguan lang ako ni Xion tapos si Jace naman umalis na ewan ko diyan ang weird niya.
Ibang-iba na yung Jace na nakilala ko dahil minsan nakikita ko nalang siyang nakangiti habang nakatitig sa cellphone niya, minsan naman napapangiti nalang siya ng hindi ko alam ang dahilan.
Hay matutulog na ngalang ako inaantok na talaga ako eh at hindi ko namalayang nakatulog na ako.
SOMEONE'S POV
Konting tiis nalang Nic-nic makakalaya kana din sa mga kamay niya ipapangako ko na hindi ka na niya masasaktan at paiiyakin pa.
Dahil habang nasa tabi mo ako walang sino man ang pwedeng manakit sayo dahil ako mismo ang makakalaban niya.
Alam kong pinaghahanap kana nila ngayon para makapag higanti sila sa inyo, at alam kong ikaw ang puntirya nila dahil alam nilang ikaw ang kahinaan ng pamilya niyo.
Pero hindi ko hahayaang makuha ka nila dadaan muna sila sa akin, kahit buhay ko pa ang kapalit basta mailigtas lang kita gagawin ko.
❦❦❦❦❦❦❦❦❦❦❦❦❦❦❦❦❦❦❦❦❦❦
Sino kaya si someone?
Thank you for reading my story guys sorry kung ang lame ng update ko ngayon and sorry for the wrong grammars and typographical error.
And don't forget to stan WEi guys♡︎❣︎
BINABASA MO ANG
❦Tᴇᴀʀs Oғ Tʜᴇ Uɴᴡᴀɴᴛᴇᴅ Wɪғᴇ❦(ᴏɴ-ɢᴏɪɴɢ)
Teen FictionEvery woman dreams of wearing a wedding gown, walking In aisle with the person she loves. But all of that was not experienced by a young woman named Zandria Nicole Mendez-Shawn. Join me to her journey in...