Chapter 6

562 25 5
                                    

Si Kai! Kasama ni Luhan si Kai...

I can see Luhan's smiles as he talks with Kai. Nakakainis makitang ang saya at parang ang gaan ng loob ni Luhan kay Kai. And eto namang si Kai ay kung makaakbay ay parang kung sino sa buhay ni Luhan.

Bakit Sehun, sino ka ba sa buhay ni Luhan para magselos ka?

Arghhh... basta may nararamdaman ako para kay Luhan at sapat na iyon para magselos ako.

Humanda ka talaga sa akin Kai...

Nang maghiwalay na sila ay naglakad si Kai papasok ulit sa campus kaya inabangan ko siya.

"Anong ginagawa mo kasama si Luhan?" Tanong ko kay Kai habang seryosong nakatingin sa kanya. Galit ako pero hindi ko susuntukin ang kaibigan ko nang hindi alam ang totoong nangyari.

"Dude, wala lang. Nag-usap lang kami." Nakangiting sagot sa akin ni Kai.

"Anong pinag-usapan niyo?"

"Wala ka na don. Amin na lang yun..." di niya talaga ako siniseryoso.

Kwinelyuhan ko siya. Alam niyang ayokong binibiro ako kapag nagseseryoso ako.

"Sasabihin mo sa akin o..." banta ko sa kanya.

Hindi na niya ako pinatapos pa dahil alam naman niya ang sasabihin ko.

"Okay, okay." Itinaas niya ang kanyang mga kamay na para bang sumusuko.

Binitawan ko na siya at naghintay ng matino niyang sagot. Ang problema parang nagpapakipot pa ang baliw. Namumula pa ang pisngi at parang nahihiya.

Napakamot siya sa kanyang batok. "Kasi dude, tinanong ko siya tungkol kay Kyungsoo."

"Si D.O.? Bakit mo naman siya tatanungin ng tungkol kay D.O?" Naguguluhang tanong ko.

Si D.O ang student council president namin. Matalino, mabait, magaling kumanta at higit sa lahat napakabrutal sa mga lumalabag sa mga school rules. Lahat ng estudyante takot sa kanya, kahit mga fangirls niya.

"Oo... magkaibigan kasi sila atsaka gusto ko pa siyang makilala ng husto. Hindi lang ikaw ang nagmamahal dude, ako rin." Madamdamin niyang pahayag. Ang corny talaga.

"Sa lahat ng tao, dun ka pa sa lagi kang pinapagalitan. Tss. Ewan ko sayo."

"Oyy, ang cute kaya ni Kyungsoo ko lalo na pag galit. Ang sabihin mo nagselos ka lang sa amin ni Luhan kanina. Pwede mo naman kasi siyang kausapin na parang malapit kayong kaibigan kasi madali naman siyang malapitan atsaka mabait siya kaya maiintindihan niya yang nararamdaman mo pag inamin mo na sa kanya."

"Gagawin ko lang yun pag nagawa mo na yan kay D.O." tunakikod na ako

"Eh alam mo naman ang kaibahan ni Luhan at ni Kyungsoo ko diba?"

"Kyungsoo ko!?" Tanong ng isang boses sa aming likod.

Tumalikod ako para tingnan yung nagsalita at nakita ang maliit na lalaking may suot na badge ng student council.

Habang si Kai naman ay parang nanigas.




(A/N):

KaiSoo na ba itech?

Sorry po sa matagal na UD anyways thanks sa mga naghintay :) salamat talaga...

Nakita niyo na ba ang 1st at 2nd episode ng EXO Next Door? Ang ganda tapos may fanservice pa ang BaekHun... hehehe!

Comments over Votes!

AQUEOUS KATE

Obsessed with Hyung (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon