Episode 38: Bantay Salakay (April 16, 2021)

94 3 0
                                    

> Sabi raw nila, lalaki raw ang lalaki kung... maparaan siya sa kahit ano.

"Sis, I just got a poster for miss beauty 2018." bati ni Belle sa kaniya sabay pakita ng poster sa kaniya.

"I don't want to join that boring contest. And the women there could hurt me cause of this." tinuro lamang ni Alex ang pang-ibaba nito.

"No, sis. They aren't judgemental like the ones you saw at workplaces. It's just like a friendly competition, that's all." pagkumbinsi ni Belle sa kaniya.

"Okay, I'll think about it. I have to prepare for my work." pumasok na si Alex sa loob at sinundan naman siya ni Belle.

"Apo, narito ka na pala." bati sa kaniya ng lola niya. Agad namang yumakap si Alex dito.

"Christine, you're here? How did you know her grandmother?" tanong ni Belle sa babaeng kasama ng lola ni Alex.

"She's my fiancee's mother figure. She practically raised him when he left his real family." sagot naman ni Christine.

"Bigla akong napauwi nang malaman ko ang nangyari sa 'yo. Ano nang nangyari sa walang hiya na 'yon?" tanong naman ng lola niya.

"Lola, wala na po 'yon. Nakakulong na po s'ya. Hindi na n'ya tayo magugulo." sagot naman ni Alex.

"Oo nga po pala, lola, unang araw ko po sa trabaho. Uuwi rin po ako bukas ng umaga. Belle, you coming with me?" umiling naman si Belle kaya siya na lamang ang nagbihis.

"Ate Rose, lalabas po muna kami ni Belle." pagpapaalam ni Christine na inoohan lamang ng lola ni Alex. Ilang sandali pa ay nasa sasakyan na ang tatlo.

"Bye, Alex. Enjoy your work." pagpapaalam ni Belle nang bumaba na si Alex sa taxi. Agad naman siyang pumasok sa ospital.

"Good evening, Miss Alfa. Congratulations dahil napasa mo ang medical test kaya p'wede ka nang magtrabaho rito simula ngayon." bungad sa kaniya ng doktor. Ngumiti siya rito at tinuro ng isang nars ang mga gagamitin niya.

"Saan po ako p'wedeng magsimula na maglinis?" tanong niya muna.

"May nakatoka na sa dalawang floor kaya sa third floor ka na. Kaunti lang naman ang mga tao ro'n kaya makapaglilinis ka nang maayos." sagot ng isa pang janitor na nagpatuloy naman sa paglilinis. Ilang sandali pa ay nakatuntong na siya sa ikatlong palapag ng ospital.

"Oo nga, parang wala ngang katao-tao rito. Ni walang naglalakad sa hallway." nasabi na lang ni Alex sa sarili at nagsimula nang maglinis.

"Ayan, tapos na lahat. P'wede na siguro akong mag-break time kahit sandali." turan pa sa sarili habang pinupunasan niya ang sariling mukha. Papasok na sana siya ng elevator nang may biglang lumapit sa kaniya.

"Janitress ka rito, 'di ba? Nagsuka kasi ang kasama ko na naka-confine dito. P'wede bang patulong na linisin 'yong pinagsukahan n'ya?" tanong ng lalaking lumapit sa kaniya.

"Sige po, kuya. Saan po ba ang k'warto n'ya?" pagpayag naman ni Alex sa lalaki.

"D'yan lang sa room 314. Hindi na kita masasamahan kasi kailangan ko na talagang dumumi." hindi na nahintay ng lalaki ang sasabihin ni Alex at tumakbo na patungo sa palikuran. Naglakad na lamang siya papunta sa kuwartong itinuro ng lalaki.

"Bakit parang wala namang tao rito pero may suka nga. Linisan ko na nga lang." lumapit si Alex sa suka at sinimulang linisan ito. Bago pa siya makatayo ay bigla na lamang siyang bumagsak.

Boy Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon