Chapter 5

733 33 7
                                    

"Sh*t!" Inis na sabi ko. Nakalimutan ko ang project ko. Nilagay ko iyon sa table ng living room para di ko makalimutan pero sh*t, nakalimutan ko pa rin.

"Ano ba Sehun, makamura ka naman. Ano bang problema mo?" Tanong sa akin ni Kai

"Nakalimutan ko project ko." Sabi ko sa kanya habang pinapakalma ang sarili. I need to calm myself, baka may mawasak na naman ako nito.

"Tss, parang project lang eh." Prenteng sagot sa akin ni Kai. Kahit kailan talaga wala siyang pakealam sa pag-aaral niya.

"Shut up, Kai. Di ako tulad mo na nag-aaksaya ng panahon sa paggala."

"Grabe ka naman makapagsalita, parang di tayo bestfriend." Nakalabi niyang sabi.

Hindi ko na lang siya pinansin. Ano ang gagawin ko nito, ngayon pa naman ipapasa iyon. Sh*t talaga.

Andito na kami sa loob ng room at katulad ng kadalasang nangyayari, pinag-uusapan na naman nila ako at ang nangyari kahapon.

Naalala ko tuloy si Luhan. Hindi kami nagkasabay kanina dahil malelate daw siya. I want to see him today. Even just a glimpse of him.

"Se-sehun!" Narinig ko na lang ang pagtawag sa aking pangalan.

Tumingin ako  kung saan nanggaling ang pagtawag na iyon at nakita si Luhan na hingal na hingal sa pintuan.

"N-nalimutan mo ang project mo." Hirap niyang pagsasalita dahil sa paghingal. Pinakita niya sa akin ang dala dala niyang drawing book na project ko.

Lumapit ako sa kanya at agad agad kinuha ang aking project at niyakap siya.

"Salamat Luhan-hyung."

Gumanti siya ng yakap sa akin. "Walang ano man."

Naghiwalay na kami sa aming yakapan nang tumikhim ang aking teacher na nasa labas ng room.

Namula naman si Luhan sa hiya at aaminin kong ang cute niyang tingnan. "Si-sige Sehun, aalis na ako."

"Salamat ulit." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya at umalis na.

Pumasok na ako ng room kasunod ang aming guro at nakita ko ang mga tingin at bulong-bulungan ng aking mga kaklase.

Bumalik na ako sa aking upuan at kinalabit na naman ako ni Kai.

"Ang sweet niyo dude." Komento ni Kai.

Hindi na ako nagsalita at lihim na napangiti. Hindi ko muna papansinin ang mga panghuhusga ngayon ng mga tao dahil masaya akong makita at mayakap si Luhan.

Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon...

Nasa bahay na ako ngayon at naghahanap ng inspirasyon. kailangan kong gumuhit ng kahit ano para sa ipapasa kong project bukas.

Palabas ako ng bahay papunta sa aming garden ng mapansin kong may tao pala roon. Nakita ko ang magandang pigura ng tao na iyon... it's Luhan.

Nagdidilig siya ng mga halaman. Well, anak siya ng driver at dito sila naninirahan dahil nagtatrabaho nga ang papa niya sa amin habang siya naman ay kailangan ding tumulong.

Naalala ko tuloy ang project ko at nagsimula ng magguhit. He's my inspiration now. The view is perfect. His beautiful face with flowers all around him...

Habang tinatapos ko na ang pagguhit ko ay tiningnan ko muli siya at napansin na wala na siya sa kung saan siya kanina. Tumayo ako at umikot ang aking mga mata para hanapin siya nang may magsalita...

"Ano yan?" Lumingon ako at nakita siya sa likod.

"Ha?" Kukunin ko sana ang drawing book at itatago iyon pero huli na dahil nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata.

"A-ako yan ah..." gulat niyang sabi.

Yumuko ako at humingi ng tawad. "Pasensya na kung ginuhit kita ng walang paalam. Para kasi to sa project ko."

Kinuha niya ang drawing book at akala ko'y pupunitin niya ito. Pero nagsalita lang siya...
"Magaling ka palang magdrawing."

Ngumiti siya sa akin at ibinalik ang drawing book ko.

Natapos ang klase na masaya ako. Palabas na ako ng school papunta sa naghihintay na sasakyan/service ko nang nakita ko si Luhan na may kasamang lalaki. Masaya silang nag-uusap.

Lumapit pa ako para makita ang lalaking kasama niya... hindi ko mapigilang di magselos..Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko para sa kanya.

Nang makalapit ako ay nakilala ko agad ang kasama niya...




AQUEOUS KATE

Obsessed with Hyung (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon