Episode 1: Buntis (February 24, 2021)

1.8K 28 0
                                    

#BoySinceBirth
#BSB

ゝSabi raw nila, lalaki raw ang lalaki kung...

1998

"Tara na, mahal. Sumasakit na 'tong dito ko." hingal na sabi ng lalaki habang papasok sa isang hotel room kasama ng isang babae.

"Sandali, lang, mahal. Hindi ba p'wede na sa susunod na lang 'yan kasi baka masaktan ako?" ani naman ng babaeng kasama nito.

"H'wag kang mag-alala. Dadahan-dahin ko lang. Kaya tara na at simulan na nating gawin 'to. Gusto ko na kasing magkaroon ng junior" sabik na sabi ng lalaki habang nagtatanggal na ng kasuotan nilang dalawa. Ilang sandali pa ay naghahalikan na silang dalawa.

"Sige lang, mahal. Iungol mo lang ang pangalan ko." Hinalikang muli ng lalaki ang babae pagkasabi niya nito.

"Ahh, Alex, magdahan-dahan ka sabi eh!" Patuloy lamang na umungol ang babae habang inihahanda na ni Alex ang pagpasok nito sa kan'ya. Ilang sandali pa ay naramdaman na niya ang pagpasok ni Alex.

"Ahh, Alex, ba't wala kang sinuot na con... ahh, ba't mo diniin?! Ang sakit!" Napatawa na lamang si Alex sa asawa habang pinupunasan ang luha nito.

"Shh, mahal. Mamaya, promise ko sa 'yo na hindi na 'yan sasakit. Basta h'wag ka lang malikot." Tinuloy lang ng dalawa ang ginagawa nila hanggang sa...

"Alex! Bakit sa loob mo nilabas?" Napatingin silang dalawa sa ibabang bahagi nila na punong-puno ng ano.

"Hindi naman kita pababayaan, mahal. Tandaan mong lagi lang kitang aalagaan. Pati na rin ang magiging anak natin." Umalis sa pagkakadapa si Alex at tinabihan ang asawa. Niyakap naman siya nito.

"Alam mo naman kasing may sakit ako sa puso tapos sobra mo pa 'kong pinagod. Pa'no kapag namatay ako? Sino na ang sasama sa 'yo?" Niyakap din siya ni Alex at hinigpitan ang pagkakadikit nilang dalawa sa isa't isa.

"Hindi ka mamamatay, mahal. Gagawan natin lahat 'yan ng paraan pero kung ayaw mo nang magkaanak. 'Yan na lang ang magiging huli, basta magkaroon lang tayo ng junior natin." Naghalikan sandali ang mag-asawa at nagbihis na pagkatapos. Bumalik sila sa kanilang kama.

"Happy new year, Alex." mahinang sabi ng asawa ni Alex.

"Happy new year din, mahal. Sorry pala kung wala akong pa-fireworks sa 'yo. 'Yan na lang muna ang alternative sa ngayon." Hinampas naman siya nang mahina ng asawa dahil sa kan'yang tinuran.

"Thank you, Alex, kasi minahal mo talaga 'ko kahit na medyo malala na 'tong sakit ko." Bulong niya habang nakatulog na si Alex habang kayakap siya.

Kinabukasan...

"Ang sarap naman ng niluluto ng mahal ko!" Agad na bungad ni Alex pagkakita niya sa asawa na naghahanda ng kanilang almusal.

"Sinasabi mo lang 'yan kasi mahal mo 'ko." sambit niya kay Alex pagkaharap niya rito.

"Patikim na nga ako n'yan. Tingnan natin kung masarap talaga 'tong mga niluto mo." Kumuha si Alex ng kutsara at tinikman na ang mga niluto ng asawa nito. Ilang saglit pa ay bigla itong sumimangot.

"Ayos lang naman sa 'kin kung hindi masarap. Aayusin ko na lang next time." Tatalikod sana siya mula kay Alex nang bigla siyang niyakap nito.

Boy Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon