It's funny how I considered him as a special person when we are not that acquainted at all. Siguro nga baliw na ako.
Andito ako ngayon sa garden at nagpapahangin. Nagskip ako ng class dahil ayoko na naman makarinig ng mga bulong bulungan tingkol sa akin at sa nangyari kanina.
Nakahiga ako sa may bench habang nakatinngin sa ulap. Kailan nga ba ako naging ganito? Kailan nga ba ako nagsimulang maging isang masamang tao para sa iba?
Ahh oo, nung namatay si Xiao Lu. Ako ang sinisi ng mga tao sa kanyang pgkamatay. Ako ang naging dahilan kung bakit namatay siya. Kahit mga magulang ko ay parang nalayo ang loob sa akin. Simula nun ay sinisi ko na rin ang sarili ko at dahil sa kinimkim at tinago ko ang sakit, naging ganito ako ngayon.
Pinikit ko ang mga mata ko at may naramdaman akong luhang tumulo sa gilid ng aking mata.
"Uh, Se-Sehun?" Narinig kong boses mula sa isang lalaki.
Hindi ako umimik at nanatiling nakapikit ang aking mga mata, hindi ko rin naman kilala kung sino ang nagsasalita.
"Sehun? Gising ka ba? Dinalhan kita ng gamot..." habang mas tumatagal ang pagsasalita niya ay unti unti ko na ring nakilala kung sino ang nagmamay-ari sa boses na iyon.
"Ahh, pasensya na. Aalis na lang ako." Narinig ko ang isang paghakbang niya kaya dali dali kong iminulat ang aking mga mata at hinawakan ang isa niyang kamay para pigilan siya.
"Wag ka munang umalis." Sabi ko sa kanya habang dahan dahang bumangon. Binitiwan ko naman ang kamay niya.
"Ahh ok. May dala akong gamot." Umupo siya sa tabi ko at pinakita ang medicine isang kit.
"Para saan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Kasi... may sugat ka sa gilid ng labi mo." Sabi niya sa akin at hinawakan ko naman ang gilid ng labi ko at napaaray ako nang maramdaman ko ang sakit. Hindi ko to napansin kanina. Nakita ko naman na mukha siyang nag-alala at di ko mapigilan ang sarili kong humanga sa maganda niyang mukha.
"Hayaan mo na. Gagaling din ito. Di mo na kailangan pang mag-abalang gamutin ito." Sabi ko sa kanya habang umiiwas ng tingin.
Pero hinwakan niya ang mukha ko at may nilagay sa gilid ng labi ko kung saan ako may sugat. Nagulat ako sa ginawa niya at naramdaman ko nalang na umiinit ang katawan ko.
"Siguro nga gagaling ito pero mas mabuti na gamutin ito para hindi rin tumagal ang sakit." Sabi niya sa akin habang nakatitig sa mga ginagamot niya.
"Paano mo nalaman na andito ako?" Tanong ko sa kanya.
"Instinct." Simpleng sagot niya habang patuloy sa paggamot sa sugat ko.
Nakatitig lang ako sa mukha niya habang nagsasalita siya. Nung mapansin niyang tahimik lang ako ay napatingala siya at napatitig kami sa mga mata ng isa't isa.
Ang ganda ng mukha niya. Ang makinis niyang mukha. Ang mapupula niyang mga labi. Napakainosente ng kanyang mukha. Pero mas lalo akong humanga sa mga mata niya. Parang nakita ko na sila dati...
Nagising ulit kami ng nagring na ang bell.
"Ahh, kailangan ko ng umalis. Tapos na kasi ang break ko. May klase pa ako. Sige, mauna na ako." Sabi niya habang dali daling umalis.
Sinundan lang ng mga mata ko ang papalayo niyang imahe.
AQUEOUS KATE
BINABASA MO ANG
Obsessed with Hyung (HunHan)
RomanceI love him from the very start. He was kind, caring and optimistic... he was an angel who always sees the goodness of everyone else. But my LOVE, made him fearful and introverted. I never wanted him to be like that, but what can I do if I'm OBSESSED...