Chapter 2

803 29 5
                                    

"Magkakasakit ka kapag hindi ka nagpasilong." Sabi ng taong nakatayo sa harap ko.

Tumingala ako para tingnan ang mukha niya at...

Nakita ko ang bartender kanina na may dala dalang payong.

Hindi na bartender uniform and suot niya. Suot niya ngayon ay isang sweater jacket at pantalon.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Pinapayungan ka." Sabi niya habang nakatingin sa akin at bigla siyang ngumiti.

Biglang tumibok ng malakas ang puso ko. Hindi kaya nagkakagusto na ako sa lalaking to. Pero this is just our second encounter at kanina ko lang siya nakita. It's not strange for me kung magkagusto man ako sa lalaki dahil matagal na akong nagkakagusto sa kung sinu-sino, babae man o lalaki. But never have I experienced having my heart beat this fast for a person I just met. Siguro dahil desperado lang ako ng pagmamahal.

"I don't need it." Sagot ko.

"Lahat ng tao kailangan ng payong kapag umuulan para kapag hindi na natin kinaya ang patuloy na pagbuhos nito, makakasilong tayo sa ilalim ng payong." Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga sinasabi niya.

Sasagot na sana ako nang may tumawag sa kanyang isang lalaki...

"Andiyan na!" Sagot niya dun sa lalaki. Tumingin siya uli sa akin... "Eto oh..." Inabot niya sa akin ang payong niya at tumakbo papunta sa lalaking tumawag sa kanya.

Narinig ko pang nagtanong pa yung lalaki sa kanya... "Bakit mo binigay yung payong mo sa kanya?"

"Hayaan mo na. May payong ka naman eh. Share nalang tayo. Hehehe!"

"Ewan ko sa'yo hyung..." At di ko na narinig yung iba pang pinag-uusapan nila dahil malayo na sila sa kinaroroonan ko.

Hawak-hawak ko ang payong niya at tiningnan ito. Napangiti ako sa payong niya at napailing.

"Hello Kitty?" Nakita ko naman ang maliit na nakasulat sa payong nito at binasa... "Lu Han"



AQUEOUS KATE

Obsessed with Hyung (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon