Chapter 7

646 24 9
                                    

"Kyungsoo ko?!" Tanong ng isang boses sa aming likod.

Tumalikod ako para tingnan yung nagsalita at nakita ang maliit na lalaking may suot na badge ng student council.

Habang si Kai naman ay parang nanigas.

"K-Kyungsoo..." nanlalaki ang mga mata ni Kai habang humarap kay Kyungsoo.

"Anong ibig mong sabihin sa 'Kyungsoo ko'?" Tanong niya kay Kai na nakatingin ng matalim.

"Ahh... a-ano..."

"Sehun, si papa naghihintay na sa..." bigla namang sumulpot si Luhan hyung sa likod ni D.O. "Kai, ikaw pala."

Pilit na ngiti lang ang binigay ni Kai sa kanya at halatang kinakabahan.

"D.O. andito ka rin? Anong nangyayari?" Oblivious of everything, pabalik balik lang siya ng tingin kina D.O at Kai.

Ako naman ay nakatingin lang sa kanya at natutuwa sa mukha niyang naguguluhan sa nangyayari. Tahimik lang sina D.O. habang si Kai naman ay di malaman ang gagawin.

Lumakad ako palapit kay Luhan and nilampasan lang si Kai at D.O. Sila na ang bahala sa sitwasyon nilang iyan.

"Tara na. Naghihintay na papa mo diba." Hinawakan ko ang balikat niya at inikot siya paalis sa lugar na iyon.

Nakarating na kami sa bahay at hindi naman siya nagtanong pa.

----------------------------

"Leche ka Sehun! Bakit mo ako iniwan kahapon?!" Paunang bati sa akin ni Kai.

"Magandang umaga rin Kai." Dumirecho ako sa aking upuan.

"At kailan ka pa natutong bumati ng tao." Di makapaniwala niyang tanong sa akin.

"Simula nang nahuli ka ni D.O MO kahapon." Natutuwang sabi ko sa kanya.

"Sh*t! Sehun, ano kang klaseng kaibigan? Hindi mo ba alam kung gaano ako naghirap para lang makawala sa kanyang matatalim na tingin. Siya nga ang Satansoo ko."

Inirapan ko lang siya. Ang drama niya talaga parang bakla.

"Nga pala, gustong makipagmeeting ni Suho sa atin mamaya." Sumeryoso ang mukha ni Kai ng banggitin niya si Suho.

"Tungkol daw saan?" Seryoso kong tanong sa kanya.

He shrugged at bumalik ulit sa pagdadrama niya. "Kyungsoo bakit mo ba ako pinapahirapan? Gwapo naman ako at maraming babae at bakla ang nagkakandarapa sa aking gwapong mukha at napakagandang katawan."

Namomroblema na nga sa Kyungsoo niya kuno, may halo pang pagmamayabang. Tss. Pano ko nga ulit to naging bestfriend? "Alam mo kung bakit ayaw ni Kyungsoo sayo?"

"Bakit?" Lumapit siya at halatang gusto niya talagang malaman ang dahilan.

"Ang yabang mo kasi, eh di ka naman nakikita sa dilim." Pagkasabi ko sa kanya niyan ay umalis na ako.

"Walangya ka talaga Sehun!!!" frustrated na sabi niya. Ngumiti lang ako.

----------------------------------

Andito ako sa labas ng classroom ni Luhan upang kausapin siya na hindi ako makakasama sa pag-uwi dahil sa meeting. May mga taong dumadaan at tumitingin at nagbubulungan pa.
Napapairap na lang ako sa kanila. Nasanay na kasi ako.

"Hey Sehun! Ano ginagawa mo dito?" biglang sulpot ni Bea sa harapan ko.

"May hinihintay lang ako." Sagot ko.

"Ahh, girlfriend mo?" Nang-uusisa niyang tanong.

"Hindi..." walang gana kong sagot.

"Ayy. Akala ko may kaagaw na ako sayo, eh." Nagulat ako sa sinabi niya.

"What?!"

"Biro lang. Masyado ka namang seryoso." Tawa niya.

Inirapan ko naman siya. Di ko talaga maintindihan ang babaeng to.

"Sige Sehun alis na ako. Hinihintay na ako ng mga kaibigan ko. Babush~" Pagpapaalam niya at ngumiti ng pagkatamis tamis.

Sakto namang bumukas ang pinto ng classroom ni Luhan. May mga naglalabasang mga estudyante na napapatingin pa sa akin at nagbubulong-bulungan. Di ba sila nagsasawa na gawin yun pag nakikita nila ako.

Nakita ko naman si Luhan na palabas ng klase niya kasama si D.O.

"Luhan hyung..." tawag ko sa kanya.

Bigla namang lumingon sa akin si Luhan at lumapit. Habang papalapit naman siya ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Andito na naman ang nararamdaman kong kakaiba.

"Anong ginanagawa mo dito Sehun? May ipag-uutos ka ba?" Tanong niya ng makalapit na siya kasama si D.O.

"Wala naman. Gusto ko lang ipagpaalam na may gagawin ako mamaya kaya matatagalan ako sa pag-uwi. Pakisabi na lang sa papa mo na hindi na ako makakasabay." Sabi ko sa kanya.

"Ahh ganun ba? Sige sasabihin ko sa kanya mamaya." sabi niya.

"YA Sehun!" Bigla namang sabat Ni D.O.

Napatingin lang ako sa kanya na parang walang pakealam sa sasabihin niya.

"Sabihin mo sa tustadong kaibigan mo na magpakita siya sa akin bukas, kung hindi ay susunugin ko siya ng buhay." Seryosong sabi ni D.O. Kaya nga ang tawag sa kanya ng mga estudyante ay Satansoo dahil may pagkademonyo ang aura niya pag seryoso.

"I will." Tipid kong sagot sa kanya. "Sige! I have to go."

Bago tuluyang umalis ay tumingin muna ako kay Luhan. Ang ganda niya talaga.

Pagkaalis ko ay dumiretso na ako sa klase ko.

"Uyy dude, sa'n ka nagpunta? Kanina pa kita hinahanap." Tanong sa akin ng tustadong kabuteng si Kai.

Speaking of tustado. "Kai, sabi nga pala ni D.O. mo na magpakita ka raw sa kanya bukas. Kung hindi..."

Biglang tumalaytay sa mukha ni Kai ang takot. Napapangiti na lang ako ng palihim. Wala siyang kinatatakutan na kahit sino o kahit ano, atleast yan ang sinasabi niya. Pero pagdating kay D.O., halatang abot langit ang takot niya sa taong iyon.
"Kung hindi ano?" tanong niya habang napapalunok.

"...kung hindi ay susunugin ka raw niya ng buhay."




Comments over Votes! :)

AQUEOUS KATE

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Obsessed with Hyung (HunHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon