Chapter 1

971 33 5
                                    

Fashback

Papunta na ako ngayon sa lugar kung saan kami magkakaroon ng first date ng girlfriend ko. Excited na excited ako. Five months din akong nanligaw sa kanya kahit ilang beses din niya akong binasted kaya nang sinagot niya ako kahapon, ang saya saya ko. Pinaghandaan ko ang date naming to.

Pagdating ko sa lugar ay wala pa siya roon. I'm 10 minutes early so I will just wait here.

10 minutes ang lumipas... 'Siguro parating na yun.'

10 more minutes... 'Ganun naman talaga ang mga babae, late dahil nagpapaganda pa.'

Ilang oras akong naghintay sa kanya at ilang beses ko ring pinagtanggol siya sa isipan ko.

"Ahmm... Sir, magsasara na po kami." Sabi nung waiter.

"Teka lang po, hinihintay ko pa po ang girlfriend ko. Padating na po yun." Pagmamakaawa ko sa waiter.

"Sorry sir pero ilang oras na kayo dito. Di na po ata darating ang hinihintay niyo po."

"Pero..." Naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita agad ang waiter

"Sir, kailangan na po talaga naming magsara. Pasensya na po."

Shit. Nakakainis. Kumukulo ang dugo ko sa waiter na to. Hindi ba niya naiintindihan na hinihintay ko po ang girlfriend ko. Mapapatay ko tong taong to eh.

'Huminahon ka lang Oh Sehun. Hindi mo kailangang pumatay, maraming taong makakakita sayo.'

Inhale. Exhale. Tumayo na ako at umalis sa restaurant na iyon bago pa ako magwala.

Naglakad-lakad lang ako papunta sa kung saan saan. Ughh... Tinawagan ko ang girlfriend ko pero hindi siya sumasagot. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bigla akong napatigil sa isang bar at may kung anong nagsasabing pumasok ako.

Sa loob ng bar, maraming nagsasayawan habang sa mga gilid ay mga lalaki't babaeng naghahalikan. Dumiretso na ako sa kung saan makakakuha ng drinks. Magpapakalasing na lang ako ngayon.

Umupo na ako at umorder ng maiinom sa isang lalaki? Di ko alam kung lalaki ba to o babae... Mukha siyang babae pero lalaki ang suot suot niyang bartender uniform. Dun ko lang napansin ang pangalan niya... Nice name though... Ughh, ano ba tong pinag-iisip ko.

Nilagay na niya yung drinks sa table ko at ininom agad iyon.

"Uhh... Sir... Dahan dahan lang po sa pag-inom." Sabi ng bartender. Tss. Wala siyang pakealam. Buhay ko to.

Tumayo na ako at pumunta sa mga nagsasayawan hanggang sa makita ko ang pamilyar na likod ng babaeng may kahalikang lalaki. Dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan nila at agad-agad sinuntok ang lalaki.

"Se-Sehun..." Gulat na sabi ng babae.

"Ano bang problema mong lalaki ka?" Sigaw njng lalaking sinuntok ko habang tumatayo mula sa pagkatumba niya.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko. Bakit mo hinahalikan ang girlfriend ko?" Sigaw ko sa lalaki.

"Girlfriend? Eh baliw ka pala..." Susuntukin ko na sana siya kaso bigla akong tinulak ni Juwan, ang girlfriend ko.

"Pwede ba Sehun! Hindi mo ako girlfriend. Sinagot kita kasi nakukulitan ako sayo. Ayoko sayo. Ayoko ng lalaking bipolar at may sira ang ulo. Kaya pwede ba, tantanan mo na ako!" Sabi ni Juwan.

Uminit ang ulo ko sa mga sinabi niya. Aaminin ko, I have a mental disorder at mas malala pa iyon kaysa sa sinasabi niyang bipolar. I am insane when uncontrollable. I can be a demon.

I punched the guy in the face really really hard.

"Tandaan niyo to... Hindi lang yan ang kaya kong gawin sa inyo. I can do things you don't expect I can do. You know that, Juwan." Umalis na ako sa eksenang iyon at habang naglalakad ako palayo, narinig ko pa ang lalaking sumigaw,

"Bring it on!"

Don't worry, I will really show you the evil in me.

Lumabas na ako sa bar gamit ang backdoor. Di ko nga alam kung ba't dito ako napunta sa likod ng bar. But I don't care anymore. Napasandal ako sa wall at napaupo sa sahig.

Tumutulo ang luha ko ngayon. Ughh... Naiinis ako sa lahat ng tao at sa mundo. No one loves me. Kahit na sabihin pa na may mental disorder ako, marunong rin akong magmahal at masaktan, tulad ng nadarama ko ngayon. Nobody dared to befriend me nang malaman nilang may psychological disorder ako. Prinotektahan ako ng parents ko pero dahil lang iyon sa kailangan nila ako for their own interests.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo dito pero naramdaman ko nalang ang pagtulo ng ulan. I don't care anymore.

"Magkakasakit ka kapag hindi ka nagpasilong." Sabi ng taong nakatayo sa harap ko.

Tumingala ako para tingnan ang mukha niya at...



(A/N):

Waaahhhh!!! Wala na akong makikitang HunHan moments dahil sa pag-alis ni Luhan sa ExO. Oh well, I expected this situation to come. Promise! Alam kong mangyayari toh. May suspetsya na ako nung naghalt muna ng team activities si Luhan. Haii... Sinong broken-hearted diyan?; taas ang dalawang paa. Heol!

AQUEOUS KATE

Obsessed with Hyung (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon