Chapter 3

946 30 7
                                    

"Ah anak, siya pala yung anak nina Mr. ang Mrs. Oh. Parehas kayo ng pinapasukang skwelahan." Sabi ng papa niya. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

"Goodmorning po sir, Lu Han nga po pala." Sabi niya sa akin at nagbow.

Hindi ko alam kung ano dapat ang approach ko sa kanya kaya pumasoK na lang ako sa sasakyan. "Pwede na ba tayong umalis? I'm already late for my class."

"Ahh sige po sir." Pumasok na ang driver sa harapan habang si Luhan naman ay tumabi sa akin sa likod, sa passenger seat.

Umandar na ang sasakyan at bumyahe kami papunta sa school. Tahimik lang kaming lahat sa sasakyan.

Nakatingin lang ako labas ng sasakyan at paminsan minsan ay ninanakawan siya ng tingin. Nagbabasa siya ng libro at napakaganda niyang titigan.

Tumigil na ang sasakyan sa school at bago ako lumabas ay tumingin ako sa kanya at nagsalita, "Sehun nga pala."

Para naman siyang nagulat at maya maya ay ngumiti. Bumilis ang tibok ng puso ko. Umiwas ako ng tingin at naglakad papasok ng paaralan.

Hindi ko alam kung naaalala pa niya ako. Pero ako, alalang alala ko pa siya.

Ayan na naman ang tingin tinginan ng mga tao. Nakakainis sila. Ughh.

"Oyy dude!" Lumapit sa akin si Kai

Kaibigan ko siya simula pa nung kindergarten. When we were in high school, nakapasok kami sa isang grupo na sikat dito sa school. I thought pag napasali ako sa grupo na iyon, others are going to accept me, but no.

"Ikaw pala Kai." Naglalakad pa rin ako papunta sa classroom kasabay siya. Inakbayan naman niya ako habang ang iba'y patuloy lang sa pagtingin sa amin.

"I heard about what happened to you and that girl, whatever her name is. Ok ka lang?" Tss. Bumalik tuloy ang galit ko dahil sa mga sinabi niya.

"I don't want to talk about it." I said with a poker face pero sa loob looban ko, gusto ko ng sumabog sa galit.

"Okay. Sorry." Tinaas naman niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko. Atleast he gets it.

Pumasok na kami sa classroom at umupo sa kanya kanya naming mga upuan. Nakarinig naman ako ng mga bulong bulungan...

"Bakit ba sumasama si Kai sa kanya?"

"Diba he has some mental disorder? Like bipolar or something."

"Diba kasali din siya sa sikat na grupo dito sa campus? I don't know how he got accepted."

"Maybe he threatened them."

I just want to freaking snatch their mouth to make them shut up.

"Stop judging him, okay. Kung wala kayong magawa sa buhay niyo, tumahimik na lang kayo." It's Bea. She's another popular girl here in school. Lagi niya na lang akong nililigtas kahit hindi ko naman kailangan. She smiled at me and sat on her own chair.

Another boring school day. Tss. Andito ako ngayon sa cafeteria with Kai, already eating our food. Then I saw this guy in the line being bullied by two other guys. Siguro para makasingit ang dalawang bullies. Tss, pathetic low life.

Hindi ko na sana papansinin but the bullied guy's face looked so familiar. Luhan. Nagmadali akong pumunta sa kanya at nakita ko na susuntukin na nung isa si Luhan kaya tinulak ko ang lalaking yun. Para namang nagulat si Luhan sa ginawa ko.

"What do you think were you trying to do?" I asked.

"Wag kang makialam dito kung ayaw mong masaktan." Galit na sabi nung lalaking na tinulak ko.

"Teka, diba ikaw si Oh Sehun? Ang warfreak ng 3-A?" Usisa naman ng isa sa akin.

"Eh kaya pala eh. May sira sa ulo nga pala ang lalaking toh eh."

Sumabog na ako sa galit sa sinabi nila kaya pinagsusuntok ko sila. I don't freaking care if this is a freaking school ground. I just want to see them bleed.

"Se-Sehun. Tama na yan." Pag-awat sa akin ni Luhan. Pero dahil sa hindi ko na makontrol ang sarili ko ay naitulak ko siya.

Napatigil naman ako ng makita ko siyang natumba. Nakita ko ang sakit at takot sa mukha niya, kaya mabilis na lang akong umalis sa cafeteria at tumakbo sa kung saan.

Sht. What have I done? Nakakainis ka Oh Sehun! Pati ang taong espesyal para sayo ay nasasaktan mo... ughh...




AQUEOUS KATE

Obsessed with Hyung (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon