Hindi ba matagpuan mailap mong ligaya?
Nilinlang ba ang iyong puso?
Nilaro?
Dinaya?Hindi ba't tapat na pag-ibig ang inalay niya sa iyo?
Tibok ng puso mo...
Iniwan?
Inulila?Tandang-tanda mo pa binigkas niyang mga salita
Hindi mo malimutan masasayang alaala
Panaginip na saklaw sa bawat gunita
Puso mo'y ginising, naglakbay pati diwa.Nakaw na mga halik, dumampi sa iyong labi
Nagtanong sa mga ulap, puso'y naging pipi
Nahiya, nabingi... mga ibong saksi
Malawak na pilapil, doon na nagkubli.Ang sabi mo...
Isinakay ka sa puting kabayo
Tangan-tangan mo inalay niyang rosaryo
Binigkis ng ligaya sa gintong paraiso
At sa dulo ng landas...
kapirasong pangako?Hindi matatawaran ang pag-ibig mo
Hindi nasusukat ang katapatan mo
Dahil ang puso'y inaalay mo nang buo
Ipinagkakaloob...
kahit ikaw ay nabigo.Sabi nila...
Kapag pag-ibig pumukaw kanino man
Hahamakin ang lahat--masunod ka lamang."Ganyan ba umiikot, pag-ibig mo kaibigan?
Bilanggo ang iyong puso nang
KAPIRASONG PANGAKO...
na matagal ka nang iniwan."⚜️
Konsepto at Disenyo ng Pabalat :
OneH4-Ram ✍️
Copyright ©2021 by OneH4-Ram
BINABASA MO ANG
SIMPLENG TULA
PoetrySa aking pluma at kuwaderno magmumula Mga salitang binubuo ng aking diwa Sa aking pusong nag-aalab na lumikha Binabalangkas ang mga SIMPLENG TULA . 📝 Poetry