Episode 14: Babad (March 15, 2021)

126 7 0
                                    

> Sabi raw nila, lalaki raw ang lalaki kung... hindi siya kailan man naglalaro ng mga manika.

"Dito ka na lang, Cassy, sa mga damit ko. Ako na lang ang bahala sa mga kahon d'yan." pagbibigay ni Lex kay Cassy ng gagawin. Ituturo sana ni Lex ang dadalhin ni Cassy ngunit...

"Ang ganda naman ng mga design nitong mga box mo. Patingin din ako ng laman, ha?" tila masiglang turan ni Cassy kay Lex habang sinusubukang buksan ang mga kahon.

"H'wag!" sigaw ni Lex habang tumatakbo palapit kay Cassy na malapit nang mabuksan ang mga kahon. Iaangat na sana ni Cassy ang isang kahon nang bigla niyang naitulak ito pabalik.

"Sige na, Lex. Payagan mo naman akong tingnan 'yong laman n'yan kahit saglit lang, please." pakikiusap ni Cassy sa kaniya habang sinusubukan pa ring agawin ang mga kahon mula sa kaniya.

"H'wag ka ngang makulit, Cassy. Dito ka na lang sa mga drawer, baka may masira ka pa kasi r'yan eh." paglilipat ni Lex ng atens'yon ni Cassy palayo sa mga kahon. Ngayon ay nakatingin siya kay Cassy na papunta na sa mga drawer. Ilang sandali pa ay nailipat na ni Cassy sa maleta ang mga laman ng mga drawer samantalang si Lex naman ay natapos na ring ayusin ang mga kahon.

"Lex, punta muna 'ko sa banyo n'yo ah." pagpapaalam ni Cassy sa kaniya.

"Sige lang, alam mo ba kung saan 'yong banyo namin?" tanong naman ni Lex kay Cassy.

"Hindi eh. P'wede mo ba 'kong samahan?" pakikiusap naman ni Cassy kay Lex sabay hawak sa braso nito.

"Sige. Tara na, Cassy." kinuha ni Lex ang kamay ni Cassy mula sa braso nito at hinawakan ito nang mahigpit. Nang nakalabas sila ng kuwarto niya ay dumiretso na sila papunta sa banyo na hindi nila napapansin na tinitingnan sila ni Alex mula sa sariling kuwarto nito. Pagkarating nila sa banyo...

"Sige, dito na ako, Lex. Thank you. Balikan na lang kita." tinanggal na ni Cassy ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Lex at papasok na sana sa loob ng banyo nang...

"Lex! Dito ka nga, patulong ako rito." ang biglang narinig ng dalawa mula kay Alex.

"Sige, Lex, puntahan mo na ang dad mo. Kaya ko na 'to." sabi ni Cassy kay Lex bago pumasok sa loob ng banyo.

"Daddy, papunta na po." sigaw ni Lex habang paakyat na papunta sa kuwarto nila Alex.

"Ayan, wala na s'ya. Ano kaya 'yong tinatago n'ya?" sabi ni Cassy sa isip habang tinitingnang umakyat si Lex patungo sa kuwarto nito ngunit bago pa siya makalabas ay may kumalabit sa kaniya.

"Daddy, parang ang aga n'yo naman po?" agad niyang napagtanto na ama pala niya ang kasalukuyang katabi niya.

"Mabuti na 'yon para agad na natatapos 'yong mga kailangan nating gawin." paliwanag niya kay Cassy na sigurado siyang hindi niya pinakinggan. Ilang sandali pa ay nagsalita siyang muli sa anak.

"Cassy, gagamitin mo pa ba 'yong banyo?" tanong ng ama ni Cassy sa kaniya.

"Ay, hindi na po, daddy. Umurong po 'yong dapat na ilalabas ko eh. Siguro po, mamaya na lang." lumabas na si Cassy sa banyo at ang ama naman niya ang pumasok.

"Siguro naman ay wala nang pipigil sa 'kin doon sa loob." turan ni Cassy sa isip habang dahan-dahang naglalakad papunta sa kuwarto ni Lex. Ilang sandali pa ay nakapasok na siya sa loob.

"Nasaan na kaya 'yong mga kahon?" nilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng kuwarto ni Lex hanggang sa nakita niya ang mga ilalim ng higaan.

"Ayan! Nakita na rin kita." agad na hinila ni Cassy ang mga kahon mula sa ibaba at isa-isang binuksan ito.

"Ano 'to?" agad na nasabi na lamang ni Cassy pagkabukas niya ng isang kahon.

Boy Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon