Episode 18: Binabae (March 19, 2021)

121 5 0
                                    

> Sabi raw nila, lalaki raw ang lalaki kung... hindi siya gumagamit ng mga pampaganda.

"Iba ka talaga, Cassy." agad na sinabi ni Lex kay Cassy pagkaupo nitong muli.

"S'yempre naman, walang magtatangkang gumalaw sa 'kin. Tandaan mo 'yan, Lex. At dahil best friend na kita ngayon, lagi mo akong sasamahan, ha?" tanong ni Cassy sa kaniya. Agad nang sumagot si Lex ng...

"Sige ba. 'Yon lang naman pala eh. Magkasama naman tayo sa iisang bahay saka magkaklase rin tayo rito." sagot ni Lex sa tanong ni Cassy. Niyakap naman siya ni Cassy.

"Salamat, Lex, ah. Buti naman at may best friend na rin ako." niyakap din siya ni Lex pabalik.

"Sige, gawin na muna natin 'tong activity na iniwan sa 'tin ni teacher." pag-abot ni Lex ng papel kay Cassy habang patuloy pa ring sinasagot ang sariling papel nito. Makalipas ang ilang minuto ay nakaisip si Cassy ng ipanreregalo niya kay Lex.

"Lex, gusto mo bang bigyan kita ng magandang ayos?" tanong ni Cassy kay Lex na katatapos lang sa ginagawa nitong activity.

"Anong ayos 'yan, Cassy? Gaganda ba 'ko 'pag ginawa mo 'yan sa 'kin?" patanong na tugon naman ni Lex sa kaniya.

"S'yempre naman, Lex. Pero, sigurado ka ba na laladlad ka na kasi pa'no kung malaman ng dad mo?" pag-aalinlangan naman ni Cassy habang inaayos ang mga nakolekta nitong mga papel.

"Hindi n'ya 'yon malalaman saka dito lang naman sa silid natin eh. Para naman maranasan kong maging katulad n'yo na babae." sagot ni Lex kay Cassy na may halong inggit.

"Sige, Lex. Mamayang lunch time natin, bibigyan kita ng magandang make over. Kasi ihahatid ko pa 'tong mga papel natin sa teacher natin." tumayo si Cassy sa gitna at nagsalita.

"H'wag kayong mas'yadong maingay habang wala ako. Ipapasa ko lang muna ang mga papel natin." anuns'yo ni Cassy sa mga kamag-aral. Tinanguan lamang siya ng mga ito kaya agad nang lumabas si Cassy sa silid nila. Ilang sandali pa ay nakabalik na ang kanilang guro.

"Nasaan na 'yong mga papel na pinagagawa ko sa inyo?" bungad agad ng kanilang guro pagpasok pa lang niya sa kanilang silid.

"Ginang, na kay Cassy na po ang mga papel namin. Pupuntahan n'ya raw po kayo roon sa office." sagot naman ni Lex sa itinatanong ng guro.

"Ah gano'n ba? Baka nagkasalisihan lang kami. Lex, pakipuntahan na lang s'ya tapos bumalik kayo kaagad rito." pag-utos ng guro kay Lex. Tumango naman ito sa kaniya at agad na lumabas ng silid...

Samantala, sa opisina ng punongguro...

"Magandang umaga po. Ito na po ang mga ginawa namin." agad na sinabi ni Cassy pagkapasok niya sa opisina ng punongguro ngunit si Terrence lamang ang nakita niya.

"Nar'yan ka pala. Nasaan ang guro natin?" tanong ni Cassy sa mukhang lugmok na si Terrence.

"Walang hiya ka! Talagang pinagtakpan mo ang lahat ng ginawa mo sa 'kin." tumayo si Terrence at hinawakan ang leeg ni Cassy.

"Bitawan mo 'ko, Terrence. 'Di ko naman kasi kasalanan kung ayaw sa 'yo ng mga kaklase natin." mabagal na tugon ni Cassy habang patuloy pa rin siyang sinasakal ni Terrence.

"Alam mo ba kung ano ang parusang pinataw nila sa 'kin, ah? Isang linggong suspension, tingin mo, nakatutuwa 'yon? Nakulong na nga ang nanay ko tapos ganito pa 'yong nangyari." galit na tugon ni Terrence habang dinidiinan pa niya lalo ang pagkakasakal kay Cassy.

Boy Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon