Episode 37: Beg (April 15, 2021)

73 2 0
                                    

> Sabi raw nila, lalaki raw ang lalaki kung... hindi siya nagmamakaawa sa kahit ano, sa kahit kanino o sa kahit saan.

"Applicants po kayo?" tanong ng isang crew sa kanila.

"Yes, we'll apply here. These are our resumes." hinablot ni Belle ang folder ni Alex at binigay rin sa crew.

"Just wait here. You may also order if you want." huling sabi ng crew bago umalis para ipasa ang papel nila. Ilang sandali pa ay pinatawag na ang dalawa.

"As for Ms. Belle Spring, you may start tomorrow. But for Alex..." biglang napatigil ang isang crew nang biglang sumingit si Belle.

"Why isn't she qualified? We practically studied together." reklamo ni Belle.

"We just saw the news yesterday about this female victim who is a junior. And once we hired her or him here, our profit will go down." paliwanag ng isang crew.

"Bakit naman po gano'n, kuya? Hindi naman mahalaga ang kasarian sa pagiging service crew. Saka ano naman kung junior ako, ang ibig sabihin lang no'n, parehas lang kami ng pangalan ng magulang ko." katuwiran naman ni Belle.

"Kailangan mong maintindihan, miss o mister na ginagawa lang namin 'to para sa ikabubuti ng negos'yo namin. Ano na lang ang sasabihin ng mga customer namin? Na may transgender kaming crew. Kahit nga bakla, 'di namin tinatanggap, ikaw pa kaya?" banat pa ng lalaking crew.

"Hindi mo 'ko kilala. Saka hindi ako transgender. Babae ako kung tiningnan mo nang mabuti ang birth certificate ko." dagdag pa ni Alex.

"Yes, tiningnan ko ang birth certificate mo that turned out to be a fake. Kung ako sa 'yo, umalis ka na, nakaaabala ka na kasi." huling bira ng lalaki sabay hagis ng folder ni Alex.

"I'll cancel my work here. I don't like working with someone who is rude." dagdag pa ni Belle sabay hatak kay Alex palabas ng restaurant.

"Belle, you have to go back. You need that work." pagpigil ni Alex.

"No. I don't even have to work. I just want to because I want to help you." niyakap ni Alex si Belle.

"I happen to know a group of people who can understand your situation." tugon ni Belle na nagpaalis sa yakap ni Alex.

"Who will understand me aside from you?" malungkot na tanong ni Alex.

"Of course, it's the professionals, duh. I'll take you to them." hinawakan ni Belle ang kamay ni Alex at hinatak papunta sa isang gusali.

"We're coming back here?" nasabi na lang ni Alex pagkatingin niya sa gusaling tinigilan nila.

"Yes and since they kind of knew about the situation you have, I assure you that you won't even experience discrimination here." tumango na lamang si Alex sa kaniya at sabay na pumasok sa gusali.

"Sis, I'll just go to the restroom. You want to accompany me?" pagyaya ni Belle na inilangan lamang niya.

"Just come back." mensahe ni Alex bago naglakad si Belle palayo. Ilang sandali pa ay naisipan na niyang lumapit sa receptionist.

"Gusto ko po sanang mag-apply." bungad ni Alex sa receptionist. Tumingin lang saglit ang receptionist sa cell phone nito. Ilang sandali pa ay kinausap na rin niya si Alex.

"Ay full na po kami sa receptionist. Sa ibang ospital na lang po kayo. P'wede na po kayong umalis." sinabi ng receptionist na mukhang tinataboy si Alex.

Boy Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon