Episode 7: Bawi (March 4, 2021)

349 11 0
                                    

> Sabi raw nila, lalaki raw ang lalaki kung... kaya niyang pangatawanan ang mga desisiyon niya.

"Narito ka na po pala, daddy eh." sabi sa isip ni Lex habang papasok sa loob ng bahay nila. Pagpasok niya ay bumungad ang kaniyang ina.

"Oh, Lex. Buti naman at nakauwi ka na." bati ng ina sa kaniya.

"Nasaan po si daddy? Kailangan ko po s'yang kausapin." tugon ni Lex sa ina.

"Bakit parang ang seryoso mo, anak? H'wag kang magalit sa daddy mo, may emergency kasi kaya 'di ka n'ya nasundo..." pagpapaliwanag sana niya kay Lex ngunit...

"Hindi naman po dahil do'n. Basta po, kauusapin ko po si daddy, nasaan po s'ya?" patuloy na pagtanong ni Lex sa ina kung nasaan si Alex.

"Naro'n s'ya sa k'warto, anak. Basta, h'wag mo lang kalilimutan na daddy mo pa rin s'ya kaya maging magalang ka pa rin kahit nagtatampo ka." payo niya kay Lex na tinanguan lamang nito. Ilang sandali ay pumasok na si Lex sa kuwarto ng mag-asawa.

"Sinungaling ka po, daddy." bungad ni Lex sa kagigising lamang na si Alex. Bigla naman siyang napaupo mula sa kinahihigaan nito.

"Lex, anak. Nar'yan ka na pala. Saka bakit naman ako magsisinungaling sa 'yo?" tanong ni Alex kay Lex habang palapit ito sa kaniya.

"Daddy, sinabi mo po sa 'kin na tutubo po 'yon 'pag lumaki ako eh 'yong kaklase ko po na mas maliit pa sa 'kin eh mayro'n na po s'ya agad no'n. Daddy, 'di po ba ako normal?" tugon naman ni Lex sa ama nito.

"Anak, ganito kasi 'yon..." susubukan sanang magpaliwanag ni Alex nang biglang sumigaw si Lex.

"Daddy, niloko mo po 'ko!" Magpapatuloy sana sa pagpapaliwanag si Alex nang biglang pumasok ang asawa nito.

"Anong nangyari, Alex? May ginawa ba si Lex?" agad na tanong niya nang maabutan ang tapatan ng mag-ama. Lumapit s'ya kay Lex at pinunasan ang mga mata nito.

"Alex, kauusapin ko muna ang anak natin. Pero pagtapos no'n, tayo naman ang magtutuos!" sabi niya kay Alex habang minamata niya ito. Ilang sandali pa ay lumipat sila ni Lex sa kabilang kuwarto. Inupo niya si Lex sa kama.

"Anong nangyari, Lex? Anong ginawa sa 'yo ng daddy mo?" agad na tanong niya sa anak habang patuloy pa rin ang pag-iyak nito.

"Niloko po ako ni daddy, sabi po n'ya kasi na tutubo naman daw 'yong dito kapag lumaki ako pero nakita ko po 'yong sa kaklase ko na mayro'n na po s'ya no'n." pagpapaliwanag naman ni Lex sa ina.

"Pa'no ko ba 'to ipaliiliwanag sa 'yo 'to, anak?" sabi niya sa isip habang patuloy pa ring pinatatahan si Lex.

"Ganito na lang, anak. May ikuk'wento ako sa 'yo. Pakinggan mo 'tong mabuti ah kasi tungkol sa 'yo 'to." umupo rin siya sa tabi ni Lex.

"Ano po bang nangyari? Bakit po ba wala akong gano'n?" patuloy na pagtatanong pa rin ni Lex sa ina niya.

"Ganito kasi 'yon, Lex. No'ng nasa t'yan ka pa ni mommy, sa t'yan ko, dalawa talaga kayo ng kapatid mo." pagsisimula niya sa pagkukuwento kay Lex.

"Eh mommy, nasaan po pala 'yong kapatid ko?" tugon naman ni Lex sa kuwento.

"Kaya lang, anak. Nawala na kasi s'ya pero napunta sa 'yo 'yong mga rito n'ya." sabi niya sabay turo sa harapan ni Lex.

"Ibig po bang sabihin no'n na may babae rin po sa 'kin at 'yon po 'yong magiging kapatid ko sana?" pagtatanong ni Lex sa tinuran ng ina habang sinisilip ang sarili.

"Oo pero ayaw na ayaw ni daddy mo na maging babae ka rin kaya ginawa ka na lang n'yang lalaki." pagpapaalala niya kay Lex.

"Pa'no po 'yon, mommy eh ayaw ko naman pong maging lalaki eh? Mas gusto ko po kasing maging babae." pangangatuwiran naman ni Lex sa ina.

Boy Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon