Episode 11: Buhay (March 10, 2021)

148 6 0
                                    

> Sabi raw nila, lalaki raw ang lalaki kung... hindi siya umiiyak.

"Nurse, 'yong babaeng binaril po sa school, nasaan na po s'ya?" tanong agad ni Alex sa nakasalubong na nars.

"Naroon po sa emergency room. Pero, sir, bawal pong sumama ang bata sa loob." babala ng nars sa kanila sabay alis.

"Daddy, gusto ko pong makita si mommy." pagpupumilit ni Lex kay Alex.

"Pero, anak, hindi talaga p'wede ang bata sa loob eh. Sige, ganito na lang. Mamaya, ipupuslit na lang kita sa loob. Ayos ba 'yon?" paunlak ni Alex kay Lex na ikinatuwa naman niya.

"Sige po, daddy, pero bilisan niyo po ah?" pakikiusap ni Lex sa kaniya.

"Sige, doon ka na muna sa sasakyan. Kukunin na lang kita mamaya." utos ni Alex kay Lex na agad namang pumasok sa loob ng sasakyan. Pumasok naman siya  sa loob ni ospital at agad na hinanap ang asawa. Ilang sandali pa ay narating din niya ang kinaroroonan nito.

"Mahal, narito na 'ko." hingal na sinabi ni Alex. Mapapanatag na sana siya ngunit...

"Clear..." narinig niya mula sa isang doktor.

"Doc, ano pong nangyayari sa asawa ko?" tangkang paglapit ni Alex sa asawa na sinusubukang buhayin ng mga doktor ngunit bigla siyang hinarangan ng dalawa sa mga ito.

"Sir, dito na muna po kayo. Kami na po ang bahala sa kan'ya." ilang sandali pa ay lumayo na nang kaunti si Alex sa kanila habang sinusubukan pa rin nilang binubuhay ang kaniyang asawa. Makaraan ang ilang minuto...

"Wala na talaga, hindi na n'ya kaya. Nurse, time of death?" ang narinig na lang ni Alex sa isa sa mga nasa loob.

"4:04 PM po." sagot naman ng nars sa doktor. Doon na tumakbo papasok si Alex.

"Doc, kaya pa po 'yan. Sige na po, ang lakas-lakas naman po n'ya kanina. 'Di ba, binaril lang naman s'ya?" pagsubok ni Alex na pakiusapan ang doktor.

"Sorry, sir, pero sa bandang puso kasi tumama ang bala sa kan'ya tapos inatake pa s'ya bago pa makarating dito." pagpapaliwanag ng doktor sa kaniya. Ilang sandali pa ay iniwanan na siya ng doktor para malapitan ang asawa.

"Mahal, gumising ka naman oh." pagtapik ni Alex sa nakaratay na asawa. Habang patuloy pa rin niyang subukang gisingin siya ay dumating ang isang nars na may dalang puting tela.

"Condolences po, Mr. Alfa." bungad ng nars sabay lapit sa asawa ni Alex at tinakpan ito ng telang dala niya. Iniwanan na rin niya si Alex kalaunan.

Samantala, sa labas ng ospital...

"Ang tagal naman ni daddy, sana naman eh pumunta na s'ya agad rito. Gusto ko nang makita si mommy." sabi ni Lex sa isip habang nakatingin sa tapat ng ospital. Ilang sandali pa ay may naisip siyang paraan para makapasok sa loob ng ospital.

"Magkunwari na lang kaya ako na mahihimatay?" tugon din ni Lex sa sarili hanggang sa naisipan niyang lumabas ng kotse ngunit pagkasara niya ng pinto ng kotse ay may biglang sumalubong sa kaniyang humaharurot na sasakyan.

"Ah!" sigaw ni Lex habang tinatakpan ang mga mata habang pabangga sa kaniya ang isang sasakyan.

Sa loob naman ng ospital ay patuloy pa rin ang pangungulila ni Alex habang patuloy pa ring tinitingnan at hinahawakan ang kaniyang asawa.

"Sandali lang, mahal ah. Tatawagin ko lang si Lex." paglapit ni Alex sa asawa at hinalikan ito sa labi. Ilang sandali pa ay nakalabas na siya at nakarating sa hallway. Palabas na sana siya nang...

Boy Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon